Chapter 22: Corny

4.6K 133 5
                                    

She's my bodyguard 22

Psyche POV

Isang linggo na ang nakalipas ng aminin saakin ni Matthew ang nararamdaman niya ewan ko ba kung bakit pero naninibago talaga ako

Hindi ako sanay na sobrang bait,gentlemen at maasikaso tong si Matthew

At ang kina iinisan ko pa kapag may lumalapit saaking lalaki tinatakot niya tinututukan niya ng baril tapos sabay tingin ng masama nakaka inis kasi pati si Jello dinadamay niya sa ka abnormalan niya pati nga ata si Inigo eh

"Good Morning Baby ko"masiglang bati saakin ni Matthew ng makita niya akong lumabas sa kwarto

"Good morning boss"bati ko rin sabay baba sa hagdan

Lumapit ako sa kanya at tinignan ang ginagawa niya

"Ano yan?"tanong ko

"I made breakfast for you and i call this TunaLOve"sabi nito

-___- eh?

"Tuna"sabi ko saka tinignan siya

"Alam mo ba kung bakit tinawag ko tong tunalove?"tanong nito

"Dahil may halong pag mamahal yan? Alam ko na yan badoy pakinggan"sabi ko at kumuha ng tinapay saka umupo sa harap niya at pinanuod siya

"No i called this TunaLove because nong una palang kitang makita nagka ganiTUNA ang damdamin ko sayo..."

-___- eh? Corny -__-

"K"sabi ko at tumayo na saka lalabas na sana ako ng kitchen ng hatakin niya ako paharap sa kanya biglang lumakas ang tibok ng puso ko bumilis ang pag pintig nito ng makita ko ang bilugan niyang mata sobrang lapit namin sa isa't isa isang maling kilos mo lang mahahalikan ko na siya...

Pinag dikit niya ang mga nuo namin at pinikit niya ang kanyang mga mata ako naman at titig na titig lamang sa kanya

"1 Universe, 9 planets, 204 countries, 809 islands, 7 seas and i had the privilege of meeting you"sabi niya saka binukas ang mga maya niya napa lunok ako ng mag tama nanaman ang mga mata namin

Bat ganon parang may kung anong ewan ang gumagalaw sa tyan ko gutom na ba ako? Bakit ang init ng pisngi ko?

"Ang corny mo"sabi ko at tinulak siya bahagya para makahinga ako ng maayus bwisit bakit ba ganito ang nararamdaman ko?

"Ayus lang maging corny basta sa taong mahal ko ito ipinapakita"sabi niya saka ngumiti

"Isa pang ka cornihan jan papatayin na kita"sabi ko at inirapan siya

"Sige patayin mo ako...patayin mo ako sa pag mamahal mo" naka ngiting sabi niya

Duggg dugg
Duggg dugg

Keep calm Psyche wag kang ano jan!

"Tsk baliw ka na"sabi ko at lumayo ng kaunti saka tumikim ng ginawa niyang TunaLove daw -__-

"Tama ka baliw na talaga ako....baliw na baliw sayo"sabi ni Matthew kaya napa tigil ako tinignan ko siya at naka ngiti lang ang mokong

Hype na hype ang mokong anong kinain nito?

She's my Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon