CHAPTER THREE
Present day, the continuation of the bloodiest mall shootout/hostage taking
"DID SOMEONE ever jerked off to those murals?"
Hindi nakakibo si Gregory sa sinabi ni Conrad Keith. Napayuko siya, dahil kahit siya ay nahiya sa sinabi ng lalaki. "Pig," he whispered.
He soon heard Keith laugh. Mukhang narinig nito ang sinabi niya.
Naramdaman niyang gumalaw ito at ilang sandali pa ay nasa tapat na niya ito. Umupo ito sa sahig, humawak sa pisngi niya at pilit siyang ihinarap nito.
"Kung ikaw ang nasa mural, I would probably do it. Hindi ko mapipigilan ang sarili ko," Conrad Keith said with a mischievous grin. Pinakatitigan nito ang mukha niya at pigil na pigil siyang duraan ito.
He was no longer the Conrad Keith he knew. Wala na siyang respeto dito.
"Conrad," sabi ng lalaking nakahanap sa kanila sa bookstore. Baste ang tawag dito ni Conrad Keith kanina.
Tila naalerto naman si Keith, tumayo, humawak sa baril. "What?" he said. "May problema ba?"
"Wala," sabi ni Baste. "Pero may mga pulis na sa labas ng mall. Natawagan na sila ni General. Alam na ng mga pulis na may hawak tayong hostages at oras na gumawa sila ng hakbang na laban sa 'tin, pagpapapatayin natin 'tong mga 'to." Itinuro sila ni Baste gamit ang baril na nakasukbit sa balikat nito.
Gregory heard the old man gasp beside him.
"Alam nila na nakakakalat tayo sa mall," sabi pa ni Baste. "Naalala mo naman ang plano, 'di ba? Oras lang na may patayin silang isa sa atin, pasabugin na ang ulo ng mga hostage."
Napapikit si Gregory. Kung makapagsalita si Baste ay para bang insekto lang sila; para bang hindi sila mga taong nangarap minsan, nasaktan minsan, nagmahal minsan.
Nagmahal minsan...
Napatingin si Gregory kay Conrad Keith...
"Kunin mo 'to," sabi ni Baste, iniabot kay Keith ang isang cell phone. "Nasabihan na ni General ang mga pulis. Isa-isa silang makikipag-negotiate sa 'tin. Kaya kapag ibinagay ni General ang number ng cell phone na 'yan sa mga pulis, sa 'yo naman sila makipag-negotiate. Alam mo pa naman ang mga demands natin, 'di ba?"
Tumango-tango si Conrad Keith.
Tumango din si Baste at tinapik ang braso ni Conrad Keith. "Para sa mas maayos na pamahalaan."
"Para sa mas maayos na pamahalaan," Conrad Keith said.
Mayamaya pa ay palayo na si Baste at nakatanaw naman si Conrad Keith. Lumingon sa kanila ang lalaki at ngumiti. "Ngayon kailangan na lang nating maghintay," sabi nito. "At makukuha na namin ang gusto namin."
Gregory smirked. Alam naman niya na gagawa ang mga pulis ng paraan para maisahan ang mga rebeldeng sundalo. Imposibleng hindi. Alam niyang nagpa-plano na ang mga ito.
"Don't give me that smirk," sabi ni Conrad Keith. Muli itong lumuhod sa sahig, dumukwang at lumapit sa kanya. "Baka mapikon na talaga ako sa 'yo. Alam mo naman ang gagawin ko sa 'yo kapag napikon na ako, di ba?" Bahagya nitong kinagat ang tainga niya. Nagtayuan ang mga balahibo niya sa batok.
"I can bite you too, you know. Even if I am all tied up."
Tumigil si Conrad Keith sa ginagawa at humarap uli sa kanya. Hindi nito ihiniwalay ang titig nito sa kanya. A smile was on his lips. "You're beautiful."
YOU ARE READING
Shattered
General FictionIsang grupo ng mga rebeldeng sundalo ang bigla na lang pumasok sa isang mall at nagsimulang mamaril. They also took several hostages. Si Conrad Keith, ang isa sa mga sundalo, ay may limang hostage. Odessa, na pinagtaksilan ng boyfriend niyang si Col...