GUNSHOTS THAT STARTED IT ALL

542 5 0
                                    


IT IS FUNNY how lives of people change in a blink of an eye.

It happened on the day after Christmas. Napakaraming tao sa mall. Punong-puno ng mga batang gustong gastusin ang mga napamaskuhan nila. Kabi-kabila ang mga taong may dalang mga paper bag, may bitbit ding ngiti sa mga labi. Maraming nagpapa-picture sa malaking Christmas tree sa main entrance ng mall. At mayroon ding maririnig na masayang Christmas music sa paligid.

It seemed as if everyone was happy that day.

Well, almost everyone.

"I can't believe you cheated on me," sabi ni Odessa sa boyfriend niyang si Colin. They were on their favorite fast food restaurant. Paboritong-paborito nila ang pagkain doon pero ngayon ay walang kumakain ng mga pagkaing nakahain sa mesa nila. Wala sa kanila ang mayroong gana.

"I'm sorry..." sabi ni Colin, yukung-yuko. "But I love you... Believe me, I love--"

"Paano ako maniniwala?" putol ni Odessa sa sasabihin ng boyfriend niya. "Paano ako maniniwala, Colin, ha? Niloko mo na 'ko, eh."

"Odessa--"

"May nangyari ba sa inyo ng babae mo?" muling putol ni Odessa sa sasabihin ng nobyo. Naghintay siya ng mabilis na sagot pero walang dumating. "Sabihin mo ha, may nangyari ba sa inyo?"

Hindi na naman nakapagsalita si Colin. Hindi na naman ito makatingin sa mga mata niya. Odessa fought the urge to cry. She would never cry in front of a cheater. Katahimikan tuloy ang namayani sa kanila.

A beautiful sight, we're happy tonight walking in a winter wonderland... iyon ang tugtog sa stereo sa loob nf fast-food restaurant.

Odessa wasn't happy though. She felt as if her life just got shattered.

"Kilala ko ba?" mahinang tanong ni Odessa, habang nakatingin sa mga pagkain sa mesa. Humina ang tinig niya dahil takot din siyang marinig ang sagot.

Gone away is the blue bird. Here to stay is the new bird...

"Kilala ko ba siya, Colin?" Odessa said, louder now.

Lumunok si Colin bago alanganing tumango. Parang nadurog muli ang puso ni Odessa.

Hindi na niya kayang itanong kung sino. Hindi ngayon. Humugot si Odessa ng malalalim na hininga, bago isukbit ang shoulder bag niya sa balikat niya. She looked at her with blurry vision, because her eyes were full of tears.

"You were my first everything," Odessa said. "My first kiss, first boyfriend, first love... and now, you're my first heartbreak, too."

Hindi na hinintay ni Odessa na makapagsalita si Colin. Agad siyang tumayo mula sa upuan at naglakad palabas ng fast food restaurant na pinupunasan ang mga luha niya. Hindi na siya tumitingin sa dinadaanan niya. Nakakabunggo na siya ng mga nakakasalubong niyang tao, pero wala na siyang pakialam. Pain could make you care less about others, she realized.

"Odessa!" Narinig niyang pagtawag ni Colin sa likod niya. "Odessa please."

Odessa kept on walking. Gusto na lang niyang makalabas ng mall na iyon.

"Odessa give me another chance."

Natanaw na ni Odessa ang malaking Christmas tree na puno ng makikislap na Christmas lights. May nagpi-picture na dalawang teenager na babae doon.

Malapit na siya sa entrance at exit ng mall. Mas nilakihan pa ni Odessa ang mga hakbang.

Pero naabutan siya ni Colin at hinawakan nito ang braso niya. Nilingon niya ito, tiningnan nang masama at pilit pumiksi sa pagkakahawak nito.

"Bitiwan mo ko," sabi ni Odessa. "Bitiwan mo ko, Colin."

"Odessa, please..." Panay ang agos ng luha sa mga pisngi ni Colin.

"Bitiwan mo ko Colin or else, mag-eeskandalo ako--"

Natigil si Odessa sa pagsasalita ng makarinig ng malalakas na tunog na animo mga putok ng baril. Natigilan silang pareho ni Colin. Lumingon sila pareho sa may entrance ng mall.

Nakita nilang marami ring tao ang natitigilan habang nakatingin sa entrance ng mall. NakIta nilang nakabulagta na sa sahig ang tatlong guard. At papasok na sa glass na pinto ng mall ang grupo ng mga lalaki na may hawak na mga malalaking baril.

Hindi nakagalaw sina Odessa at Colin. Para bang na-blangko ang mga isip nila pareho. Naalerto lang sila nang itutok ng mga armadong lalaki ang mga baril sa mga namamasyal sa mall.

Nakarinig sila ng malakas na tili ng isang babae.

And then people started running.

ShatteredWhere stories live. Discover now