TTL: Line11

147 5 0
                                    

TTL: Line11

"Hi, Maurene. Pwede ka bang pumunta ngayon dito sa bahay?" tanong ko.

Tinawagan ko kasi siya. Sa tatlong bestfriends ko, kay Maurene ako pinaka nakakapag open up. Kumbaga, siya 'yung pinaka close ko. Ganun.

"Oh no. Hindi na pwede. May curfew ako ngayon eh. 7PM na. Ano ba pag uusapan natin? Pwede namang sa phone lang 'yan, diba? Sige na. Makikinig ako." sagot niya mula sa kabilang linya.

Napangiti ako sa sinabi niya. Isa sa mga dahilan kung bakit siya ang una kong tinatawagan kapag may problema ako, hindi niya hinahayaan na hindi ko sabihin sa kanya ang pino-problema ko. Gusto niya sabihin ko sa kanya lahat.

"Alam mo 'yung thin line?" tanong ko sa kanya.

"Ha? Naririnig ko kay Alex 'yan eh. Pero ano daw ba 'yun?" tanong niya. Nakadapa ako ngayon sa higaan ko.

"Sabi niya sakin, ang thin line daw ang nagbubuklod sa hate and love. Kumbaga, siya 'yung linya sa pagitan ng hate and love. Alam mo ba 'yung kasabihang there's a thin line between hate and love?" paliwanag ko sa kanya.

"Ah! Naiintindihan ko na. Oo. Alam ko 'yung kasabihan na 'yun. 'Yun daw 'yung parang kalsada na tatawiran mo. Kunwari, galing ka sa hate tapos tumawid ka, mapupunta ka sa love. Kumbaga, kung may tao kang kinamumuhian tapos 'yung taong 'yun pala, nasa side of love habang ikaw, nasa hate side. Habang kinamumuhian mo siya or habang super hate mo siya, hindi mo alam na unti unti ka rin na lumalapit sa kanya hanggang sa hindi mo alam na nakatawid ka na pala sa thin line. Then poof. Hindi mo rin alam na mahal mo na pala ang taong hate mo." mahabang paliwanag niya.

Bilang isang slow na kaibigan, kailangan ko pa ng isang explanation.

"Mas mahirap pa 'to sa geometry ah? Wala bang mas simpleng paliwanag dyan?" tanong ko. Tumawa naman siya.

Naiimagine ko ngayon si Maurene na nakahiga habang paikot ikot sa higaan. Ganun 'yan eh. Minsan na kasi siyang nag sleep over dito samin. At 'yun ang ginagawa niya tuwing may katawagan siya.

"Ganito nalang. Isipin mo nalang 'yung kasabihan ng mga matatanda na the more you hate the more you love. The more na nakikipag away ka sa taong hate na hate mo, the more na mamahalin mo siya. Syempre diba, kailangan mo siyang lapitan kung aawayin mo. Sa thin line naman, ang best example dyan ang ang kalsada..." huminto siya. Narinig ko pa na may kinagat siya. Natawa tuloy ako.

"Kunwari, nasa right side siya. Ikaw nasa left. Sa right side ang love. Sa left side ang hate. The more na naglalakad ka palapit sa right side, the more na matatawiran mo ang thin line. At kapag nakatawid ka na ng tuluyan sa pedestrian lane, poof. Nasa love side ka na. Kahit ilang beses mong sabihin na super hate mo ang isang tao, basta natawiran mo na ang thin line galing sa hate side, hindi mo pwedeng itanggi na mahal mo na ang taong super hate mo."

See. Ang talino niya, diba? Ang bilis niyang makapick up ng mga bagay. Sa aming apat, kahit na si Melani ang mukhang nerd, siya ang pinaka matalino.

"Ang talino mo forever. Ikaw na. Pero paano kapag sinabi niya sayong: I can no longer wait for you on the other side of thin line, ano ibig sabihin nun?" tanong ko.

"Ibig sabihin lang niyan, pareho kayong tumawid sa pedestrian lane -slash- thin line. Tumawid ka mula sa hate side habang siya, tumawid mula sa love side at napunta sa hate side. Ang ibig sabihin naman nun, hindi nagkatagpo ang landas niyo. Kasi sinalubong niyo ang isa't isa at nagkapalit kayo ng sides. 'Yun ang pinaka masakit na parte ng thin line. 'Yung tumawid siya mula sa love at pumunta siya sa hate. For some reasons. Hindi naman tatawid ang isang tao sa thin line mula sa love para pumunta sa hate kung walang malalim na rason, diba? Dahil in the first place, hindi ka niya hihintayin sa love side kung trip lang niya."

Napalunok ako sa sinabi ni Maurene. Eto 'yun eh. Ibig sabihin ba nito, nasa hate side na ngayon si Alexander? Bakit parang ang sakit?

"Eh ano ang gagawin ko para magkasama kami ng taong 'yun sa love side?" tanong ko. Narinig ko ang bungisngis niya sa kabilang linya.

"Chase him. Kung kinakailangan niyong bumalik sa umpisa kung saan hate na hate mo siya, gawin mo. Awayin mo tulad ng dati. Tumawid ka sa thin side papunta sa hate side. Sunduin mo siya doon at sabay kayong tumawid sa thin line papunta sa side kung saan nandoon ang love. Hearts everywhere!" sabi niya tapos tumawa.

Paano ko naman gagawin 'yun kung hindi ko mahal si Alexander? Paano ko gagawin 'yun kung may boyfriend ako?

"Paano kung hindi naman niya mahal 'yung lalaki? At paano kung may boyfriend 'yung babae?" tanong ko.

"Girl, tanga ka ba? Oo. Tanga ka. Hindi ka mapupunta sa love side kung hindi mo mahal si Alexander! Hindi mo itatanong sakin lahat ng 'yan kung hindi mo mahal si Alexander! Nabubulag ka lang kasi sinagot mo 'yung manliligaw mong akala mo hanggang ngayon, gusto mo! At makipag break ka sa boyfriend mo at sabihin mo ang totoo sa kanya. Ipaglaban mo kung mahal mo ng totoo 'yung taong nasa hate side na ngayon!" bulyaw niya sakin.

WTH? Paano niya nalaman na I'm reffering to Alexander and me?

"P-Paano mo nalaman na si Alexander 'yung tinutukoy ko?"

"Matagal mo ng gusto si Alexander, girl. Hindi mo lang alam. Para kang tumawid sa kalsada ng tulog. Hindi mo alam na nakarating ka na pala sa kung saan kasi you're sleeping while walking!" pabulyaw na sabi niya.

"Uh. P-Paano ko malalaman na mahal ko na si Alexander?" tanong ko ulit.

Oo. Alam ko. Ang kulit ko na. Pero gusto kong makumpirma lahat. Gusto kong maliwanagan sa lahat.

"Simple lang. Kapag iniyakan mo siya at ayaw mo siyang mawala sa buhay mo. At kapag may sinasabi siya sayo na kahit hindi mo alam kung anong ibig sabihin niya, mapapahawak ka nalang sa dibdib mo at mararamdaman mo doon kung gaano kabilis ang tibok ng puso mo. Hindi mo nalang din alam, napangiti ka nalang pala dahil doon." sabi niya gamit ang parang nag de-daydream na boses.

Napangiti ako sa mga naalala ko. Si Alexander, nung first year high school kami na isinapak ko sa mukha niya ang papel na nakuha ni Anthony sa likod ko, naramdaman ko rin noon ang mabilis na tibok ng puso ko.

Noong hinalikan niya ako bago makipagdate kay Anthony, naramdaman ko rin 'yung tibok ng puso ko noon na bumilis ng sinabi niyang kukunin niya lang ang dapat ay sa kanya pati nung sinabi niya na siya lang ang iisipin ko sa buong date namin ni Anthony.

Nung pasko, sinabi niya na ang pagmamahal ko lang ang gusto niyang regalo na matanggap mula sakin.

At marami pang beses na napatibok niya ng mabilis ang puso ko at napangiti niya ako. Sobrang daming beses na hindi ko na maalala kung ilan. Mga bagay na nagagawa niya sakin pero hindi kayang gawin ni Anthony. All this time, nakatawid na pala ako sa thin line, hindi ko pa namamalayan. Sobrang tanga ko. Masyado akong nag enjoy sa pambubully namin sa isa't isa na hindi ko naisip na pwede ko pala siyang mahalin. Napakatanga ko! Pero ang ipinagtataka ko...

"Paano mo nalaman lahat ng 'yan, Maurene?" tanong ko. Ang galing eh.

"Bukod sa mahilig akong magbasa ng mga romance novels, nararamdaman ko lahat ng nararamdaman ng mga taong inlove. Osige na. Babye na."

Hindi na ako nakapag salita pa. Narinig ko nalang na pinutol na niya ang tawag. Tinitigan ko nalang ang screen ng cellphone ko bago ibato 'yon sa higaan. Bumaba ako ng higaan at tiningnan 'yung kahon na nasa ilalim nito. Kinuha ko iyon at binuksan ito. Napangiti ako ng makita si froggy na nandoon parin. Naupo ulit ako sa higaan at tiningnang mabuti ang palakang may mapula at malaking labi.

"Ang pangit mo. Kamukhang kamukha mo 'yung nagbigay sakin sayo." sabi ko.

Naramdaman ko na tumutulo na naman pala ulit ang luha mula sa mata ko.

"Sorry. Ngayon ko lang narealize ang mga bagay na noon mo pa nalaman. Sorry kung ngayon ko lang napagtanto lahat ng nararamdaman mo sakin simula pa dati..."

Niyakap ko ng mahigpit si froggy at hinalikan ko ang ulo nito.

"Sorry. Kasi ngayon ko lang naintindihan ang lahat ng tungkol sa thin line. Sorry, kasi ngayon ko lang nalaman na nasa love side na ako, kung kailan tumawid ka na papunta sa hate side. Sorry, kasi ngayon ko lang nalaman na mahal na pala kita. Sorry, Alexander. Sana mapatawad mo pa ako. Sorry. I'm sorry."

The Thin Line [2014] ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon