Epilogue:

249 13 8
                                    

Epilogue:

 

Habang natutulog ako, may naririnig akong sumisigaw ng pangalan ko sa labas ng bahay sa ibaba.

"Krystal!"

Hanggang sa may narinig akong nabasag kaya napabalikwas ako.

"Gumising ka, Krystal!"

Leche. Sino kaya 'yun? 1AM palang. Isang oras palang ang tulog ko at 7AM pa ang flight ko. Sinong talipandas naman ang mambubulahaw sakin ng ganitong oras?

"Krystal!"

Bumaba ako sa higaan at pumunta ako sa veranda. Nabasag pala 'yung bintana ko. Pagtingin ko sa baba, nakita ko si Alexander na nandoon.

"Krystal! Tara dito." sabi pa niya.

Naiinis man, bumaba nalang rin ako at dahan dahan na lumabas ng bahay. Baka kasi marinig ng manang. Papagalitan ako nun.

"Ano bang ginagawa mo dito? Alam mo ba kung--!"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinila na niya ako at pinasakay sa kotse niya.

"Saan mo ba ako dadalhin? May flight pa ako mamayang 7!"

"Hindi ka aalis. Hindi mo na ulit ako iiwan." simpleng sabi niya bago ini-start ang engine.

Tahimik lang kami habang nagmamaneho siya. Walang nagsasalita samin. After 30 minutes ng byahe, nakarating kami dito sa pinaka malapit na beach sa village namin.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko.

"Tutuparin ko lang ang pangarap mo at papatunayan ko sayo na ikaw lang ang mahal ko."

Hinila niya na ako papunta sa nakalatag na picnic mat at may mga pagkain na nakalagay doon. Tumingin ako sa langit at nakita kong maraming stars. Napangiti ako. Naririnig ko rin ang paghampas ng alon at nararamdaman ko ang malamig na simoy ng hangin. Napatingin akokay Alexander at nakita kong nakangiti siya sakin.

♪♫♪  Wise men say only fools rush in

but I can't help falling in love with you

Shall I stay

would it be a sin

If I can't help falling in love with you ♪♫♪

Narinig ko na bigla siyang kumanta at lumapit sakin.

♪♫♪ Like a river flows surely to the sea

Darling so it goes

some things are meant to be

take my hand, take my whole life too

for I can't help falling in love with you  ♪♫♪

The Thin Line [2014] ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon