Ella's POV
Ang sakit ng ulo ko. Daaang! -_-"
Bumalikwas ako sa higaan ko ng makita ko ang nakatitig na Kyungsoo sa harapan ko. AHHHHH! May boyfriend na nga pala ako. HAHA. Nakalimutan ko. XDD
"Good morning baby. Ang tagal mo naman magising. Kain ka na ng break fast." -Kyung
"Not in the mood baby." I flashed a weak smile on my face. Masama ata ang pakiramdam ko. Naligo nga pala kami sa ulan kagabi. So malamang ay lalagnatin talaga ako.
/Kyungsoo holds my neck and tries to feel whether i am sick or whatever/
"May lagnat ka baby. Teka, hihingi lang ako ng gamot kay Tita." At agad na siyang lumabas sa kwarto. At napapakinggan ko na tumatakbo na silang dalawa ni Mama papasok sa kwarto ko.
*Inom ng gamot*
"Wala munang pasyal Nak. Magpahinga ka muna." -Mama
"Tita, pwede po ba na dumito muna ako kahit ngayong maghapon lang hanggang umayos po ang kanyang pakiramdam?" Tanong ni Kyungsoo kay Mama. Tumango naman ito ng dalawang beses at ngumiti.
"Oh, may personal nurse ka naman na Ella. Iiwan ko muna kayo at mamimili na din ako." At lumabas na si Mama.
"I love you baby." Sabay halik sa noo ko.
" I love you too baby." At hindi ko na napigilan ang mga mata ko sa pagsara. Ang alam ko lang ay secured ako dahil naramdaman ko na hinawakan ni Kyungsoo ang kamay ko. :*
~
*After 4 hours*
Ang nadatnan ko lang ay si Mama sa tabi ko. Hinanap ng mga mata ko ang kasintahan ko. Pero walang Kyungsoo. Hindi ko siya makita.
"Pinauwi ko na Nak, baka naman kasi mapagalitan na yun. Babalik naman daw siya bukas. Hiningi niya yung number mo Nak. Tatawag daw siya sayo mamaya." -Mama
"Ma, ano po ang tingin niyo kay Soo? Mabait naman po siya di ba?"
Napatigil si Mama sandali. May mali eh. Hindi ganito si Mama. If i know na babayaran niya kung kaya niya ang mga lalaki sa lugar namin para lang may manligaw sakin ay gagawin niya. Pero bakit hindi masaya si Mama? Parang may bumabagabag sa kanya?
"Okay naman siya Nak. Pero..." -Mama
"Anong pero ma?"
"Hindi...kayo...bagay...nak..." At hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Bakit ganun?
"Ang damot niyo Ma. Siya yung kaligayahan ko. Mahal na mahal ko siya Mama."
"Ella, kaya tayo pumunta dito sa Korea ay dahil ipapakilala ka na sa mapapangasawa mo." -Mama
At dun nako humagulhol. Ang sakit. Nung una, lugar lang ang problema. Pero bakit ngayon tadhana na ang kalaban namin. Pisti. Hindi na ba ako magiging masaya kahit sa buhay pag-ibig lang? Hindi ko na hahangadin yumaman basta wag lang mawala si Kyungsoo sakin. Siya ang lahat sakin. Mamamatay ako pag nawala siya. </3
"Ma bakit? Kakasimula lang namin ma. Tss. Hindi na ba ako sasaya kahit dito lang Mama? Nagmamahalan naman kami pero ayaw ng tadhana. Ang sakit Ma, sobra. Patayin nyo na lang ako kesa mawalay sa kanya."
"Sorry Nak." At niyakap ako ni Mama.
~
*Kinabukasan*
Okay na ang pakiramdam ko. Pero aaminin ko na hindi ang puso ko. Ni hindi ko man lang alam kung paano ko sasabihin sa kanya na may ka-arrange marriage ako. At anytime, i'll be seeing that guy. Iniimagine ko na maglalakad ako sa altar na hindi si Kyungsoo ang naghihintay sa altar ay para akong sinasaksak ng sampung milyong beses sa puso. </3
"Baaaaaby!" Masiglang bati sakin ni Kyungsoo sa park. Dun ko siya hinintay. Dun daw muna kami magkita bago mamasyal. Ngumiti naman ako sa kanya. Ayaw ko ipakita sa kanya na anumang oras ay itatakas ako ng kumag na lalaking dapat kong pakasalan. Kahit ngayon lang muna, bago ko siya makilala. Si Kyungsoo muna ang uunahin ko. Siya lang ang gusto ko sa ngayon. Lalo't alam ko na wala na din naman akong magagawa.T_T
"Huy. Bakit hindi ka ata masaya? Ayaw mo ba akong makasama?" -Kyungsoo
"Dito ka lang sa tabi ko baby. Wag kang mawawala ah?" Yinakap ko siya ng sobrang higpit.
"Hindi nako makahinga baby. Hindi ako mawawala. Basta ba wag kang yumakap ng ganiyan kahigpit. " -Kyungsoo
Kung alam mo lang Kyungsoo na baka yan na ang huling yakap ko sa yo. Baka hindi lang isang beses ka magpa-akap sakin. </3