Hey Girl, you know how to play? I know how to play.
**
“Anong sabi mo?” tanong ni Kyungsoo. “Pumayag ka ?”
“Syempre hindi.. I want to talk to her personally, but she keeps on avoiding me naman.” Paliwanang ni Xiumin.
“Mahirap talaga kapag pamilya ang kalaban mo.” Malamang sabi ni Kyungsoo.
“Don’t worry, we’re going to talk to her.” Sabi ni Cheann.
Maaga silang umuwi.
Kinabukasan pumasok na lang sila para magpasa nang Christmas arts nila.
“Anong grade mo?” tanong ni Kris kay Elai.
“94 lang.” sagot naman ng isa.
“Ahh.” Patangu-tango yung binata. “Oh.” At inabot kay Elai yung Christmas art nyang star na ewan.
Tinitigan lang ni Elai yung star tapos si Kris.
“Ano yan? Aanhin ko naman yan? May star na yung Christmas tree namin sa bahay.” Pambabasag nya dito.
“Bakit? Sabi ko bang ibibigay ko sa’yo? Tingnan mo yung grade ko. 100.” Pagyayabang nito.
“Sus.. tanggalin mo yung 1, kasi 00 lang ang bagay na number sa’yo.”
“Ikaw naman 5 o kaya 6.”
“Bakit?” naiiritang tono nang dalaga, alam nyang hindi maganda ang sasabihin nang binata sa kanya. As always naman.
“Kasi palagi kang busog.. lumalaki na yang tiyan mo.”
“Aw ha! Eh masarap kumain eh.”
“Ows? Tara kain tayo.”
Sabay hila sa kanya nito.
Habang kinakaladkad ni Kris si Elai papuntang canteen, nakasalubong nila si Chanyeol.
“Saan kayo punta?” tanong nito
“Sa Galaxy.” Diretsong sagot nang kaibigan.
“Kayo ha.. hart-hart din kayo.”
At iniwan na siya nang dalawa.
Papuntang dance studio si Chanyeol, tinext kasi sya ni Pau na magkita sila doon. Kaya naman agad syang napasugod sa lugar.
Nang nasa hallway na sya, nakita nya sa kabilang direksyon si Pau na papunta na rin sa dance studio nang school.
At sabay silang pumasok sa loob.
Tahimik lang silang pumasok, umupo agad sa sahig si Chanyeol, habang palakad-lakad naman si Pau sa loob.
Di mapakali ang dalaga at halatang nag-iisip ito nang sasabihin sa kanya.
Kaya tumayo si Chanyeol, hinawakan ang kamay nya at hinila sya palabas nang studio.
“Saan tayo pupunta?” tanong ni Pau.
“Sa lugar kung saan magiging kumportable kang makakapagsalita.”
BINABASA MO ANG
Kapag Sila ang Classmates Mo.... Eotteokke?? [EXO]
FanfictionPaano kung ang EXO ang mga kaklase mo? Paano na nga? ==== My First EXO Fanfic.. so please be good to me.. wahahah XD char !!! My second EXO Fanfic is "The Untitled Love Story of Ally and Panda" .. so if you have time... read :))) Hohohoh... RiririL...