The Thin Line.
Prologue:
Naranasan mo na bang magkaroon ng kasamang tao pero walang ibang ginawa kundi sirain ang araw mo?
Naranasan mo na bang makisalamuha sa mga taong feelin close? 'Yung tipong ayaw na ayaw mo sa kanya pero siya, ipagsisiksikan niya ang sarili niya sayo na parang mag bestfriend kayo.
Nakakainis!
Lalo na kapag dinidiktahan ka niya ng kung ano ang dapat mong gawin, kung sino ang mga hindi dapat samahan at kaibiganin. 'Yung feeling na parang kinokontrol niya ang buhay ko? 'Yung feeling na paulit ulit mo siyang sinasabihan ng: I Hate You! Pero ang ibabanat niya palagi sayo:
"There's a thin line between hate and love."
Eh ano ba kasing pakialam ko sa payatot na linya na 'yan na nasa pagitan ng hate and love?! Ako ba 'yung payatot na linya na 'yan? Hindi ako payat! Sexy ako!
Hindi ko talaga siya maintindihan sa tuwing sinasabi niya 'yon. Pero isang araw...
"Ayoko na. Hindi ko na kaya. Sobrang sakit na. Hindi ko na kayang maghintay sa kabilang linya. Sorry. I know you'll cross the thin line soon. But... I can no longer wait for you. Sorry. Ayoko na. Sobrang sakit maghintay sa isang taong kahit kailan, hindi napansin ang pagmamahal ko."
Nung araw na 'yan, naintindihan ko siya. Nung araw na 'yan, naintindihan ko lahat. Nung araw na 'yan, naramdaman ko lahat ng naramdaman niya. At nung araw na 'yan, alam ko sa sarili ko...
I already crossed the thin line for so long, without realizing it.
--x
EDITED! May gagong nangialam ng story na 'to. :/
new story, guys. :D inupload ko lang to kasi natapos ko na. hahaha. :D tsaka eto yung entry ko sa Novel Writing Contest ni Ate NayinK so sana suportahan niyo ako. :) Ipagpray niyo po na sana manalo ako. :">
Sana rin magustuhan niyo ituu. \m/
BINABASA MO ANG
The Thin Line [2014] ✅
Fiksi RemajaAno nga ba Thin Line sa buhay ng tao? Cover Designed by: ShiningRock. Thankyou. <3