Chapter 46: Mafia War

3.5K 110 11
                                    

She's my Bodyguard 46

Psyche POV

"Psyche! Tara na!"tawag ni Jello sa akin napa tingin ako kay Matthew na naka tingin sa akin

"Mag iingat ka"sabi ko
Ngumiti lang siya sa akin

Akmang mag lalakad na ako papunta kay Jello ng mapatigil ako at muling hinarap si Matthew na naka tingin sa mga kalaban

Hinatak ko ang kamay niya dahilan para mapa harap siya sa akin saka ko hinigit ang kanyang kamay para mapalapit siya sa akin

Nakita kong lumaki ang mga mata ni Matthew sa ginawa ko

"Psyche"wika niya

"Hoy ikaw may kasalanan ka pa sa akin siguraduhin mong makakaligtas ka sa labanan na to at siguraduhin mong wala kang makukuhang sugat naiintindihan mo ba?"tanong ko

Naguguluhan man ay tumango tango siya

"Good"pag kasabi ko non ay hinalikan ko siya sa kanyang labi saka na tumakbo papunta kay Jello

"Hoy ang landi mong babae ka talagang nakuha mo pang halikan si Matthew"sabi ni Jello sa akin tinaasan ko lang siya ng kilay

"Pake alam mo ba? Mag pahalik ka din sa Neon mo"sabi ko

Napa lingon si Jello sa likod namin

"Bilisan natin mukang nag sisimula na ang laban"sabi nito napa kunot ang nuo ko at sabay kaming napatigil ng makarinig kami ng sunod sunod na pag sabog ng isang bomba

"Shet sila Neon na yun"wika niya at tumingin sa akin

"Anong plano?"tanong niya

"Nasayo yung susi?"tanong ko at pumasok na sa loob ng sasakyan nakita kong sobrang dami nga ng baril at bala dito sa loob

Ito ang maganda yung may laban tapos apat na dosenang baril at bala ang katabi ko wahahahaha

"Oo"sagot niya

"Dating gawi"sabi ko at nag simula na mag salpak ng bala sa baril

Napa ngisi nalang si Jello at sumakay na sa drivers seat at sinimulan ng buhayin ang sasakyan

"Game! Team Psyclo for the win!"sabi nya at sinimulan na mag maneho

"May bomba ba dito?"tanong ko

"Sa likod madami ingat ka sensitive iba jan "sagot niya

"Buksan mo bintana ko"sabi ko ginawa naman niya

"Bilisan mo ang maneho"sabi ko

"Okay papaliparin ko na to"sabi niya at binilisan ang pag mamaneho

Ng malapit na kami sa war area ang daming tumambad sa aming mga katawan na wala ng buhay

"Let's party baby "wika ni Jello na nasasayahan sa pag mamaneho

Nag simula na akong mambaril ng mga kalaban namin habang si Jello naman sinasagasahan ang ilang kalaban

Medyo nahirapan ako sa pag kilos dahil ang liit ng spasyo kaya binuksan ko ang pinto ng sasakyan at tinadtad ng bala ang mga kalaban dalawang baril ang hawak ko mag kabilaan kaya masasabi kong cool ang nangyayare

Ang kaso..

"Shet wala ng bala tong baril ko punyemas"sabi ko at itinapon ang baril na hawak ko sa labas

Agad kong kinuha ang shotgun na katabi ko at sinimulan ko nanamang mambaril

"Jello hanapin mo sila Matthew"sabi ko  nakita ko ang limang kalalakihan na kalaban namin ang papunta dito sa gawi namin at hinahabol ang sasakyan namin

She's my Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon