Chapter 33: City of Love

3.5K 111 5
                                    

She's my bodyguard 33

Psyche POV

"Matthew tignan mo bababa na tong sasakyan" sabi ko sa katabi ko habang naka tingin sa bintana grabe ang cool ng sasakyang to biruin mo lumilipad siya kahit hindi gumagalaw ang pakpak niya ang talino naman ng nag embento ng sasakyang to kaso bobo din kasi naman mag papalipad na nga lang ng sasakyan hindi pa gumagalaw ang pakpak tsk buti di kami na hulog

"Matthew tignan mo dali!" Sabi ko habang tinatapiktapik siya

"Psyche ko....mamaya na yan...hayaan mo munang maka tulog ako" inaantok niyang wika napatingin naman ako sa kanya 

Halata ngang inaantok siya

"Pero Matthew bababa na ang eroplano may balak ka parin bang matulog?" Tanong ko sa kanya at tinapik ang kanyang pisngi

"Mamaya na please Psyche ko...maawa ka saakin hindi ako nakapag beauty rest" saad niya napa kunot naman ang nuo ko sa sinabi niya

"Bakla ka ba? Para mag beauty rest? Babae lang gumagawa non" irita kong sabi

"Hayst" sabi niya at tumalikod sa akin habang naka pikit

"Aba tinatalikuran mo na ako" sabi ko at inis na tumingin sa bintana

Naka lapag na ang eroplano at ilang minuto nalang bubuksan na ang pinto pag kami hindi nakalabas ng dahil sa bwisit na antok na yan lagot sakin yang Matthew na yan hindi ko na siya sasagutin!

May nag salita galing sa speaker pero hindi ko maintindihan aba ano bang malay ko sa english na yan

Nakita kong nag sisilabasan na ang mga kasama namin si Matthew naman humihilik pa ng kaming dalawa nalang ang nasa loob ng eroplano inis akong tumayo at tinignan si Matthew

Iwan ko kaya to?
Wag baka maligaw ako hindi ko pa naman alam kung nasan ako
Nasan nga ba kami

"Hoy Matthew" tawag ko pero hindi siya umimik bwisit na Matthew

"WAHHHHH AHAS! AHAS! Matthew MAY AHAS!" Sigaw ko

Napa balikwas naman siya ng upo at nag sisipa sipa sa ere

-__-?

"Asan? Asan? Ayus ka lang ba Psyche ko? Tinuklaw ka ba? Nasan ang ahas? Takot ako sa ahas? Asan ang stewardess? Tawagan mo..." Hindi niya natuloy ang sasabihin ng kinuha ko na ang gamit namin at binitbit

"Matulog ka na nga lang jan ang ingay mo" irita kong wika saka  bumaba sa hagdan

Finally na lasap ko na ang hangin! Wahhh bakit ang lamig? Katamtaman lang naman hehehe

"Psyche ko ako na mag bubuhat" sabi niya ng maka habol at kinuha ang isang maleta

"Wag na ako na nakakahiya naman kasi sa bagong gising" irita kong wika at kinuha mula sa kanya ang maleta

"Hayst ako na sabi" sabi niya at kinuha
Muli niyang kinuha ang maleta sa akin

"Ako na sabi " sabi ko at kinuha muli

"Ako na"siya

"Ako na kasi"ako

"Isa"siya

"Dalawa"ako

" tatlo"siya

"Apat" ako

"Hey did you two had a problem?" Singit ng isang foreigner na lalaki

"Ano ba? Mag lilima na sumingit ka pa? Bastos" inis kong wika sa foreigner na kumunot ang nuo

"No we're okay " sabi ni Matthew ngumiti naman ang babaeng foreigner na kasama ng lalaki kay Matthew

Agad namang kumulo ang dugo ko sa nakita

"Ningingiti ngiti mo?" Irita kong wika sa babaeng foreigner

"What?" Tanong ng babae

"What what mo muka mo back off he's mine baka mapatay kita ng di oras" irita kong sabi sa babae

Hinawakan ako ni Matthew ng akmang kukunin ko na ang baril ko

"I'm sorry we need to go" sabi ni Matthew at hinila ako

Ng maka layo na kami sa dalawang foreigner inis kong binitawan ang kamay niya at tinignan siya ng masama

"Nasan ba tayo? Umuwi na nga tayo ayoko na ng bakasyon na to buset baka mamaya may umagaw sayo" sabi ko sa kanya

Nakita ko namang namula siya sa sinabi ko

"May sakit ka ba?" Tanong ko at kinapa ang nuo niya pero hindi  siya mainit

"Wala....kinikilig lang ako" sagot niya

Kung kanina siya ang namumula ngayun ako naman ang namumula sa galit
"Hoy Psyche anong nang yayare sayo?" Tanong ni Matthew saakin

"Kinikilig ka ba sa babaeng hilaw na yun?" Iritang tanong ko

Agad naman siyang napa lunok sa sinabi ko

"H..hindi ah" nag aalinlangan niyang sagot

"MATTHEW LUKE Z CHAVEZ! UUWI NA TAYO! NGAYUN NA!" galit kong wika sa kanya

"Teka...hoy Psyche hindi pa pwede kasi wala tayong passport at saka hindi pa natin natutuloy ang vacat.."

"Fuck that Vacation! Ang daming nag kakandarapang babae sayo sa lugar na to! Uuwi na tayo ngayun at ngayun" sabi ko at tinalikuran siya

"Hindi pa nga pwede kasi hindi pa natin nalilibot ang Paris at kahit na madaming babaengnag kakandarapa sa akin ikaw parin ang Psyche ng Buhay ko" sabi niya na nag patigil sakin

Totoo ba?

Napa harap ako sa kanya at tinignan siya

"Totoo?" Tanong ko

"Oo ikaw lang ang mahal ko" sagot niya

"Hindi anong sabi mo? Nasan tayo?" Tanong ko

Kumunot naman ang nuo niya
"Nasa Paris" kunot nuong tanong niyang sagot

"Whowooo tara na nag bago na pala ang isip ko tara wag na tayong umuwi" sabi ko at hinawakan siya sa braso at hinila siya

"Huh?" Takang tanong niya

"Ganito pala ang Paris no grabe anong oras na ba?" Tanong ko at tinignan naman niya ang phone niya

"6:33 PM" sagot niya

"Ako ba pinag loloko mo? Bakit hindi pa madilim dito? Kung 6 na" tanong ko

"Sa Pilipinas 6:33 na dito naman 12:33 advance ng ilang oras dito sa Paris" sabi niya habang nag lalakad napa tungo naman ako sa sinabi niya

Ang tanga din ng nag imbento ng orasan no? Hindi nalang niya inisang oras ang lahat ng lugar kailangan talaga iba't ibang oras ang meron ang mga bansa ang tanga nga naman

Makalipas ang ilang minuto nakita ko na din sa wakas ang labas nitong Airport at whow natatanaw ko na agad ang Eiffel tower
Ganon na ba talaga kalaki ang tower na yun para makita na agad namin ang tuktuk nito?

Ang pinapangarap kong lugar sa wakas napuntahan ko rin

Grabe no? Kung iisipin ang astig ng gumawa ng Eiffel tower pero ang tanga din kasi naman gagawa na ngalang ng tower yun pang hindi napapakinabangan i mean dapat gumawa nalang siya ng isang building na kung saan may kakaibang magaganap sa loob nito tas papangalanan nyang EIFFEL TOWER  o di kaya dapat gumawa nalang siya ng isang Parang Enchanted kingdom tapos papangalanan niya nalang Eiffel wala nang tower kasi hindi naman tower yun

"Psyche ko ayus ka lang?" Tanong ni Matthew sa akin tumingin ako sa kanya at ngumiti wala pang isang segundo ay agad ko siyang niyakap

"Salamat....salamat kasi naka punta na ako sa lugar na matagal ko nang gustong puntahan lugar. Na pinapangarap ko lamang nong bata ako" sabi ko habang yakap siya

Halata namang nagulat siya sa ginawa ko

"Salamat" muli kong wika

~~~

Tweet me @redious_in

Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

She's my Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon