Girl, please come closer
**
Sariling sikap na niligpit nang Girls ang booth nila.
Di na kasi nagpakita sa kanila yung doseng lalake. At di na rin nila ito inatim na hanapin.
“Kasalanan naman nila eh.” Bulong ni Maria.
“Kasalanan mo, nagselos ka eh.” Sabi ni Tina sa kanya.
“Aba! Sinong di magseselos kung parang sila nga kinikilig sa mga babaeng yun eh.” Sabi ni Zele.
“Lahat tayo may mali.” Sabi na lang ni Chell.
“Tapos na!”
Sa wakas, natapos na din sila sa mahigit na isang oras nilang pagliligpit nang kanilang booth.
“Magkano kinita natin?” tanong ni Pau.
“10K.” sabi ni Cheann habang pinapaypay yung pera.
“Hatian din natin sila, baka lalo silang magalit sa atin.” Sabi ni Ecka.
“Mag-outing na lang kayo?” suggest ni Cheann.
“Sige!!!” pagsasang-ayon naman nang lahat.
Nag-ayos na sila ng mga gamit nila.. at nang sarili nila.
“Zele, paayos naman ng kilay ko.” –Ecka
“Ge.”
Kinuha ni Zele yung gamit niya sa bag niya.. Nang kalkalin niya ito, may nakita siyang papel ..
“Sino naglagay ng basura sa bag ko?” reklamo niya.
Kinuha niya yung papel at nang mapansin na may sulat ito, binuksan niya ito.. at binasa.
Kita tayo sa bookstore mamayang 6 pm.
“Ano yan?” inagaw ni Belle yung hawak niyang papel at binasa ito nang malakas kaya narinig naman nang iba.
“Oy.. sino yan?” tanong nila.
“Bookstore? Malamang si Suho yan.” Concluse ni Tina.
“Bookstore, Suho agad? Mahilig kayang magbasa ng libro si Kris.” Eksena ni Elai.
“Bakit? Gugustuhin mo bang si Kris yan?” tanong ni Chell.
“Baka nagkamali lang nang nilagyan.. ewan.” Reklamo nang isa.
“Yeeih, magde-date sila ni Suho.” Kantyaw ni Pau.
“Bakit naman kasing walang pangalan?” inis na tono ni Zele.
Pero sa loob-loob niya, kinikilig siya at pinapanalangin na sana ay si Suho nga ito. At malakas ang kanyang pakiramdam na si Suho nga iyon. Ako rin malakas din pakiramdam ko..
“Sige na! Kilayan mo na ako!”
**
“Bye girls!” at kanya-kanya na silang uwi. Pero bago yun, nagyaya muna silang kumain… kaya kumain sila, tapos pagtapos nilang kumain.. yun, uwian na..
BINABASA MO ANG
Kapag Sila ang Classmates Mo.... Eotteokke?? [EXO]
Hayran KurguPaano kung ang EXO ang mga kaklase mo? Paano na nga? ==== My First EXO Fanfic.. so please be good to me.. wahahah XD char !!! My second EXO Fanfic is "The Untitled Love Story of Ally and Panda" .. so if you have time... read :))) Hohohoh... RiririL...