Mara

137 7 3
                                    


"YOU'RE the biggest slut in the world pero walang nakakaalam? Gee, you're like Hannah Montana, living a double life."

Inirapan ni Mara ang kaibigang bading bago ito bugahan ng usok sa hinihithit niyang sigarilyo. She licked her lips before saying, "I need to live a double life, bakla. My parents would disown me kapag nalaman nila na may kaibigan akong tulad mo."

Natawa si Fortitude, the gay friend. "At ako pa talaga ang bad influence, bakla ka. Eh, ikaw nga ang nagdala ng lalaki dito sa condo."

Fortitude was a rich middle-aged gay guy. Nakapag-come out lang ito nang mamatay ang tatay nito a year ago. It was a weird friendship, since she was still a college student but they clicked because they both love sex so much.

Patunay ang nangyari kagabi. She picked up guy on a bar, brought him to Fortitude's condo. Noong una ay ayaw ng lalaki na pumayag na makipag-threesome, he just wanted to have sex with her and not with Fortitude. Pero a few drinks later, he warmed up to the idea and he was more than happy to bang the both of them.

"Hindi ka ba nasusunog sa simbahan, bakla?" pang-aasar pa sa kanya ni Fortitude. "'Di ba linggo linggo ka do'n?"

Mara did not say anything.

"Saka, 'di ka ba afraid na malaman ng mga kakilala mo na malandi ka talaga?"

Humithit uli sa sigarilyo si Mara bago sumagot. "Magaling akong magtago," she said.

"Hindi nakakatunog 'yong kaibigan mong sobrang yaman?"

"Hindi. Boba 'yon, eh."

Tumunog ang cell phone ni Mara. Odessa was texting her.

"'Yan na si boba?"

Mara nodded, binabasa ang text. "Nagpapasama," sabi niya. "Dinala na daw 'yong nanay ng crush niya sa ospital. Machu-chugi na yata."

"'Di ba, sabi mo, yummy 'yong crush niyang kaibigan mong 'yan?"

Mara nodded. "Oo," sabi nito. "Mahirap din. Alukan mo ng pera, baka patulan ka."

"Mabo-broken ang friend mo."

Mara laughed. "Gano'n talaga. Daig ng may pera ang maganda."

"Eh mas may pera naman ang kaibigan mo."

Lalo pang natawa si Mara. "Oo nga pala," she said. "Sige na, una na 'ko. Samahan ko na 'to. Para makita ko na din si Colin at ganahan ako."

Natawa si Fortitude. "Iba talaga ang bunganga mo."

Tinapik niya si Fortitude sa balikat. "Iba talaga. 'Di mo ba narinig 'yong ungol ng lalaki kagabi?"

"Bruha 'to." sabi ni Fortitude. "Magpalit ka ng damit. 'Yong disguise mong hinayupak ka."

Tatawa-tawa si Mara habang patungo sa banyo.

ShatteredWhere stories live. Discover now