A DAY after the funeral, Odessa asked Mara to accompany her and Colin on an amusement park. Which gave her reasons not to be amused.
"Gusto ko lang maging masaya ka," narinig ni Mara na sabi ni Odessa. Magkakatabi sila sa van. Nasa gitna nila si Colin. Nakahilig dito si Odessa. "Promise, doon, magiging masaya ka."
Ngumiti lang naman si Colin, hindi nagsalita. Nakaramdam ng inis si Mara kay Odessa. Hindi ba ito nag-iisip? He just lost his mother. Imposibleng ma-cheer up ito ng amusement park.
Hindi na lang kumibo si Mara.
Sa amusement park ay halos hindi siya mapansin ng dalawa. Nakasunod lang siya sa mga ito, nakatingin kay Colin. He was holding Odessa's hand. At naitanong niya sa isip kung ano ang pakiramdam na mahawakan ang kamay ni Colin.
Pinilahan nila ang lahat ng rides. Pabida si Odessa.
"Dapat ano, ah. Serious face. Dapat walang ngingiti o sisigaw ah," sabi nito habang nakapila sila sa roller coaster. "Challenge 'yon. Dapat, poker-faced dapat. Walang titili."
Pero nang makasakay sila, si Odessa ang tili nang tili. Nang makababa sila ay tatawa-tawa pa rin ito, bahagyang magulo ang buhok mula sa pagsakay sa ride. Para namang nababatubalani lang si Colin sa babae. Inayos nito ang buhok ni Odessa, inipit sa likod ng tainga ng babae ang ilang hibla ng buhok nito.
Odessa smiled and Colin smiled. And Mara knew they were in love.
And for a moment, she wondered how would it feel to fall in love again.
Pero binura niya iyon sa isip niya. Love could bring more pain than any virus in the world. It would be deadlier than any epidemic, it's a curse and it's infliction is something she really wanted to avoid.
Nasaktan na si Mara minsan. Ayaw na niyang masaktan uli.
Sunod nilang pinilahan ang ferris wheel. Napakataas iyon at punong-puno iyon ng mga ilaw. Kasama niya sina Odessa at Colin sa isang gondola, pero para ding hindi. Magkatabi ang dalawa, nakaakbay si Colin sa babae at tinatanaw ng mga ito ang daan-daang ilaw ng siyudad na nakikita nila mula sa gondola.
"This is the happiest place on earth," narinig ni Mara na sabi ni Odessa kay Colin.
"No," he said.
"No?"
"The happiest place is anywhere with you."
Nagtinginan lang ang dalawa. Pakiramdam ni Mara ay mag-isa siya.
Nang makababa sila sa ferris wheel ay nagmamadaling nagpunta si Odessa sa isang ice cream stand. Siya naman ay tila hinang-hina, hindi maintindihan kung bakit may lungkot siyang nakakapa sa puso niya.
"Okay ka lang?" tanong ni Colin, daan para mapapiksi siya.
Titig na titig sa kanya ang boyfriend ng kaibigan. May bakas ng pag-aalala sa mga mata nito.
"Oo naman," sabi ni Mara, tipid na ngumiti.
Ngumiti na din si Colin. And suddenly it felt as if the world has stopped for a second. Damn that smile. She never saw a smile that has the power to summon Father Time and stop the universe.
Nagpatuloy lang sila sa paglilibot sa amusement park. Inabot din sila ng hatinggabi. Sakay sila ng van ni Odessa habang pauwi, nakatulog na ang kaibigan niya, nakahilig na sa balikat ng boyfriend nito. Si Mara naman ay iniiwasang tingnan si Colin. Nakatanaw siya sa labas ng bintana.
"Knock-out," natatawang sabi ni Colin, nakatitig sa girlfriend nito. Binigyan nito ng halik ang ilong ni Odessa. Bahagyang umungol si Odessa dahilan para matawa nang bahagya si Colin.
YOU ARE READING
Shattered
General FictionIsang grupo ng mga rebeldeng sundalo ang bigla na lang pumasok sa isang mall at nagsimulang mamaril. They also took several hostages. Si Conrad Keith, ang isa sa mga sundalo, ay may limang hostage. Odessa, na pinagtaksilan ng boyfriend niyang si Col...