Jena's POV
Hinatid namin si Ella sa airport. Kumpleto kami. Lahat sila humalik at yumakap sa kanya. Pero bakit hindi ko magawang yakapin si Ella? Wala naman akong kasalanan. Hindi ko alam na mangyayare ito. Hindi ko ito inaasahan. </3
*Paglabas ng airport*
From: Babe <3
Babe, kita tayo mamaya? Dun ulit sa resto na pinuntahan natin last time. I love you. <3
Tss. Pagod nako pero nag-yaya na naman siya. Ano bang magagawa ko kundi pumunta. Humiwalay na ako dun sa mga kasamahan namin. Nasa loob na din kasi si Ella eh. Tuloy na tuloy na ang kanyang pag-alis.
*Sa resto*
Isa itong Korean restaurant. Nakita ko si Babe sa dulong upuan sa may sulok. Tss. Pag talaga hindi masyadong malaki dun ang puntahan. XD
"Kumusta siya?" Agad niyang tanong sakin sabay halik.
"Okay naman siya. Umiiyak."
"Dapat kasi hindi na lang siya umamin para ayos pa din ang lahat." -Babe
"Hmm. I guess. Hindi mo ba siya mahal Babe?"
"Mahal naman. Kaso may mahal akong iba na mas higit sa kanya." -Babe
Kumain lang kami. Puro kay Ella ang usapan. As usual. Medyo nauurat na nga ako eh. Pero kailangan kong tiisin at intindihin. Kaya nagpahatid nako pauwe. Medyo pagod na din naman ako eh.