Chapter 47: Mafia War 2

3.1K 89 8
                                    

She's my Bodyguard 47

Psyche POV

Matapos ang nangyare sa pagitan namin ni Tanda nag hiwa hiwalay na kami para hanapin yung mastermind sa pag dukot sa akin
Malakas ang loob ko na hanapin yung babaeng yun dahil sa gusto ko din siyang pahirapan at patayin nang mabilisan

Kung titignan malapit na mag umaga pero wala paring tigil ang palitan ng putukan sa lugar
Hindi ko na nahanap pa si Jello o si Matthew ng mag hiwalay kami

Lumiko ako sa isang daan at taimtim itong sinuri

Wala akong makita kaya tumalikod na ako pero bigla akong napa tigil ng maka rinig ako ng ubo muli ko itong hinarap at dahan dahang nag lakad

Naka rinig nanaman ako ng ubo at sa pag kakataong ito nasa malapit lang siya

Napa tingin ako sa isang plywood na kumpulan dahan dahan akong nag lakad papunta dito at hinanda na ang baril ko

Mabilis kong tinanggal ang plywood saka tinutukan ng baril ang nag tatago dito

"Wag po wag niyo akong patayin inosente ako kumakain lang ako!"

Kumunot ang nuo ko ng makitang sj Jorgie ang nag tatago

"Jorgie?"
Napa tingin siya sa akin at bigla akong niyakap

"Hayst buti nalang at ikaw ang naka kita sa akin kung hindi baka patay na ako"sabi niya habang naka yakap

Kumalas ako sa yakap niya saka aiya binatukan

"Bakit ka nag tatago? Diba dapat tinutulungan mo kaming pumatay ng mga kalaban?"tanong ko

Mariin niya munang kinuha ang isang manok na naka tago sa damit niya saka ito kinagat

"Nag tatago ako kasi nagugutom ako at isa pa may napatay naman na ako mga lima ata o baka dalawa lang at isa pa dapat hindi naman talaga ako dapat masali sa laban na to kasi inosente ako"sabi niya sabay kagat sa manok

"Dapat di kanalang sumama kong kakain kalang naman"sabi ko

"Anong magagawa ko kung sinama ako ni Matthew nakaka takot kaya ang aura niya kung makita mo lang siya kung pano mag wala at mag alala sayo"sabi niya sabay kagat sa manok

Inirapan ko nalang siya at umupo saka nag umpisang mag lagay ng bala sa baril

"May bala ka pa pala pahingi ubos na bala ko eh"sabi niya kaya ibinigay ko sa kanya ang isang maliit na box ng bala

"May baril ka? Nawala ko kasi yung akin eh"sabi niya inis ko siya tinignan at hinagis sa muka niya ang isang baril

"Gusto mo manok?"tanong niya

"Wag na baka magutom ka habang nakikipag laban"wika ko

Nag simula na siyang mag lagay ng bala sa baril na ibinigay ko sa kanya

"Buti hindi ka tumataba "sabi ko

"Kasi gwapo ako"sabi niya naman

"Hindi ka manlang na uuhaw?"tanong ko

"Hindi, may baon akong tubig no"sabi niya

"Huh?"

"Buksan mo yung kahon na katabi mo"sabi niya kaya binuksan ko ito nanlaki ang mga mata ko sa nakita isang dosenang tubig at iba't ibang junk foods ang dala niya may dalawa pang chicken bucket ang wala nang laman

She's my Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon