TTL: Line4

149 3 0
                                    

TTL: Line4

Gumagawa ako ng homework ko dito sa room ko. Wala si mommy. Sumama sa business trip ni daddy sa Paris. Nakakainis kasi exam week na namin next week kaya di nila ako sinama. Pero dapat talaga kasama ako eh. Ang business kasi ni daddy ko ay gumagawa siya ng mga famous perfumes habang si mommy naman ay bags. Sikat ang mga pabango at bags na galing kila mommy at daddy sa Paris kaya ayun. Sayang talaga.

Eto na naman 'yung assignment na 'to sa math. Eto talaga ang pinaka ayoko eh. Kapag ba bumili ka sa tindahan ng candy, ang gagawin mong computation 'yung may x and y pa? Aanhin ba kasi 'yon? Di ba dapat Add, Subtract, Minus and Divide lang ang pinag aaralan? Para saan ba 'yung mga Binomials, Trinomials, Polynomials at Square Root na 'to? Nakaka bobo naman!

Sa gitna ng pakikipag titigan ko sa notebook at textbook ko dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin, nakaramdam ako ng gutom. 7:24PM na kasi. Kanina pa ako tinawag ni manang para kumain ng dinner pero sabi ko, mamaya nalang. Handa na akong sagutan ang homework ko na 'to ng bigla namang may kumatok. Baka si manang. May dalang pagkain siguro.

Tumayo ako at pinagbuksan ng pinto si manang pero hindi si manang ang nakita ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

Nakita kong nakatayo si Alexander sa harap ko. May dala siyang maliit na kahon. Kinuha niya ang kamay ko at inilapag ito doon.

"Kumain ka muna. Sigurado ako na kapag binuksan mo na 'yung laman ng kahon na 'yan, masasagutan mo na ng maayos 'yung homework natin. Pero kumain ka na lang muna."

Pagkasabi niya nun, ngumiti lang siya sakin bago ako talikuran at bumaba ng bahay. Isinara ko na ang pintuan ng kwarto ko at umupo ulit sa study table ko. Tiningnan ko muna 'tong kahon na 'to na kulay green na may mga design design pa na parang garden. Ang bading naman ni Alexander. Ang kahon nga pala na 'to ay square. Hindi siya ganun kalaki pero di rin siya ganun kaliit.

Tinanggal ko lahat ng nasa isip ko at binuksan ang kahon. May papel ito sa ibabaw. Tinanggal ko muna 'yon. Nakita ko naman na may isang kahon pa na maliit pero square din. Mas pinaliit na version lang. Sa gilid noon ay may space pa ang mas malaking kahon at may keychain na nakalagay doon. Para siyang silver na keychain pero ang design ay lalaki tapos may nakalagay na SORRY sa damit nito. May mga puso puso pa.

Hindi ko naiwasan na mapatawa ng mahina at mapangiti dahil ang cute cute kasi. Kinuha ko naman ang mas maliit na kahon at binuksan ito.

Chocolate Chip Cookies.

Kumuha ako ng isa at tinikman ito. Napangiti ako sa lasa. The best talaga ito. Sigurado ako na mama niya ang gumawa nito. Sobrang familiar kasi ng lasa. After kong tikman ang isang piraso, ang papel naman ang binuksan ko. Dalawang papel iyon na nakatupi.

Nakasulat sa isang papel ay ang mga sagot sa homework namin habang sa isang papel naman ay sulat:

Stal,

Sorry. Hindi ko lang nagustuhan ang naramdaman ko kanina kaya nagawa ko 'yon. Wag ka ng magalit -- I mean... Wag mo na sanang isipin 'yung ginawa ko. Kalimutan mo na sana iyon. Alam ko naman na galit na galit ka sakin dahil sinira ko dati 'yung mga laruan mo na ibinigay sayo ng daddy mo. Pero hindi ako magsosorry dahil doon nagsimula ang lahat ng meron ako para sayo. Sana matapos mo 'tong mabasa, bumalik na tayo sa dati. 'Yung nagbubully-han pero alam natin na katuwaan lang. Sorry talaga kung ako ang dahilan ng pag iyak mo. Seryoso ko. Sorry.

-Alex.

Nakakatouch na ang isang lalaki ay susulat sa isang babae para magsorry. Mapapangiti ka nalang talaga kapag iisipin na gagawin 'to ni Alexander sayo. Sa totoo lang, hindi madalang na mapangiti ako ni Alexander. Madalas kasi, kahit inaasar niya ako, napapangiti parin ako. Pero may parte sa puso ko na ayokong ayoko sa kanya. Part of me that I hate him so much. Part of me that hating him makes me enjoy my life.

The Thin Line [2014] ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon