TTL: Line10

138 6 0
                                    

TTL: Line10

Yes. Kami na ng crush ko. At sobrang saya ko. Insert sarcasm here. Napabuntong hininga nalang ako. Gusto kong maiyak kasi bakit hindi ko magawang sumaya ngayong nakuha ko na ang gusto ko? Eto nga ba ang gusto ko? Eto nga ba ang gusto kong mangyari? Ang maging kami ng crush ko? Kung gusto ko 'to, bakit hindi ako masaya? Bakit iba ang iniisip ko sa tuwing kasama ko siya?

Sabado ngayon. Two days na ang nakakaraan simula nung araw na maging kami ni Anthony. Nandito ako sa veranda ng kwarto ko. Nagpapahangin. Kanina pa ako gising pero ayokong bumaba para kumain ng breakfast. Ang dami kasing gumugulo sa isip ko. Pagod na pagod na ako sa kakaisip sa mga tanong na nabubuo sa utak ko. Mas mahirap pa 'to sa geometry eh. Paglingon ko sa loob ng kwarto ko, nakita ko na nakatayo na pala doon si Alexander.

"Bakit ka nandito? Ang aga aga mo na namang sisirain ang araw ko!" sigaw ko sa kanya at nilampasan siya. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko. "Labas."

Lumapit siya sakin. Akala ko lalabas na siya pero sinarado niya lang ang pinto ng kwarto ko. Nilock pa niya ito. Itinulak niya ako sa pinto kaya nakasandal na ako doon ngayon.

"A-Alis nga!"

"Mahal mo ba si Anthony?" tanong niya.

Ano daw? Mahal? Mahal ko ba si Anthony?

"O-Oo!" nakaiwas tingin na sabi ko. Tumawa naman siya.

"Sinungaling. Kung totoong mahal mo siya, bakit hindi ka makatingin sakin ng diretso?" sabi niya ng seryoso.

"Umalis ka nga sabi!"

"Bakit mo siya sinagot? Ha?" sabi niya. Naramdaman ko ang lungkot sa boses niya.

"K-Kasi tinanong niya ako kung pwede niya na daw akong maging girlfriend. K-Kaya pumayag ako." nakaiwas tingin ko ulit na sagot. Tumawa ulit si Alexander.

"So kapag tinanong kita kung pwede ba kitang pakasalan, papayag ka?" sabi niya.

Tinulak ko palayo sakin si Alexander. Lumayo naman siya ng kaunti kaya nakaalis ako sa harap niya.

"Wala kang alam, Alexander. Gusto ko si Anthony. Noon pa. Kaya walang dahilan para busted-in ko siya." sabi ko at umupo sa higaan ko.

Inikot niya ang paningin niya sa kwarto ko. Parang may hinahanap siya. Maya maya, tumingin siya sakin.

"Kung hindi ka makahanap ng dahilan para ireject siya, tumingin ka sakin, Krystal. Ako. Ako ang gawin mong dahilan para busted-in mo siya." seryosong sabi niya.

"At bakit ko naman gagawin 'yan?!"

"Kasi ako lang dapat, Krystal. Ako lang dapat ang lalaki sa buhay mo." sabi niya.

"Hindi, Alexander. Hindi porque sinabi mo, gagawin ko. Kahit kailan hindi kita tinuring na kaibigan. Kaya walang dahilan para sundin ko ang payo mo."

Nakita kong kumuyom ang kamao niya. Sa totoo lang, natatakot ako. Never ko pang nakitang magalit si Alexander kaya natatakot ako ngayon sakaling makita ko man. Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa dalawang balikat ko para itayo.

"A-Aray! Nasasaktan ako, Alexander!" reklamo ko.

"Ako rin, Krystal! Araw araw akong nasasaktan sayo! Araw araw akong nagpaparamdam at araw araw kong sinasabi sayo kung gaano kita kagusto. Pero ang akala mo, isa 'yon sa mga pambubully ko. Shit lang Krystal kasi ang sakit sakit na!"

Nakita kong may tumulong luha sa mga mata niya. Parang gumuho ang mundo ko ng makita ko 'yon.

"Sabi ko naman sayo, diba? Pagmamahal mo lang. Pagmamahal mo lang ang gusto kong matanggap na regalo mula sayo. Pero bakit ibinigay mo sa iba ang pagmaamhal na hinihingi ko?!"

Nasasaktan man ako dahil nakikita kong umiiyak siya, hindi ko mapigilan na mainis nalang rin. Itinulak ko siya palayo gamit ang buong lakas ko.

"Bitawan mo nga ako, Alexander! Hindi mo ako pwedeng pilitin kung sino ang dapat kong mahalin! Hindi mo kontrolado ang buhay ko! Buhay ko 'to, hindi sayo! Kaya wag mong sabihin na dapat sayo ko ibigay ang pagmamahal ko dahil kahit kailan, hinding hindi ko mamahalin ang isang katulad mo!" sigaw ko sa kanya.

Nakita ko ang mas maraming luha na lumabas mula sa mga mata niya. Ngumiti siya. 'Yung ngiting walang emosyon. Pero kahit ganoon, kitang kita ko kung gaano ko siya nasaktan dahil sa sinabi ko. Gusto kong bawiin ang lahat ng sinabi ko pero alam kong hindi ko kaya.

"Ganun ka ba kagalit sakin? Ganoon mo ba ako kinamumuhian dahil sinira ko ang mga laruan na ibinigay sayo ng daddy mo dati? Ganun mo ba ako kinamumuhian dahil naniwala ka sa sarili mong paniniwala na ako ang naglagay ng palaka na 'yon sa locker mo? Ganun ka ba kagalit sakin para itago o itapon 'yung stuff toy na ibinigay ko sayo?" sabi niya.

Umurong na ang dila ko. Gusto kong sabihin sa kanya na nagkakamali siya. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi totoo lahat ng sinasabi niya. Oo. Nagalit ako. Pero kinalimutan ko na 'yun. Wala na sakin 'yun. Pero bakit hindi ko magawang magsalita?

"Ang sakit. Sobrang sakit. Simula ng sabihin mo ko ng I hate you nung unang araw na magkita tayo, naniwala ako sa kasabihang: There's a thin line between hate and love. Kahit gaano kabaduy pakinggan para sa isang lalaki, naniwala parin ako. Naniwala ako na kahit gaano mo ako kinamumuhian noon, matututunan mo rin akong mahalin balang araw."

Nakatingin lang siya sa mga mata ko. May pumatak ulit na luha mula sa mata niya kaya hindi ko nalang rin napigilan ang sarili ko na maiyak. Dahil pakiramdam ko, sa bawat pagpatak ng luha niya, unti unting nadudurog ang puso ko.

"Ginawa ko ang lahat para mapansin mo. Nakipag bully-han ako sayo para lang makuha ko ang atensyon mo. Nagtagumpay ako. Nakuha ko ang atensyon mo. Pero hindi ko nakuha ang pagmamahal mo. Masakit na hindi mo ibinigay sakin ang pagmamahal mo. Pero mas masakit malaman na ibinigay mo sa ibang tao ang tanging hinihiling ko sayo. Hindi mo alam kung gaano kasakit makita na sinagot mo siya. Hindi mo alam kung gaano kasakit makita na halikan ka niya. At hindi mo rin alam kung gaano kasakit na unti unti mawala sayo 'yung taong hinangad mo ng matagal na panahon. Sobrang sakit, Krystal. Sobra."

Narinig ko ang paghikbi niya. Tinalikuran na niya ako at unti unti na siyang naglakad palayo sakin. Gusto ko siyang pigilan at yakapin pero hindi ko magawa. Huminto siya sa paglalakad palayo sakin at nagsalita.

"Alam mo ba kung ano nalang ang hiling ko ngayong alam ko nang kailanman hindi ko makukuha ang pagmamahal mo?" tanong niya. Hindi ako sumagot. "Sana maging masaya ka kasama ng taong pinili mo -- kasama ng taong sinasabi mong gusto mo."

Naglakad ulit siya. Binuksan na niya ang pinto ng kwarto ko pero huminto ulit siya sa paglalakad. Tumingin siya sakin. Ngumiti siya ng malungkot.

"Sorry. But I can no longer wait for you on the other side of thin line. I've been waiting you there for so long. At narealize ko na hindi pala ako robot na hindi marunong mapagod dahil lang hinihintay kita na mahalin mo rin ako. Tao nga pala ako. Hindi robot. Ngayong naramdaman ko nang pagod na ako sa paghihintay sayo, magpapahinga na ako ha?" sabi niya.

Lalapitan ko na sana siya pero nagsalita ulit siya.

"Kung dumating 'yung araw na nakatawid ka na sa thin line na sinasabi ko at hindi mo ako nakitang naghihintay sayo doon, please... Find me."

"A-Alex--!"

"And if you find me walking away from you, please. Chase me."

Matapos niyang sabihin ang lahat ng 'yon, tuluyan na niya akong iniwan. Napaupo nalang ako sa sahig ng kwarto ko at humagulgol ng iyak. Ni hindi ko man lang siya nagawang habulin. Ni hindi ko man lang nasabi sa kanya lahat ng nararamdaman ko. Gusto kong malaman niya na nasasaktan ako. Gusto kong sabihin sa kanya na ayokong iwan niya ako. At gusto kong malaman ang lahat ng tungkol sa thin line. Pero paano ko pa malalaman 'yun ngayon kung iniwan niya na ako?

The Thin Line [2014] ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon