Chapter 38

10 0 0
                                    

Third person's POV

Naghanda na si Ella at ang kanyang Mama papunta sa Korea. Nag-impake na sila. Hindi pa sigurado pero mukhang magtatagal ang dalawa sa Korea.

~

Dumating ang mag-ina sa Korea. Agad namang tinawagan ni Ella si Baek para magpatulong na maghanap ng matitirahan.

"Welcome back Ella." Sabay yapos sa kanya ng kanyang kaibigan. Halos isang buwan din mahigit nung huli silang magkita.

~

From: Baek

Kita tayo sa park Ella. Please? I won't accept a no. 7pm sharp. See you.

Nakatanggap si Ella ng mensahe habang kumakain. Biglaan kasi ang pag-vibrate ng phone niya. Hindi kasi ordinaryo kay Ella kung may matatanggap siyang text these days. At nag-ayos na siya. Simpleng blouse at jeans lang ang sinuot niya. Nag-beso na lang siya sa kanyang ina at nagpaalam na may pupuntahan lang sandali bago lumabas ng pinto. Ibinigay naman ni Baek ang address ng park kaya napadali lang ang pagtukoy ni Ella sa lugar na pupuntahan niya.

"Gomawo." Sabay abot ni Ella ng bayad sa driver. Naglakad siya ng dahan-dahan dahil medyo madaming tao ang nasa park. Medyo awkward pa ang ambience ng lugar kasi ang daming nagde-date. Hinanap ng kanyang mga mata ang kanyang kaibigan. Sa paglinga-linga ay wala siyang nakitang Baek. Inilinga pa niya ang kaniyang paningin sa bawat sulok ng park. Naniniwala kasi siya na andun lang si Baek sa isang tabi.

Naiiyak na si Ella. Nanginginig na ang kanyang mga tuhod dahil sa takot. Walang Baek ang nagpakita. Isa na naman ba ito sa mga palabas nila Jena at Baek? Pero malayo naman sila sa isa't-isa ngayon kaya imposible. Pero asan nga ba si Baek?

"Ella." Agad naman ang paglingon ni Ella sa tumawag. Hindi pamilyar ang boses. Pero hindi niya alam kung sino ang tumawag dahil sa takot. Nasa madilim na parte ito ng park. Unti-unti itong naglalakad palapit kay Ella. Samantalang siya naman ay nililiitan ang mga mata para makita kung sino man ang naglalakad.

Unti-unting pumatak ang luha niya. Kilala niya ang naglalakad. Kilalang-kilala dahil ito ang lalaking mahal niya. May hawak itong bulaklak at inabot ito kay Ella. Pero sa halip na amuyin ay inihampas niya yun ng inihampas sa kung saan mang parte ng katawan ni Kyungsoo.

"Walang hiya ka. Napaka-walang hiya mo. Anong ginagawa mo dito Kyungsoo? Andito ka ba para sabihin na wala akong pag-asa? Na sayang lang ang pag-iyak ko?"

At ang paisa-isang luha ay naging ilog ng hinagpis. Ang tagal na nawala ni Kyungsoo. Umalis na siya at nakabalik ay wala pa ding pagbabago sa estado ng relasyon nila.

"Sorry. Isinama ako ni Daddy sa isang business trip for a month. Nung gabi ng party, yun din ang gabi na umalis kami. Gusto ko naman talagang magpaalam sayo pero wala akong pagkakataon." -Kyungsoo

Pinunasan ni Ella ang kanyang mga luha at sabay tumalikod. Hindi pa siya ready na makausap ang binata. Oo, mahal niya. Pero hindi niya makakalimutan na sobra siyang nag-alala para dito. Next time na lang Kyungsoo. Next time.

"Ella... I... love... you..."

Napatigil sa paglalakad si Ella. Napakalinaw ng mga salitang binitawan ni Kyungsoo. Sabay ng pagbugso ng damdamin ng dalawa ay sabay din ang malakas na pagbuhos ng ulan.

"Sa tingin mo maniniwala ako Kyungsoo? Hindi mo ako magugustuhan Kyungsoo. Im not your type."

Tuloy pa din ang pagbuhos ng ulan. Dahilan para hindi makita ang mga luha ni Ella.

"Maniwala ka sakin Ella. Matagal na akong may gusto sayo. Pinigilan ko yun dahil nanligaw sayo si Baek. Ako ang kusang lumayo para magkaroon kayo ng magandang love story. Hindi ako nakapagpaalam pero hindi ibig sabihin ay hindi na kita mahal. Gustong-gusto kita Ella Manalo."

Animo'y estatwa si Ella. Hindi siya makagalaw. Yung lalaking mahal niya ay mahal din siya. Hindi niya ito inakala. At kahit na sa malakas na buhos ng ulan ay nagawa niyang ngumiti.

"At ngayon, gagawa na tayo ng sarili nating love story Ella. Sana ay hayaan mo akong maitama ang naging kamalian ko sa iyo."

Sasagot na sana si Ella pero lumuhod si Kyungsoo at kinuha ang kanyang kamay.

"Will you be my girl?"

"Y-yeeessss Kyungsoo."

At nagsayaw ang dalawa sa gitna ng ulan. Wala silang pakialam kung malakas o hindi. Kung basang-basa na ba sila ng luha at ng ulan. Pero isa lang ang gusto nilang mangyare. Yun ay ang mabawi ang mga panahon na nawala sila sa piling ng isa't-isa.

OverdoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon