TTL: Line5

138 4 0
                                    

TTL: Line5

At nagsimula na naman po ang pambubully namin ni Alexander sa isa't isa.

"Si Alexander po bakla. Hahahahaha!" sabi ko. Nagtawanan naman sila.

Nandito kami ngayon sa loob ng classroom. Nakaupo ako sa table ni Sir. Wala kaming klase dahil mabait ang teacher namin sa music. Sabi namin, free day muna ngayon tutal 2 weeks nalang, pasko na! Pero dito lang daw kami sa loob ng classroom.

"Bakit mo naman nasabing bakla ako?" tanong niya.

"Eh ayaw mong ikiss si Mildred eh!" sabi ko sa kanya.

"Uyy~ kikiss na 'yan! Kiss na 'yan! Kiss na 'yan!" sabi ng mga classmates ko.

Si Mildred naman, halos lumubog na sa ilalim ng lupa dahil sa kahihiyan. Buti hindi ako ginagantihan nito. Buti hindi siya nagagalit sakin sa tuwing binubully ko siya.

"Paano kapag hinalikan ko siya, anong gagawin mo?" panghahamon niya sakin.

"De hindi ka bakla! Sus. Hahaha!" sabi ko nalang. Umiling naman siya.

"No. You. Here." sabi niya habang tinuro ako at ang labi niya.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Alam ko kasi kung anong ibig sabihin non. Lumapit na siya kay Mildred at inilalayan tumayo ito. Nag smirk siya sakin kaya ako naman, nataranta. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Tiningnan ko naman sila ni Mildred at nagulat ako ng hinalikan niya ito sa pisngi.

"Ayieee~!"

Hindi ko alam kung bakit pero nalungkot ako sa nakita ko. Nakita ko naman na lumapit siya sakin kaya natense na naman ako. Tumakbo ako palabas ng classroom pero hinabol naman niya ako.

"Ayoko na! Ahh! Ayoko na! Ayoko! Wag! Rape po! Rape! Rape!" sigaw ko habang tumatakbo pababa sa building.

"Ouch!" daing ko.

Napaupo ako sa sahig dahil may nabangga akong pader -- este --

"S-Sir..."

'Yung disciplinary teacher nahuli akong nasa labas ng classroom habang class hour! This is trouble! Lumingon ako kay Alexander at nakita ko na parang natatakot din siya at lumulunok siya. Tumingin ulit ako kay Sir Lagman.

"You two. Go to disciplinary office. Now!"

Uh. Oh.

**

So nadetention nga ako -- I mean, kami pala dahil nga naglalamyerda kami sa hallway at nag iingay habang class hour.

"Kasalanan mo lahat 'to." sabi ni Alexander.

Aba! Kasalanan ko pa daw ha?

"Hoy! Anong ako? Ikaw kaya!" bulyaw ko sa kanya.

"Bakit naging ako? Ikaw kaya 'yung lumabas ng classroom!" bulyaw niya sakin pabalik.

"Eh kasi nanghahabol ka! Bakit ka ba kasi nanghahabol?!" sigaw ko sa kanya.

"Eh kasi tumatakbo ka! Bakit ka ba kasi tumatakbo?!" sigaw niya sakin pabalik.

"Eh manyak ka eh! Bakit kasi hahalikan mo ako?! Kahit kailan talaga napaka bastos--!"

"Ingay. Tsk."

Napatingin kaming pareho sa nagsalita sa gilid at nakayuko. Lumapit ako doon at tiningnan ko siya. Nakita ko sa nameplate niya na ang nakalagay: Quizon Anthony C.

Binatukan ko kaagad siya pagkakita ko ng nameplate niya.

"Aray!" reklamo niya.

"Ikaw pala 'yan! Bakit ka nadetention?" sabi ko.

"Nagcutting eh." simpleng sabi niya.

Natawa naman ako doon. Parang wala lang sa kanya na nagcutting at nadetention siya ha?

Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan ng Ultimate Crush ko na si Anthony tungkol sa kung ano anong bagay pati mga plano namin ngayong magpapasko. Nandun na eh. Nagkwekwentuhan na kami eh. Nag eenjoy na ako ng may mongoloid na umextra... Ulit.

"Leche. Daming kalat. Pesteng 'yan. Dami talagang epal sa mundo." sabi ni Alexander habang nagwawalis sa harap namin na halos pati kami ni Anthony ay walis na niya.

"Dami nga namang pampam sa mundo forever." sabi ko naman.

"Ang lalandi kasi. Tsk." giit niya.

Aba! Ano daw? Malandi? Tumayo ako at iniharap siya.

"Sinong malandi? Ha?!" bulyaw ko sa kanya.

"Si Anthony. Kausap kita kanina eh. Kaso inagaw niya sakin 'yung atensyon mo kaya malandi si Anthony." simpleng sabi niya.

"Attention Seeker!" sabi ko nalang sa kanya bago umupo ulit sa tabi ni Anthony.

"Uhm, Stal..." panimula niya.

"Wag mo nga siyang tinatawag na Krystal! Ako lang may karapatan na tumawag sa kanya niyan!" singit ni Alexander.

"Shut up, Alex!" bulyaw ko sa kanya bago ibaling ang atensyon ko kay Anthony ulit. "Ano 'yun, Anthony?"

"Uh. P-Pwede ba kitang yayain na magdate sa sabado?"

A-Ano daw? Date? Kami ng crush ko? Omo. Kiligness overload! Ako na yata ang pinaka masayang babae sa buong mundo matapos kong marinig ang mga salitang 'yon.

"Hoy! Anong date? Hindi pwedeng makipag date si Stal! Hindi pinapayagan ng mommy at daddy niya 'yan na sumama kung kani--!"

Hindi na natapos pa ni Alexander ang sasabihin dahil sumagot na ako.

"Si-Sige."

The Thin Line [2014] ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon