Chapter 31: Sorry?

3.9K 114 5
                                        

She's my Bodyguard 31

Psyche POV 

"Kung wala kang anak....sino yung batang sinilang mo 18 years ago sa kasagsagan ng away ng tatlong Mafia group?"

Bahagya niyang nabitawan ang hawak niyang baso dahilan para mapatayo kaming apat dahil sa natapon na kape galing sa basong hawak niya

Naka ramdam ako ng init sa kaliwang hita ko kung saan tumulo ang natapong kape galing sa mesa

Agad namang kumuha ng tissue si Mrs Ty at pinunasan ang kaliwang hita ko kung saan ako napaso

"I'm sorry...sorry..."hindi ko pinatapos ang sasabihin niya ng tabigin ko ang kamay niya tumingin siya saakin na may maluha luhang mata pero malamig na titig lamang ang aking ginawa

"Ngayun sagutin mo ako....sino yung batang isinilang mo?!"sigaw ko dahilan para mapatingin ang mga taong kasama namin dito sa coffee shop

Hindi naka sagot si Mrs Ty sa tanong ko

Naramdaman ko ang marahang pag hawak ni Matthew sa kamay ko
Pero hindi ko ito pinansin

"18 years....18 years simula nong isilang mo ako iniwan mo agad ko! Ni hindi ko manlang naramdaman ang alaga ng isang tunay na ina sa piling ng babae kung saan mo ako iniwan! Alam mo ba na ibinenta ako ng babaeng pinagkatiwalaan mo ?! Alam mo ba na ipinag palit ako ng babaeng pinagtikatiwalaan mo sa halagang limang libo?! Alam mo ba yun ha?!"galit kong wika sa kanya at sa pag kakataong ito hindi ko na naiwasang hindi maiyak

"Psyche..."rinig kong wika ni Matthew nakita ko ang pag tulo ng luha ni Mrs Ty

"Anak..."

"Wag mo akong matawag tawag na anak dahil gaya ng sinabi mo wala kang anak"malamig kong wika at pinunasan ang luha

"Psyche..."wika ni Matthew at hinigpitan ang hawak sa akin

"18 years yun....yung 18 years na yun sinayang mo bakit? Para sa lalaki? Pinag palit mo ako dahil sa lalaki kaya mo ba ako iniwan dahil sa lalaki kaya mo ba ako iniwan at ipinamigay dahil sa lalaki?!"sigaw ko

*pakkkk

Isang malakas na sampal ang aking nakuha mula kay Mrs Ty isang mapait na ngiti lamang ang nagawa ko habang naka hawak sa aking pisngi naramdaman ko ang mabilis na pag yakap ni Matthew saakin

"Psy...che...sor..sorry"wika ni Mrs Ty at hinawakan ako sa kamay pero mabilis itong tinabig ni Matthew  habang naka yakap saakin

"Sorry?"tanong ko at kumalas sa yakap ni Matthew saka tinitigan ng mabuti si Mrs Ty

"Sorry? Para saan? Para sa pag sampal sakin? Para sa pag abanduna saakin? O para sa pag tangging wala kang anak?"tanong ko dahilan para lalong umiyak si Mrs Ty

"Psyche...hindi ko sinasadya....hindi ko sinasadyang..."

"Hindi mo sinasadya? Anong hindi mo sinasadya ang pag abanduna sakin? Ang pag sampal sakin o ang pag tangging wala kang anak? "Tanong ko

"Let me.... Explain"wika niya pero ngumiti lang ako ng mapait

"Let you explain? Para saan? Para makarinig nang mga kasinungalingan? Kung bakit mo ako iniwan? Kung bakit mo ako ipinamigay?! "Sigaw ko at umiling iling

"Psyche hindi mo naiintindihan..."

"Yun na nga eh! Hindi ko talaga maiiintindihan! Pano ko maiintindihan kong wala ka sa tabi?! Pano ko maiintindihan kong pinamigay mo ako?!"sigaw ko at muli nanamang pumatak ang aking luha

"Kahit na mag explain ka sakin
Kahit na mag sorry ka o umiyak ng dugo hindi na non maibabalik ang taon,buwan,araw,oras,minuto at segundo na dapat ay kasama mo ako"wika ko at pinahid ang luha ko

"Isa lang po masasabi ko sa inyo Mrs Ty saludo ang gitnang daliri ko sa tibay ng sikmura mo
At kung iisipin mo na mababawi mo pa ako pasensyahan nalang po dahil hindi kita kinikilala bilang nanay ko at hindi kita kilala kaya wag kang umasa na makukuha mo ako kay Matthew dahil kahit kailan hinding hindi ko iiwan ang nag iisang taong nag paramdam sakin ng pag mamahal"pag kasabi ko non ay hinawakan ko ang kamay ni Matthew

"Magandang araw sa inyo Mrs Ty sana hindi na maulit ang pag kikitang ito"pag kasabi ko non ay hinatak ko na si Matthew palabas ng coffee shop

Matthew POV

Na aawa ako sa lagay ni Psyche
Ni hindi ko alam kung ano ang dapat kung gawin para mapatigil siya sa pag iyak

Mahigit 5 oras na matapos ang nangyare sa coffee shop inaamin ko na iinis ako kay Mrs Ty dahil sa ginawa niya kay Psyche

Sino ba namang ina ang may pusong iwan ang anak nila sa taong ibebenta lang pala

Napa pikit nalang ako ng marinig ko nanaman ang pag hagulgul ni Psyche mula sa kanyang kwarto

Hindi pa siya kumakain nag aalala na ako sa kanya

"Psyche.... Papasok ako ah"sabi ko at binuksan ang pinto mula sa pinto nakita ko ang naka higang si Psyche may kumot na naka balot sa kanyang katawan at naka talikod mula sa akin

"Psyche ...kumain ka muna"wika ko at inilapag ang dala kong pagkain sa table malapit sa kama niya

"Wala akong gana"malamig niyang wika

Napa buntong hininga nalang ako at lumapit sa kanya saka siya niyakap

"Kailangan mo nang malalabasan ng sama ng loob? Nandito ako handa kitang pakinggan"wika ko habang yakap siya

Gumalaw siya bahagya para yakapin ako ng sobrang higpit
Saka nanaman siya mag simulang umiyak

"Psyche..."

"Ang sakit....ang sakit sakit Matthew nagawa niyang itanggi na may anak siya at nagawa niya rin na sampalin ako"wika niya habang umiiyak

Lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya

"Hindi niya alam kung gano kahirap ang walang ina habang lumalaki nakaka inis kasi sabik na sabik ako sa kanya nong birthday ko pasko at bagong taon lagi kong hinihiling na sana makita ko si Mama sana makita ko na ang tunay kong pamilya pero hindi ganito ang inaasahan ko....gusto ko siyang yakapin at sabihang I Love You Ma pero wala na palang mas sasakit pa sa salitang WALA AKONG ANAK bakit....bakit kailangan  niya pang itanggi? Talaga bang ayaw niya saakin?"umiiyak  niyang wika

"Shhh Psyche... Tama na..sigurado akong may dahilan kung bakit niya ginawa ang bagay na yun "wika ko habang pinapatahan siya

"Kung gusto mo mag bakasyon muna tayo para mawala ang lungkot mo para makalayo ka sa mga sitwasyon na ganito"tanong ko

"Pwede ba?..... Pwede ba na mag punta tayo sa malayong lugar? Malayo sa lugar na to?"tanong niya habang yakap ako

Napa ngiti ako sa sinabi niya

"Kahit saan mo pa gusto mahal ko pupuntahan natin sumaya ka lang"wika ko at hinalikan siya sa nuo

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

She's my Bodyguard Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon