22. Christmas Day

982 40 7
                                    

Just like the Christmas Day

**

It’s Christmas Day.

Merry Christmas!

Nasa kanya-kanyang family reunion ang mga magkakaklase.

Isang linggo na nang Christmas vacation at simula nung bakasyon ay di sila  nakakapag-usap-usap.

May mga umuwi nang province.

May mga nagpunta sa ibang bansa..

At may mga tambay lang naman sa bahay nila.

Pasko na, at alam natin na kapag pasko ang usapan.. it’s the season of giving.. masaya, nakaka-excite yung mga regalo na matatanggap mo..

But it’s a different Christmas for all of them.

May mga masaya naman, at meron namang hindi.

**

BEIJING, CHINA

“Merry Christmas Christina!” bati kay Tina nang mga pinsan nya sabay abot nang mga regalo sa kanya.

Nasa China ngayon si Tina. Kung maaalala ninyo, may dugong Intsik itong si Tina. At ngayong Pasko ay dito nila cinelebrate kasama nang kanyang buong pamilya.

“Xie Xie” sabi nya pagtanggap nang mga regalo. At saka naman niya inabot ang kanya.

Masayang-masaya si Tina ngayong Pasko dahil una, nakabalik sya dito sa China at pangalawa.. dahil sa mga nangyari sa Pilipinas nung mga huling araw ng klase nila.

**

MALL.

Magkasamang kumakain sina Pau at Chell, katatapos lang din kasi nilang mag-shopping.

“Kumusta?” tanong ni Chell sa kasama, ngayon lang kasi ulit sila nagkita.

Ngiti lang ang sagot ni Pau

“Di ko gets yan, sumagot ka.” Sabi ni Chell

“Okay na ako.” Pilit na sagot ni Pau.

“Weh?”

Di sya convinced sa sagot nang kaibigan.

“Oo nga.” Sagot nito sabay kain.

“Sus. Sige nga. Te-text ko sina Sehun at Chanyeol papapuntahin ko dito ah!”

“Ano ka ba. Nasa bakasyon yung mga yon.” Mabilis na sagot ni Pau.

“Bakit alam mong nasa bakasyon yung mga yon?” usisa ni Chell

Sumubo muna nang pagkain si Pau bago sumagot.

Kapag Sila ang Classmates Mo.... Eotteokke?? [EXO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon