Chapter 17: Black Shark

4.6K 130 4
                                    

She's my Bodyguard 17

Psyche POV

Nandito ako sa room ni Matthew sa hospital umuwi na ang mama at papa ni Matthew tanging si Lukas nalang ang naabutan ko dito na natutulog kanina
Umuwi narin siya kasi may emergency daw
 


Bigla tuloy akong napaisip tungkol doon sa sinabi ni Jello about kay Matthew pati narin kay Lukas

"Devilblood in Dark"

"Ang Redious Group Devilblood in Dark at Redblood in Polygon ay dating mag kaka ibigan ang kaso isa sa mga grupo na yan ang tumiwalag sa kanilang usapan kaya nag kagulo"

Kung Si Matthew ay mafia boss ng Redblood In Polygon at si Lukas ay myembro ng Devilblood in Dark imposible kaya na mag kaaway sila?

Pero hindi naman siguro kasi naman nakita ko ang pag aalala ni Lukas kanina para sa kapatid niya

Baka hindi ko lang naintindihan ang mga sinasabi ni Jello kanina

Lumapit ako sa kama ni Matthew at umupo sa upuan na nasa tabi nito
Nakatingin ako sa muka niya na maamo at walang malay

"Napaka misteryoso mo"saad ko

"Madami akong gustong itanong tungkol sayo madami akong gustong malaman tungkol sayo kung ano ka ba talaga? Kung sino ka ba talaga"sabi ko

"Sabi ni Jello isa ka daw Mafia boss pero diba ang mga mafia boss ay magaling makipag laban at humawak ng baril? Pero bakit ikaw isip bata ka kung umasta? Totoo ba yung nabalitaan ko?"tanong ko

Para akong baliw dahil kausap ko si Matthew na alam kung hindi ako naririnig dahil wala siyang malay

"Psyche" napatingin ako sa likod ko at doon ko nakita si Jello na papasok
Ng maisara niya na ang pinto umayus ako ng upo at hinarap siya

"May nakuha akong bagong impormasyon tungkol kay Matthew"sabi nito

Biglang nag seryoso ang aura ko at tinignan si Matthew sabay tingin ulit kay Jello

"Spill it"

"Mamaya na ang mahalaga maka alis muna tayo dito kasama si Matthew"sabi nito

"Huh?"naguguluhan kong tanong

"8:30 PM may darating dito para mag check ng vital sign ni Matthew may ilalagay siyang gamot sa oxygen ni Matthew at ang gamot na yun ay pwedeng mag cause ng pagkamatay ni Matthew"sabi nito

Napa tingin ako sa orasan na naka sabit sa wall ng kwarto ni Matthew
7:30 na 30 minutes para makatakas kami pero hindi pa pwede ilabas si Matthew sa hospital na to

Alam ko na

"Jello pumunta ka sa stock room ng hospital kumuha ka ng dalawang damit pang doctor at wheelchair nasa ground floor ang stock room bilisan mo"sabi ko agad naman siyang tumungo at lumabas sa kwarto

Kinuha ko ang mga gamit namin at niligpit saka pumunta sa parking lot nilagay ko sa kotse ni Jello ang mga gamit namin saka bumalik sa kwarto ni Matthew nakita kong nandoon na si Jello

"Isuot mo yang isa"sabi ko at kinuha ko ang isang uniform ng doctor

"Bakit?"tanong nito

"Basta"sabi ko sabay abot sa kanya ng isang mask na kinuha ko kanina sa nurse station

She's my Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon