Ano ba kasi problema nito.Kanina sabi niya layuan ko siya ngayon susunod sunod. Gulo ng taong to! teka siya ba si flash? ang bilis niya naman. O' di kaya dahilan eto ng pag eemote ko habang naglalakad..Imbis na tanongin siya, sinubukan ko nalang ito lagpasan ngunit hinawakan niya ang braso ko dahilan upang mapahinto ako sa paglakad.
"Sorry sa nasabi ko kanina,sinubukan lang kitang protektahan. Nandoon sila kanina nakaabang at nakatago may binabalak sila sayo. Kaya ko lang nasabi yon...... P-para lang sa kapakanan ng image ko dito". talaga? sino ang mag aakala na isang sikat at hinahangaan ng lahat sa eskwelahan na ito......ay sinubukan akong protektahan. Nakakapanibago lang.
"G-ganon ba? S-salamat kung ganon. Ma una na ako". itinabig ko ang kamay niya tsaka nilisan na siya.
Jungkook's POV.
Ganon nalang yun, matapos kong sagipin siya ,iiwan lang niya ako. Hayyy......nakakaawa naman ang babaeng yun. Pero trabaho ko na simula ngayon ang protektahan siya mula sa mga bullies niya. Mahirap din yun ahh..kaya pati Girlfriend kong si Krys, pinaki usapan ko siya na tulungan akong pigilan ang mga kaibigan niyang bullies. Ayaw ko munang sabihin ang dahilan kahit kinukulit niya na ako. Maawa kayo,di kayo kaya niyan. simpleng sagot ko. Naintindihan niya naman.
Tiffany's POV.
Nagtungo ako sa library at nagbasa na lamang ng libro, buti pa ang libro,kaibigan ko. Pero siguro kung buhay ito at may isip,siguradong lalayuan din nila ako. Pero hanggang ngayon binabagabag ako ng mga salitang lumabas sa bibig ni jungkook. " PINOPROTEKTAHAN". Bakit? Anong dahilan?Para saan? Ganon na ba ako nakakaawa?
Binabasa ko ang libro na pamagat ay "The lightning thief". Galing pa yun kay lola na last year lang pumanaw,isa pa yun sa pinaka close ko.Regalo niya nung 18th birthday ko ngayon ko lang naisipang basahin .Nang may nagsalita.
"Di ko akalain na isang tulad mo ay nagbabasa rin ng mga ganito?" sabi ni Mitch sabay higot nito mula sa kamay ko.
"P-pwede niyo na bang ibalik y-yan kasi binabasa ko pa. tinignan niya ako ng masama, saka agad kong binawi Pero kung di niyo gustong ibalik, a-ayos lang. Gusto ko lang umiwas sa gulo. Aaktong paalis na ako ng harangan ako ng grupo niya.
"Gusto mong mabawi? Then be my slave for the whole year". A-anong isasagot ko? Oo na lang kaya? importante din to alaala nalang ito ng lola ko saakin.
"P-payag n-na ako,pero pagkatapos ng year na to ibibigay mo yan ,s-sana di mo na ako bubulihin". pakiusap ko.
"Wow,demanding mo ahh. Pero call ako dyan". nginitian ko lamang siya..
nagsimula na silang umalis at ako naiwang nabato doon. Talaga bang pumayag ako? Syett pano kung ano ano ang iutos nila magawa ko kaya? Aytss bahala na. Nagtungo na ako sa cafeteria para kumain. Ayaw ko naman talaga na pumunta sa maraming tao dahil alam ko kantyaw at panunukso lang ang madadali ko. Nakapila ako sa dulo ng may dumating na apat na kalalakihan,tinulak ako nung isa dahilan para mawala ako sa linya. "Hoy,mga salot di bagay dito..Dapat di ka na nga kumakain eh". saka sila nagtawanan. Iniisip ko naman ang dahilan kung bakit kailangan pa nilang gawin to saakin,bakit?apektado ba sila sa pagka rape ng mommy ko? Di ko nalang sila pinatulan.Para saan pa nga ba? isa laban sa lahat? Oh come on. Oo pati ibang teacher nakiki salot din, pinandidirian ako. Pero sa awa ng dyos may ilan ilan pa naman nagtatagol sakin. May nag example nga sascience class ko "Sa panahon ngayon mag ingat kayo..Maraming rapist at kayo rin pag nagbunga yan magiging kamukha ng buhay ni tiffany ang anak niyo". Saklap lang ng buhay ko.