TTL: Line15
Nagpaalam na ako sa teacher ko na mawawala na ako sa school simula ngayon. Pinag special exam naman nila ako para daw magkaroon na ako ng grades. Nang nasagutan ko na lahat, hindi na ako nagpaalam sa kanila na pupunta ako ng Paris kaya hindi na ako makakapasok. Bakit ba magpapaalam pa sa kanila eh babalik din naman ako? Kila Maurene ko lang sinabi na aalis ako at hindi alam kung kailan babalik.
Nandito na ako sa airport at may naririnig akong tumatawag sakin. Pero hindi ko nalang pinansin dahil maraming tao dito kaya baka kapangalan ko lang 'yon. Nang makasakay na ako sa eroplano, pakiramdam ko talaga ako 'yung tinatawag nung boses kanina eh. Napabuntong hininga nalang ako. Bahala na nga.
**
Nandito na ako sa airport ng Paris. Nakita ko na si Mommy na nandoon. Napangiti ako. Tinawag ko siya at kumaway.
"Mommy!" sabi ko tapos tumakbo papunta sa kanya habang hila hila ang maleta ko.
"Baby!" tawag naman niya sakin pabalik.
Niyakap niya ako ng mahigpit na para bang ang tagal na niyang gustong gawin 'yun sakin.
"I miss you so much, mommy." I told her.
"I miss you too, baby. But let's go home first and take a nap. Alam kong may jetlag ka pa. Let's go." sabi niya tapos kinuha ng driver niya 'yung maleta ko at siya na ang nagdala nito.
Habang nasa byahe kami, masaya kaming nagkwe-kwentuhan ni Mommy ng mga nangyari samin these past month dahil nga wala siya sa Pilipinas. Panay kasi ang asikaso ng mga business niya kaya ayun. Ang dami niyang namiss na pangyayari sa buhay ko. Nalaman na din niya 'yung tungkol sa nagka-boyfriend ako ng saktong one week lang pero nakipag break din ako. Tinawanan lang ako. OMG. Coolest mom ever! Kung iba 'yun, baka pinagalitan na ako.
Nang makarating kami sa bahay namin dito sa Paris, agad akong nahiga sa kwarto ko at hindi na namalayan pa na nakatulog ako. Masyado ang pagod ko sa byahe. Nang magising naman ako, nakita ko na nandoon si Mommy at parang pinapanood akong matulog. Bumangon ako mula sa pagkakahiga.
"Mommy..." tawag ko sa kanya.
"Hello, baby. Kamusta?" sabi niya at naupo sa tabi ko.
"Medyo hindi na po gaanong pagod. Nakapag pahinga na po ng maayos." sagot ko naman.
"Hmm. Good. Tumatawag kanina sa phone mo si Alexander. Naka-international call. Hindi ko sinagot kasi natutulog ka pa. Hindi mo ba sinabi sa kanya na pumunta ka dito?" tanong sakin ni mommy.
Umiling ako sa kanya at niyakap siya na siyang ikinagulat niya rin.
"May problema ba kayo, baby?" tanong niya pa.
"Mommy, do you know about the thin line that separates the hate and love?" tanong ko sa kanya.
"Yes, baby. Have you crossed it already?" tanong niya.
Tumango ako habang yakap yakap siya. Tumulo ang luha ko habang yakap yakap ko siya. Narinig kong bumuntong hininga si mommy.
"Alam ko na noon pa na mahal mo na si Alexander kahit na hindi mo pa narerealize 'yon. Masyado kang nalibang sa pakikipagtalo sa kanya kaya hindi na pumasok sa isip mo na mahal mo ang taong kinamumuhian mo noon. Masyadong naoccupy ng mga plano mo sa pambubully sa kanya ang isip mo."
Inilayo ako ni mommy sa kanya. Hinawakan niya ang dalawang balikat ko.
"Mommy, ano nang gagawin ko ngayon? Galit na siya sakin. Pakiramdam ko, nagkapalit kami ng pwesto. Dati, ako ang nasa hate side. Ngayon, siya naman. Mommy, ang sakit po. Paano kung hindi na niya ako mapatawad? Paano kung hindi na niya ako mahal?" sabi ko at humagulgol ng iyak.
"Ano bang sabi niya sayo? Sinabi ba niyang galit siya sayo? Hindi naman, diba? At hindi porque nasa hate side siya, ibig sabihin hindi ka na niya mahal. Minsan, kailangan lang magpanggap ng isang tao na hindi na niya mahal ito para siya naman ang lambingin mo. Minsan din, kailangan ding magpahinga ng isang tao sa paghihintay pero hindi ibig sabihin nun, magpapahinga na rin siya sa pagmamahal sayo."
Bukod kay Maurene, si mommy ang safe zone ko. Sa kanilang dalawa ko lang nailalabas ang lahat. Never akong nag open up sa daddy ko kahit na close kami. Kay mommy at kay Maurene lang talaga.
"No. He didn't tell me that he's angry, nor hate me. He just told me to find him if ever I didn't see him on the other side of thin line waiting for me when the time comes I already crossed it. And he also told me that he want me to chase him when I found him walking away from me." paliwanag ko. Pinunasan niya ang luha na dumadaloy sa pisngi ko.
"Yun naman pala eh. He just needed to be chased. He just needed to be find. Nasasaktan kasi siya na nandyan lang siya sa tabi mo, pero iba ang hinahabol mo. Nandyan na nga siya sa harap mo, pero iba parin 'yung tinitingnan mo. Naiintindihan kita, anak. Pero naiintindihan ko rin si Alex."
"But mom, he has a girlfriend." reklamo ko. Tumawa naman si mommy.
"Not all the boys love their girlfriends. Ikaw ba, mahal mo ba si Anthony noong sinagot mo siya? Hindi naman, diba?" sabi niya at ngumiti.
Napaisip naman ako. Hindi naman si Alexander 'yung tipo ng tao na kapag nasaktan, susuko at maghahanap nalang ng iba. Kahit naman ganoon kami sa isa't isa, kilala ko parin siya.
"What do I have to do for us to be together, mom?" I asked her.
"Fight for your love, Krystal. Fight for him. Find him. Chase him. Do everything you can for him. Kung kinakailangan na bumalik kayo sa dati kung saan nagsimula ang pagmamahal niya sayo, ibalik mo. Ibalik mo 'yung araw na binubully niyo ang isa't isa. Malay mo, kapag ginawa mo 'yun, bumalik na rin siya sayo, diba?"
Halos pareho si Mommy at si Maurene ng sinabi. Napangiti nalang ako dahil sa tuwing kailangan ko ng makakausap na matino, nandyan si mommy at Maurene. At natutuwa ako dahil halos pareho sila ng advice. Ngayon, alam ko na ang gagawin ko to win him back when I go back to Philippines. I'll bring back the old times that we we're bullying each other. And I'll promise I'll make him love me even more. I'll make him love me over and over again.
BINABASA MO ANG
The Thin Line [2014] ✅
Teen FictionAno nga ba Thin Line sa buhay ng tao? Cover Designed by: ShiningRock. Thankyou. <3