THE FIRST HOUR OF THE DEADLIEST SHOPPING MALL ATTACK
Rocking around the Christmas tree at a Christmas party hop...
The song playing inside the mall did not ease the horror the people were feeling.
"Oh my God, oh my God, oh my God," sunod-sunod na sabi ni Odessa nang magsimulang magtakbuhan at magsigawan ang mga tao sa paligid nila ni Colin. Ang ilan ay binunggo pa siya.
Nakarinig na naman sila ng putok ng baril. Isang tumatakbong matandang babae na may buhat buhat na batang babae ang biglang sumubsob sa sahig, natamaan marahil ng bala. Iyak nang iyak ang batang babae na nadadaganan na ngayon ng siguro ay nanay nito.
"Oh my God..." nasabi ni Odessa, tinakpan ng isang kamay ang bibig. Lalo siyang napatili ng bigla siyang hilahin ni Colin.
Halos hindi makisama ang mga binti niya kaya nadapa siya sa sahig.
"Odessa, we should run!" pagalit na sigaw sa kanya ni Colin. "We should run or we will die!"
Hindi makahinga si Odessa. Tumingin siya sa mga mata ni Colin at kitang-kita niya ang takot doon.
You will get a sentimental feeling when you hear...
Tumango si Odessa at agad-agad na bumangon at tumakbo. Hawak-kamay sila ni Colin. Nalaglag na ang shoulder bag ni Odessa pero wala na siyang balak na damputin iyon. Nakakarinig pa rin sila ng putok ng baril. Kapag ganoon ay napapatili si Odessa.
"Where would we go?" sabi ni Odessa habang patuloy sila sa pagtakbo. "Where would we fucking go?"
"May iba pang entrance ang mall na 'to. Meaning may iba pa ding exit--"
May mga tao silang natanaw na tumatakbo pabalik sa direkyon nila. Isang lalaki ang halatang tarantang-taranta na. Basa na ang harapan ng pantalon, naihi na sa kaba. "Meron silang kasamahan sa ibang labasan ng mall!" sigaw ng lalaki, nanlalaki ang mata ang mga mata. "May mga namamaril din doon!"
Voices singing let's be jolly, deck the halls with boughs of holly...
"Putang-ina," mura ni Colin, habang patuloy pa rin sila sa pagtakbo, ngayon ay wala ng eksaktong direksyon. Lalo pa yatang nanlamig ang mga kamay nitong nakawak sa kamay niya. Lalo ding nanlamig ang loob ng mall.
"Saan na tayo pupunta?" nasabi ni Odessa. Luhaan na siya. Wala na sa isip niya ang kasalanan sa kanya ng boyfriend niya. Right now, she only wanted one thing: to survive.
"Magtago. Kailangan nating magtago."
Agad-agad silang umakyat sa escalator. Nagbabaka-sakali silang hindi na pumanhik sa floor na iyon ang mga kalalakihan. Natataranta din ang mga tao sa itass na floor, tumatakbo din ng walang direksyon.
Nagpagala-gala ang mga mata ni Odessa, naghahanap ng lugar na puwede nilang pagtaguan.
Nang makarinig na naman sila ng putok ng baril ay muli siyang napatili.
"Sa bookstore!" sabi ni Colin. "Doon tayo magtago sa bookstore."
Agad-agad siyang hinila ni Colin sa bookstore. Iginala ni Odessa ang paningin doon, tinitingnan kung mayroon dong kasamahan ang armadong lalaki. Mukhang wala naman. Wala ng costumer doon na abalang naghahanap ng libro. Tahimik na tahimik na ang lugar, parang ang lahat ay naalerto na sa kung ano ang nangyayari sa ibaba. May ilang mga empleyado ng store na nagtatago sa likod ng shelves ng libro. Ang ilan siguro ay lumabas.
"Sa'n tayo magtatago dito?" sabi ni Odessa kay Colin.
"Sssh," sabi ni Colin sa kanya, naggagala din ang mga mata. Napatingin ito sa counter at natigilan din ng tila ilang segundo. "Doon!"
YOU ARE READING
Shattered
General FictionIsang grupo ng mga rebeldeng sundalo ang bigla na lang pumasok sa isang mall at nagsimulang mamaril. They also took several hostages. Si Conrad Keith, ang isa sa mga sundalo, ay may limang hostage. Odessa, na pinagtaksilan ng boyfriend niyang si Col...