CHAPTER TWO
THE SECOND HOUR OF THE DEADLIEST SHOPPING MALL ATTACK
"YOU KNOW what we want? Two things: change and respect."
Pinakatitigan ni Gregory si Conrad Keith habang nagsasalita ito. Nakaupo sila sa sahig ng supermarket, nakagapos. Nasa kaliwa niya ang matandang lalaki at nasa kanan naman niya ang isang babae at lalaki na tila magkasintahan at isa pang babae na kasama ni Keith kanina pa.
Si Keith ay nasa harap namin, nakaupo sa isang malaking timbang binaliktad. Kumakain siya ng potato chips habang nagsasalita. Wala na ang lalaking naghatid sa kanila sa supermarket kanina.
"I think the military rarely get respect in this country."
Walang nagsalita sa kanila. Nakatingin lang sila sa lalaki.
"Alam n'yo ba kung gaano kahirap maging sundalo? Lalo na sa bansang 'to? Sa bansang walang mga makabagong gamit na pandigma? Napakadaling mamatay, sa totoo lang," he said. Tinapon niya sa isang tabi ang wrapper ng potato chips, ipinunas ang kamay sa pantalon habang sige sa pagnguya. Tinapos muna nito ang pagkain bago muling magsalita. "We only want respect that you owe us. We die for you, you know?"
Wala uling nagsalita sa kanilang lahat.
"And we want change, too," sabi pa ni Keith. "Gusto namin na maging hawak ng militar ang pamamahala sa bansa. Nangyari iyon ng ilang taon sa Myanmar. Iyon ang gusto naming mangyari. This country does not need democracy. Mas maraming tanga sa bansang 'to, namimili ng mga pinunong hindi karapat-dapat. Kamay na bakal ang kailangan ng basang 'to."
Itinutok ni Keith ang baril sa babaeng nakasalamin na kasama na nito kanina. "Gets mo?"
Walang sinabi ang babae, nag-iiyak lang. Natawa naman si Keith, napailing.
Lumunok si Gregory bago nagkaroon ng tapang na magsalita. "Marami bang sundalo ang gumagawa ng ganito sa bansa?"
Bumaling sa kanya si Keith. Ilang sandaling pinakatitigan siya. "Hindi," he said. "Pili lang kami. Tuta ng gobyerno ang ilan sa 'min, eh. Kami lang ang umaaksyon para magkaroon ng pagbabago."
"By doing this," sabi ni Gregory.
Keith smirked. It was the smirk that made girls fall in love with him back then, when he was still in college. Napakaamo ng mukha ni Keith noon. Katulad daw sa isang anghel. Palagi itong nakangiti noon at gustong-gusto ito ng schoolmates nila.
At nakikita ni Gregory na taglay pa din ng lalaki ang karisma na meron ito noon. Sure, nag-mature na ang mukha nito, nagkaroon na nga ito ng stubbles mula sa pisngi hanggang baba pero hindi maikakaila ang kainosentehan ng mga mata nito.
"Sabi sa 'kin ni General Lopez, this is a small step for the change that we want to happen."
This is stupid, Gregory wanted to say. Nagtimpi lang siya.
Siguro leader ng mga ito ang General Lopez na iyon. At sa pagkakasabi ni Keith ng pangalan ng heneral ay parang humahanga talaga ito doon.
"What happened to you, Keith?" sabi ni Gregory. "What happened to the Keith that I know?"
Nagkaroon ng galit sa mga mata ni Keith. Agad nitong itinutok ang baril sa kanya. Tila lumundag ang puso niya kaya napaatras siya. Agad na nag-init ang mga mata niya. Pero hindi niya ihiniwalay ang mata niya sa mga mata nito.
Unti-unti namang nawala ang galit sa mga mata ni Keith. Ibinaba nito ang baril at naglayo ng tingin. "Bakla ka, 'di ba?" sabi ni Keith.
Hindi sumagot si Gregory.
YOU ARE READING
Shattered
General FictionIsang grupo ng mga rebeldeng sundalo ang bigla na lang pumasok sa isang mall at nagsimulang mamaril. They also took several hostages. Si Conrad Keith, ang isa sa mga sundalo, ay may limang hostage. Odessa, na pinagtaksilan ng boyfriend niyang si Col...