Chapter 32: Vacation!

3.9K 104 5
                                    

She's my Bodyguard 32

Matthew POV 

"Psyche ko....gising na" pang gigising ko kay Psyche tinapik ko ang kanyang pisngi para magising siya pero sobrang himbing ng kanyang tulog

"Psyche ko gising na aalis tayo" wika ko kaso hindi parin siya gumigising

T___T

Panandalian akong tumigil sa pag gising sa kanya
Hinawi ko ang buhok na naka harang sa kanyang muka at pinag masdang mabuti ang kanyang muka

Para siyang anghel na bumagsak sa lupa at pinana ang puso ko

Ganon na ba ako kabait para bigyan ako ni Lord ng isang magandang binibini na pwede kong makasama habang buhay....

"Titig pa.....baka matunaw ako" agad kong inayus ang upo ko at lumunok

"Anong oras palang Matthew 3:39 AM palang" wika ni Psyche at tinignan ako ng masama

"Aalis tayo" sabi ko at ngumiti

"Wag mo nga akong ngitian jan lalaki ka sinira mo ang tulog ko" wika niya at inirapan ako

Bahagya naman akong nag pout saka nag lungkot lungkutan

"Ang ningunguso nguso mo jan?" Mataray niyang tanong

"Ang aga aga galit ka sakin nakaka tampo ka" wika ko saka umakting na umiiyak

"Umayus ka nga para kang bakla" sabi niya bahagya akong tumigil sa pag akting ko at tinitigan siya ng malamig

"Tinititig titig mo? Tusokin ko mata mo"mataray niyang wika

" hayst imbes na 'good morning Matthew ko ano kumusta ang tulug masaya ba?' Ang sabihin mo eh puro ka nalang ' tusukin ko mata mo ang aga aga pa panira ka ng tulog' " wika ko at tumayo

Tinaasan niya ako ng kilay saka tinitigan ng masama

"Iniinis mo ba ako lalaki ka?" Mataray niyang tanong bahagya akonh lumunok saka ngumiti

"Nako ikaw iinisin ko? Hindi ah mahal na mahal kaya kita" sabi ko at akmang yayakapin siya ng iharang niya ang kaliwang kamay niya sa muka ko saka nag salita

"Umayus ka di ako pumapatol sa bakla bwisit" sabi niya saka inalis ang kamay niya sa muka ko

Mabilis pa sa alas kwatrong hinila ko siya palapit saakin saka ikinulong sa dalawa kong bisig

"Ang aga aga nagagalit ka kaya hindi ka gumaganda eh" sabi ko
Bahagya niya namang kinurot ang tagiliran ko saka kumalas sa yakap ko

"Ahhh aray sadista ka talaga" inis kong wika tinignan niya ako ng masama saka ngumiti ng malapad

"Mahal mo naman" pagkasabi niya non ay agad niya akong hinalikan sa labi pero smack lang

Dug dug
Dug dug
Dug dug

Ang puso ko.....
Nag wawala nanaman! Ano ba Psyche! Aatakihin ako ng dahil sayo

"Good morning panget" sabi niya na ikinakunot ng nuo ko

"Sinong panget?" Tanong ko sa kanya

"Ikaw" sabi niya saka tumakbo palabas ng kwarto niya agad naman akong tumakbo para habulin siya

Psyche POV

9:40 AM

Nasa daan parin kami ni Matthew papunta daw sa airport
Hala ano naman kaya gagawin namin sa airport?

"Psyche ko nagugutom ka ba?" Tanong niya sa akin
Bahagya ko naman siyang tinignan saka ningitian

"Hindi ikaw?" Tanong ko

She's my Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon