Finale

6.3K 121 12
                                    

She's my Bodyguard Finale

3rd Person POV

"And now you may kiss the bride"

Nag tayuan lahat ng mga dumalo sa kasalan at saka nag palakpakan

Humarap na ang dalawang bagong kasal sa isa't isa at saka nag halikan

"Congrats!"sigawan ng lahat ng dumalo tumango nalang ang dalawang bagong kasal saka nag simulang mag lakad palabas ng simbahan

Naka ngiti ang lahat sa dalawa
Bumabati ng congrats at kung ano ano pa

"Oy mamaya inuman ah!"sigaw ni Inigo napa ngiti nalang ang bagong mag asawa at napa tingin sa lalaking nasa harap nila

"Congrats"wika nito sa dalawa at tinapik sa balikat si Jello

"Salamat bro"wika ni Jello kay Matthew

Napa tingin si Matthew kay Neon

"Congrats"wika ni Matthew kay Neon
Ngumiti naman si Neon

"Salamat"sabi ni Neon

"Biruin mo yun? Sa dinami rami ng prosisyon sa simbahan din pala ang bagsak namin"wika ni Jello habang naka tingin kay Neon

"Oo nga eh kung hindi lang ako naawa na sagutin ka baka wala kang magandang asawang gaya ko"pag mamalaki ni Neon

"Asus ang panget mo kaya" natawa nalang si Matthew sa dalawa

"Siya nga pala bro sasama ka rin ba sa reception?"tanong ni Jello

Umiling nalang si Matthew saka binigay ang regalo ng dalawa

"Hindi na .... Babantayan ko pa kasi siya"wika ni Matthew biglang lumungkot ang mukha ng dalawa

"Ayus lang ba siya?"tanong ni Neon

Tumango tango si Matthew

"Ganon parin siya walang pag babago"sagot ni Matthew

"Brad.... Anim na taon na ang lumipas....hindi ka ba napapagod?"tanong ni Jello

Seryosong tinignan ni Matthew si Jello

"Kahit kailan hindi ako napagod na mahalin siya at hintayin siya alam ko naman na hindi niya ako iiwan"wika ni Matthew

Anim na taon na ang lumipas ng matapos ang gulo anim na taon narin ang lumipas ng mamatay ang nanay ni Psyche

Anim na taon na rin matapos ma diagnosed si Psyche na Comatose dahil sa lakas ng pagka bagok niya

Anim na taon na ring umaasa si Matthew na magigising si Psyche kahit na sinabi sa kanya ng mga doktor na mukang wala nang pag asang magising si Psyche dahil puro mga apparatus nalang ang bumubuhay sa katawan nito

"Bro... Na mimiss na namin siya"wika ni Jello

"Ako rin naman.. Hintay hintay lang baka magising din siya hindi naman niya tayo iiwan eh"wika ni Matthew

"Hey guys anong meron sa mukang yan? Araw ng kasal nila Jello bakit parang byernes santo ang mga mukha nyo?"singit ni Inigo na kararating lang

Hindi naka sagot ang tatlo

"Si Psyche ba? Ano ba naman kayo syempre magigising si Psyche nakikipag patentero pa siya kay kamatayan kaya wag nga kayong ganyan amazona kaya ang kapatid ko"wika ni Inigo na kahit ngumiti eh hindi parin matago ang lungkot

"I miss her"wika ni Neon at naiyak na ng tuluyan niyakap nalang siya ni Jello ng biglang tumunog ang cellphone ni Matthew

"Yes?...uhuh?....What?! I'll be there!"sigaw ni Matthew

She's my Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon