15. Let out The Beast

1.1K 44 7
                                    

You know I'm gonna

**

Halloween party ngayon ng XOXO University at syempre invited ang lahat ng estudyante pumunta. Actually, hindi lang ito simpleng “party-party” dahil may konting thrill din na mangyayari at kung anu-ano pang trip ng mga estudaynte na gusto nilang gawin eh, pwede nilang magawa..

At dahil Halloween nga, syempre, may takutan ang number one na trip nila.

At dahil nga pakana ito ng magaling na president ng student council na si Kim Junmyeon, damay na naman ang buo nyang tropa.

“Ayoko na!” sabay tayo ni Sehun na kunut na kunot na ang noo.

“Kaya nga eh, nakakasawa na.” sabi naman ni Luhan.

“Taon-taon na lang tayo yung  nananakot.” Sabi naman ni Chen.

“Isa pa, hindi naman talaga sila natatakot.” Singit din ni Kai.

“Kaya nga, takot sa nananakot.. tapos yayakapin?” reklamo din ni Baekhyun.

“Simpleng chansing din eh,,  karamihan pa naman mga bakla.” Reklamo din ni Kris.

Kanya-kanya na silang dahilan at daldal sa mga pwesto nila.

Tumayo si Suho.

“O sige na! Sige na !” pagpapakalma niya sa mga kasama.

Nasa student council meeting sila..

Nagme-meeting para sa darating nga na party mamayang gabi.

“Eh,. Kung magba-back-out tayo.. sino naman ang papalit sa’tin?” tanong ni Xiumin.

Natahahimik ang lahat.. napa-isip.

“Yung mga girls kaya.” Suggest ni Lay.

Lahat sila napatayo.

“NOOOOO!!!!” kontra nila.

“Wag naman sila.. kawawa naman.” Sabi ni Kyungsoo.

“Ipa-experience natin sa kanila ang horror.” Sabi naman ni Chanyeol.

“Asus, alam ko naman kung bakit ayaw na ninyong manakot at kung ayaw niyong palitan tayo ng girls..” asar ni Tao sa kanila.

“Ano?” tanong nila.

“Sus, kayo pa.. this time, kayo naman ang mananantsing eh.” Sabi nito.

“Sus.. ikaw rin naman.” Asar sa kanya ni Luhan.

“Tss.”

Natahimik sila at pinapakiramdaman lang ang isa’t isa.

“Ako na bahala sa mga papalit sa’tin” pag-a-assure ni Chen.

**

XOXO UNIVERSITY

7:00 PM.

Unti-unti nang nagsisidatingan ang mga estudyante suot ang kani-kanilang Halloween costumes.

Pero ang Girls, mukhang mali ang pinuntahang lugar. Mga naka simpleng dress lang ang mga ito, kaya naman lahat ng tao ay nakamasid sa kanila.

Kapag Sila ang Classmates Mo.... Eotteokke?? [EXO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon