16. 365

1.2K 44 11
                                    

Woah Oh Oh Oh Oh

Woah Oh Oh Oh~

**

“Xiumin, natatakot ako.” Nanginginig na sabi ni Maria.

“Pag niyakap mo ‘ko, bati na tayo.” Kondisyon ni Xiumin sa kanya.

“Eh. Ikaw lang naman itong nang-aaway sa’kin eh.” Tampo ni Maria sa kanya.

“Di naman kita inaaway ha.” Depensa ni Xiumin.

“Eh bakit hindi mo ako pinapansin nung nakaraan?” kwestyon ni Maria

“Sorry na.. malalim kasi iniisip ko nun. Tapos, nagtatalo pa sila. Tapos—“

Natigilan si Xiumin sa pagsasalita dahil bigla siyang niyakap ni Maria.

“Okay lang yun.. bati na tayo ha!” paglalambing ng babae sa kanya.

Mabilis na natapos sa Haunted Walk sina Maria at Xiumin..

Si Xiumin kasi hindi naman matatakutin.. si Maria naman, matapang basta may kasama.

**

“Kapag may nanggulat.. tumakbo tayo ng mabilis ha!” utos ni Ecka kay Kyungsoo.

“Opo. Basta kakapit ka lang sa’kin ha. Wag kang mawawala.” Utos naman ni Kyungsoo sa kanya.

At nagpatuloy na sila sa paglalakad..

“Kyung.” Huminto si Ecka sa paglalakad.

“Oh?” napatigil din ang isa.

“Itatanong ko lang yung kahap---“

“AAAAHHHHH!” napasigaw sila sa gulat nang may nanakot sa kanila.. tapos sabay silang tumakbo.

Nang makalayu-layo na sila..

Naglakad ulit sila..

“Ano nga ulit yung tinatanong mo?” tanong ni Kyungsoo.

“Teka lang… hinihingal pa ako.” Sabi ni Ecka habang hinihingal pa. “Yung kahapon.. yung hinalikan mo---“

“AAAAAHHHHH!” may nanggulat na naman sa kanila kaya kumaripas na naman sila ng pagtakbo..

“Ecka, ano nga ulit yung tinatanong mo?”

“Wag na.. ewan ko sa’yo.. mamaya na kapag nakalabas na tayo dito.”

**

“Tina, wag mo ‘kong iiwan ha.” Nanginginig na sabi ni Luhan habang kapit na kapit sa kanya.

“Eh diba Luhan, nung mga nakaraang taon,.. kayo yung nananakot? Eh bakit takot na takot ka pa rin?”

“Eh syempre.. iba naman yung feeling sa nananakot ka sa ikaw yung tinatakot.” Paliwanag ni Luhan.

Tumango na lang si Tina..

Habang naglalakad sila, may biglang humabol sa kanila.

Kapag Sila ang Classmates Mo.... Eotteokke?? [EXO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon