TTL: Line17
"Ano ba, Alexander?! Saan mo ba ako dadalhin?!" sigaw ko sa kanya habang kinakaladkad ako.
Kaso, hindi naman siya sumagot. Tuloy tuloy lang siya sa paghila sakin hanggang sa makarating kami sa rooftop.
"Ano bang gagawin natin dito?" naiirita kong tanong.
Hinawakan naman niya ako sa balikat at niyugyog.
"Bakit ka ba umiiyak?!" galit na sabi niya.
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa balikat ko at lumayo sa kanya.
"Bakit mo tinatanong? Wala ka namang pakialam diba?"
"Hindi ako mag aabalang hilahin ka papunta dito kung wala akong pakialam sayo." simpleng sabi niya.
Lumapit siya sakin at hinawakan ng mahigpit ang dalawa kong kamay.
"Ano bang dahilan, bakit ka umiiyak?" sincere na tanong niya.
Hindi ko na mapigilang mapaiyak lalo dahil sa tono ng boses niya. Parang sobrang concern siya sakin.
"Pagod na pagod na kasi ako kakahabol sa taong ayaw naman magpahabol sakin." panimula ko.
"Sabi mo, hanapin kita kung hindi kita makita na naghihintay sa kabilang parte ng linya, diba? Nang mahanap naman kita, may nahanap ka ng iba."
Nakayuko ako at nakatingin lang sa kamay naming magkahawak habang umiiyak. Nararamdaman ko na rin ang mabigat na paghikbi ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"Sabi mo rin, habulin kita sakaling makita kitang naglalakad palayo sakin. Pero paano ko gagawin 'yun kung ayaw mong magpahabol sakin? 'Yung feeling na, nahabol na kita, naabutan na kita. Akala ko okay na, pero hindi pa pala. Ang mas masakit pa, matapos mong maglakad palayo, doon ka pupunta sa taong nagmamahal sayo."
Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Tumingin ako sa kanya at nakita ko na nakatingin ang mga namumulang mata niya sakin.
"Ngayon alam ko na lahat ng nararamdaman mo dati. Lahat ng sakit na nararamdaman mo noon habang hinahanap at hinahabol mo ako, ramdam na ramdam ko na ngayon. Sobrang sakit pala talaga. Ngayon, naiintindihan na kita."
Gaano man kahigpit ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko, ginawa ko ang lahat para makawala dito at humakbang palayo sa kanya.
"Sorry, Alexander. Mahal kita. Sobra. Pero pagod na ako. Suko na ako."
Matapos kong sabihin 'yan, naglakad na ako palayo sa kanya at bumaba ng rooftop. Nakatingin sakin ang mga tao na nadaraanan ko. Malamang nagtataka dahil nakikita nilang umiiyak ako. Pero wala na rin akong pakialam. Ang gusto ko lang ngayon, umuwi muna at mapag isa.
BINABASA MO ANG
The Thin Line [2014] ✅
Teen FictionAno nga ba Thin Line sa buhay ng tao? Cover Designed by: ShiningRock. Thankyou. <3
![The Thin Line [2014] ✅](https://img.wattpad.com/cover/15920164-64-k861949.jpg)