She's my Bodyguard 12
Matthew POV
Nandito ako sa tabi ng kama ni Psyche kung saan siya ngayun natutulog
Ayus na siya kailangan niya lang mag pahinga then may gamot na ibibigay para tuluyang mawala ang lason na nakain niyaAyun sa mga doctor hindi naman daw matapang ang lason kaya naka ligtas daw si Psyche sabi rin nila matibay daw ang sikmura ni Psyche hindi pa malaman kung anong lason ang nakalagay sa tuna sandwich pero wala na akong pake doon
Napa tingin ako sa muka ni Psyche habang siya ay natutulog
Kung titignan para siyang inosenteng babae isang ordinaryong babae na hindi mo aakalaing marunong gumamit ng baril at walang alam sa bakbakan
Napaka amo ng muka niya kapag siya ay tulog pero kapag siya ay gising para siyang dragon na walang pusoMalaki ang utang ko sa babaeng to kasi imbis na ako ang makakain ng sandwich na may lason siya ang kumain napaka takaw naman kasi nento hindi inaalam kung may lason ang pagkain o wala nakakainis siya kasi nag alala ako sa kanya hindi ko alam ang gagawin kanina hindi ko rin alam ang nangyayare sakin kanina kung bakit ganon ako makapag alala sa kanya
"Alam mo picturan mo nalang ako kesa sa tignan mo ako ng ganyan balak mo bag matunaw ako?"
Nanlaki ang mga mata ko ng makita siyang nag salita at naka tingin saakin saglit kaming nagka titigan pero iniwas ko rin at umayos ng upo
"A..ayus kalang?" Bakit ako nauutal?nakakainis ano bang nangyayare sakin?
"Medyo nahihilo pa ako pero teka ano bang nangyare? Ang alam ko nasa school tayo"sabi nito at nilibot ang tingin ang buong room kung saan siya naka confined
"Nasa hospital tayo at ang nangyare kanina ay isang malaking kahihiyan"pag susungit ko
"Bakit ano bang nangyare?"tanong nito
Wala syang maalala kanina nakakainis"Wala "sabi ko nalang
"Mag sasalita ka o babarilin kita?"tanong nito
"Wala kang baril kaya manahimik ka...." Di ko natapos ang sasabihin ko ng mag labas siya ng baril
Teka saan niya naman nakuha ang baril na yan? Bawal yan dito ah
"Ito na mag sasalita na ibaba mo yan may cctv dito"sita ko tinignan muna niya ako ng matalim bago tinago ang baril niya
"Nalason ka"sabi ko
"Na ano?"
"Yung sandwich na kinain mo kanina at inagaw mo sakin ay may lason buti naisugod kita agad dito sa hospital may iinumin kang gamot para tuluyang mawala yung lason"paliwanag ko
"Anong nakakahiya doon? Ayst sana pala di ko nalang inagaw yung sandwich ako tuloy napahamak"sabi nito
"Hoy naririnig kita!"sita ko
Sinamaan niya ako ng tingin"Pero salamat "bigla siyang nagulat sa sinabi ko
"Ano?"tanong nito
"Salamat kasi niligtas mo ako salamat kasi dapat ako ang kakain ng sandwich na yun kaso inagaw mo hindi ko alam kung alam mong may lason yun o wala pero salamat parin utang ko sayo ang buhay ko"sabi ko habang seryosong naka tingin sa kanya
Tahimik lang siyang naka tingin sakin
"So ano iiyak na ba ako o tatawa? Ang drama mo"sabi nito at umirap
Aba nag pasalamat lang naman ako sa kanya hindi ako nag dradrama"Nag pasalamat lang naman ako ah"sabi ko
"Yung way kasi kung pano mo sabihin ang mga linyang yun tss pwede ka nang maging best actor"sabi nito
Napa tingin kami sa pinto ng ito ay mag bukas
Sila Inigo at Jello"Kumusta?"tanong ko
"May lead na kami about sa nag lagay ng lason sa sandwich na kinain ni Psyche pati narin sa lalaking nahuli mong naka tingin sa table natin"sabi ni Jello
"Teka anong ibig mong sabihing nag lagat ng lason sa sandwich?"tanong ni Psyche
"Nilipon namin ang lahat ng tao sa unibersidad kahapon at napag alamang may ilang kumain ng Tuna sandwich pero hindi sila nalason sa paraan na to masasabi kong isa itong plano o pinlano talaga ang paglagay ng lason sa sandwich na para kay Matthew"paliwanag ni Inigo
"Pwede mag tanong?"tanong ni Jello
"Nag tatanong ka na"sabi ko
"Bakit ba may nag tatangka sa buhay mo? Ano bang ginawa mo para may mag tangka sa buhay mo?"tanong nito saakin
Sa paraan at oras na ito hindi ko yan masasagot ayaw ko munang sagutin ang bagay na yan
"May mga sekretong hindi niyo na dapat malaman"singit ni Inigo
"Hindi ko alam wala akong alam"sabi ko sabay alis
Alam kong nag tataka silang dalawa kung bakit may gustong pumatay sakin
Ayaw kong malaman nila ang tungkol don dahil matagal ko nang binaon sa limot yunPsyche POV
Nag tataka rin naman ako kung bakit may gustong pumatay sa kanya pero gaya ng sinabi ni Inigo
May mga sekretong hindi na dapat namin malaman
Siguro private yung secret na yun pero alam ko na sa huli malalaman din namin kung ano yun
Dahil walang sikretong hindi nabubunyag
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
She's my Bodyguard
Action|COMPLETE| BODYGUARD SERIES 1 Matthew Luke Z Chavez Isang anak ng mag asawang Bilyonaryo Mabait (daw?)Gwapo perfect nasa kanya na ang lahat Pero madami namang nag babalak na patayin siya dahil sa madaming naiinggit o nagagalit sa attitude niya(ata...