TTL: Line7

139 4 0
                                    

TTL: Line7

Ang bilis lang ng panahon. Christmas na! Sabi ng mommy at daddy ko, sa States nalang daw kami magpasko. Pero sabi ko, ayoko doon. Mas masaya kasing magpasko dito sa Pilipinas kesa sa ibang bansa.

"Merry Christmas, baby!" sabi sakin ni daddy tapos binigyan ako ng kahon na nakabalot sa Christmas wrapper.

"Thank you, daddy. Merry Christmas!" sabi ko tapos kiniss ko siya sa pisngi.

"Merry Christmas, baby! Eto oh. Limited edition lang ito. 20 bags lang ang meron niyan kaya ibibigay ko sayo 'yung isa para hindi ka mahuli sa bago." sabi ni mommy.

Iniabot niya sakin ang isang kahon na naglalaman ng bag na super ganda!

"OMG! Thank you, mommy!" sabi ko tapos kiniss ko din siya sa pisngi at niyakap.

Mga ilang oras pa ang nakalipas, umalis na ulit si Mommy at Daddy. Gusto nga nila akong isama eh. Kaso ayoko lang. May party kasi sila. Paskong pasko naman 'yung pa-party nila. Di ba nila alam na ngayon ko lang ulit makakasama ang parents ko dahil sobrang busy nila? Nakaupo ako sa harap ng bahay namin. Nakasandal ako sa gate. Ang ganda ganda pa naman ng outfit ko ngayon. Pumikit ako at isinandal ang ulo ko sa gate.

"Merry Christmas, Stal."

"Ay palaka!"

Nagulat kasi ako. May biglang nagsalita sa tabi ko. Pagtingin ko sa gilid ko, nandoon pala si Alexander.

"Yow." sabi niya. Ngumiti ako sa kanya.

"Merry Christmas din." sagot ko nalang.

Ngumiti siya sakin at may kinuha sa tabi niya. Iniabot niya ang kulay brown na medyo malaking kahon sa akin.

"Ano 'to?" tanong ko.

"Pagkain." sabi niya tapos nag poker face. Ako naman, natawa nalang.

"No. I mean, bakit binigyan mo ako nito -- ng regalo?" tanong ko.

Ngumiti ulit siya at sumandal sa gate ng bahay namin at tumingin sa langit.

"Pasko ngayon. Ayoko sanang makipag away pero kung gusto mo, game ako dyan. Haha. Joke." sabi niya. Tumingin ulit siya sakin. This time, nagtama na ang mga paningin namin. "Alam kong kapag binuksan mo 'yan, mapapa-poker face ka kasi ang unique. Gusto ko kasi, kung magbibigay ako ng regalo sayo, 'yung walang katulad. 'Yung maiisip mo balang araw kapag nakita mo 'yung regalo ko sayo, masasabi mo nalang: Ay. Kay Alexander na super gwapo at mahal na mahal ko ito nanggaling."

Pareho kaming natawa sa huli niyang sinabi. Hinampas ko naman sa kanya 'yung kahon na ibinigay niya sakin kaya napa-ouch siya.

"Wag. Masisira." sabi niya.

"Hmm. Buksan ko na ha?" sabi ko.

Ngumiti lang siya at tumango. Ako naman, tinanggal ko na 'yung takip ng kahon at ang nakita kong laman, isang kulay green na hayop na medyo malaking teddy bear. Tumingin ako ng masama kay Alexander pagkakita ko ng laman ng kahon.

"Naghahanap ka ba ng away, Alexander? Alam mong galit na galit ako sa palaka, diba?" sabi ko sa kanya.

Opo. Isa po itong palakang stuff toy na malaki. Alam niya na galit na galit ako sa palaka, bukod sa ang pangit nito, kamukha nito si Mildred. Haha. Joke. Ayoko lang kasi nakakadiri. Grade 4 ako ng bigla akong talunan ng palaka nung nag camping kami noon. Nanghuhuli kasi kami ng palaka para may pagkain kami. At dahil maarte ako, tinalunan ako ng palaka sa ulo. Umiyak nga ako nun eh. Tapos si Alexander, pinatahan ako.

"Hindi naman porke ayaw mo sa isang bagay, pati 'yung kamukha nito, ayaw mo na rin. Kunwari, galit ka sa palakang totoo. Hindi mo naman kailangan na magalit sa palakang stuff toy. Kasi wala siyang kasalanan. Hindi naman siya 'yung tumalon sayo, diba? Hindi naman siya 'yung nagpaiyak sayo dati." paliwanag niya.

The Thin Line [2014] ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon