Ella's POV
"Ma, bilisan mo naman. Pag hindi ko nakuha medal ko, magsisisi tayo pareho. Maaaaa! Bilis naman. "
Paiyak nako. Ang aga kong nagising. Nagpabili pako kay Mama ng bagong damit kahapon pagka-uwi ko. Kahit si Mama ay napakaganda sa kanyang bihis. Tsss. Mukhang sosyal kami pareho. :DD
~
Dumating na kami sa school grounds. Duon ko lang na-realize na malaki pala ang school namin. HAHA. Ang dami ko palang kasabay na gagraduate. Ngayon ko lang napansin. Pero gusto ko sanang bilangin kaso nga lang maya't-maya ang pagkamay sakin ng mga professors ko pati mga classmates. Yeah. Sikat na naman si Ella Manalo. :33 Dahil dito ay panandalian ko ng nakalimutan ang tungkol kay Kyungsoo at sa Korea. Hindi ko alam kung paano ko siya makikita pero hindi ko muna yan iisipin. Dapat masaya muna ako ngayon. Dahil magiging akin din siya habang buhay. Lol. ^_^
*During the graduation rites*
Tsss. I am bored. Ang haba-haba ng mga speeches ng mga sikat na tao. Sumakit ang ulo ko plus dumugo ang ilong. WAAAAH! Nakakaurat kasi inaantok na din ako. Kaso hindi naman ako makatulog dahil andito ako sa unahan ng madlang pipol at wapoise kung tutulog ako. T_T
Habang nakikinig ay naalala ko yung nagyare kahapon...
"Ella." - Jena
"Kelangan natin mag-usap." -Jena
"Ano pag-uusapan natin?"
"May naiwan ka pa sa Korea." -Jena
"Ha? Ano?"
"Ella, naiwan mo si Kyungsoo sa Korea." -Jena
"Eh? Baka ikaw ang nakaiwan sa kanya."
"Ella, pinalabas lang namin ni Baek yun lahat. Alam ko naman na may pagtingin kayo sa isa't-isa. Ginawa namin yun para mapaamin kayo. Trust me, wala kaming balak na saktan ka o si Kyungsoo." -Jena
"Ibig sabihin, pati yung panliligaw ni Baek palabas mo din?"
"Hindi Ella. Talagang gusto ka niya nung umpisa. Pero dahil napapadalas ang pagkikita namin ni Baek ay kami ang nagkatuluyan. Im sorry Ella. Hindi namin inakala na aabot sa ganito ang lahat." -Jena
Oo masakit. Masakit na nagawa yun ng best friend mo. May magagawa pa ba ako kung sasampalin ko siya with matching tadyak? Kung titingnan naman natin, tama nga naman. Ginawa nila yun para mapaamin kami ni Kyungsoo. Kaso hindi naman umamin ang gupit bao na yun. HAHAHAHA. Bahala siya. Hindi nako makakabalik sa Korea at ayaw ko din naman ng LDR. Wow Ella? LDR? Walang kayo. AHAHA. Walang sayo Ella. -_-"
*Batok*
"Aray ko Ma. Ang sakit."
"Aba naman. Habang nasa taas ka ay tulala ka hanggang matapos ang program. Tapos nung naglalakad na tayo ay para ka namang aso na ngingiti-ngiti. Anak umamin ka nga? Napaano ka sa Korea?"
Tanong ni Mama. Sus. Saan niya nakuha yan? Hindi ako nag-shabu dun or whatever. May tama lang puso ko at yung utak ko ng konte pero hindi ako nag-shabu. Pisti. Pinalaki niyo kaya ako ng maayos! :3
~
Naputol ang usapan namin ng lumapit si Jena. May inabot siya saking box. Maliit lang yung box. Hmm. Ano kayang laman? Imposible namang damit kasi maliit lang yung box. May surprise factor pang alam ang isang ito.
"Mamaya mo na lang yan buksan pag-uwi mo. Labyu!"
Bilin niya sakin bago siya tumakbo palayo. Nagkatinginan naman kami ni Mama. HAHAHA. Mag-ina nga kami. Alam ang lukso ng dugo. At naglakad na din kami. Parang gusto ko munang matulog sandali pero nung dumating kami sa bahay ay puno na ng tao. Ang bilis talaga ni Mama mangumbida. Bidang-bida na naman ako eh. -_-"
*Sa bahay*
Bati dito. Bati doon. Kamay dito. Kamay doon. Halik dito. Halik doon. Yung totoo? Artistahin talaga ako ano? XDD
Nung napagod ako ay umakyat nako sa kwarto ko at tumitig sa butas na nasa bubong namin. Pipikit na sana ako para managinip, alam niyo na, gusto kong makasama si Kyungsoo sa panaginip man lang. Aaminin ko, namimiss ko na siya at kung paano kami mag-away. Tapos kung paano lumipad ang gupit bao niyang hair. HAHAHA. Pero sumagi din sa isip ko kung alam na ba niya ang lahat? Na ginawa lang ito nila Jena at Baek para mapaamin kami? Hanggang ngayon wala akong ideya kung paano maaayos ang lahat. Kung sana nasa Korea ako at may pagkakataon na makita siya.
"AHHHHHHHHHHHHHH!" Sigaw ko pagkakita ng ticket. Ito yung laman ng box na inabot sakin ni Jena. Dali-dali ko kasing binuksan yung box habang nagmumuni ako kung paano ako pupunta sa Korea. At ito na yung pagkakataon. Yeees! Bukas na ang alis ko. XDD
"Ano yun Ella? Bakit ka humihiyaw? Sa wakas ba ay may nag-tangka na sayo?" Ay. HAHA. Grabe naman si Mama. Excuse me Madir, may mabibihag din ako noh. Watch and learn. :D
"Aalis na naman ako Mama bukas papuntang Korea."
"Ahm Anak. *Abot ticket* Bukas din dapat ang flight natin. Sa Korea din." Nagulat ako sa sinabi ni Mama. Kelan pa kami yumaman at kaya na naming bumili ng plane ticket? -.-
"Anong gagawin natin dapat dun Ma? Ito kasi yung ticket na bigay ni Jena sakin Mama kanina."
"Malalaman mo pagdating natin sa Korea Nak."