Warning: Ano mang pagkakahalintulad sa mga pangalan ng totoong tao o lugar ay hindi sinasadya at ginamit lamang ng may akda upang gawing basehan ang isang pangyayari. Pawang kathang-isip lamang ang lahat at kailanman ay hindi gagamitin ng may akda upang maganap ang mga ito sa totoong buhay kung may susubok man.
___________________________
Napapalibutan ng mga pulis, miyembro ng SWAT at media ang isang mansyon sa isang kilalang executive village sa Quezon City nang gabing iyon. May mga dilaw na linya na nakapaikot sa bakuran ng mansyon. Tanging ang mga pulis at mga imbestigador lamang ang nakakapasok sa loob ng linyang iyon. Nang dumating ang forensic experts ay agad silang pumasok sa isang magarang kwarto na tila isang opisina rin. Suot nila ang puting overall na damit, naka-face mask at nakaputing gloves. Ang kwarto ay nagliliwanag dahil sa mga dyamanteng chandelier, ang mga mwebles ay nakukulayan ng ginto at ang mga kurtina ay puti. Kulay abo ang karpet at marmol naman ang mesa na nasa gitna ngunit sa upuan sa likod noon ay makikita ang isang walang malay na bangkay ng lalaki, nakalapat ang kanyang ulo sa mesang tila naging lawa na dahil sa dugo. Sa likod ng kanyang ulo nagmumula ang umaagos na dugo. Isang tama ng baril ang kumitil sa kanyang buhay. Makikita naman ang basag na salamin ng bintana sa kanyang likuran dahil sa pagtagos ng bala mula dito.
"Confirmed sir, bala ng sniper ang tumapos sa buhay nya," sambit ng isang pulis na nakauniporme. Kausap nya ang isang imbestigador na may kabataan ang edad, nakasuot ng bulletproof vest at sinisipat pa ang pinangyarihan ng krimen.
"Walang kahit anong trace?" tanong ng imbestigador.
"Wala po sir. Nagcheck na rin kami ng mga kuha ng CCTV sa paligid pero...wala talaga."
Muling tumingin ang imbestigador sa butas ng basag na salamin ng bintana. Sinilip nya pa ang anggulo nito at sinakto sa ulo ng biktima kung siya ay nakaupo lamang.
"Masyado nang malayo ang building na 'yon 'di ba?" tanong niya sa isa pang pulis habang tinuturo ang kinaroroonan ng isang mataas na gusali sa malayo.
"Condominium ng Arano, halos tatlong kilometro na rin ang layo mula dito sir," sagot naman ng pulis.
"Malayo na nga. Ang longest sniper kill ay nasa dalawang kilometro lang. Imposible naman yata 'to. Pwera na lang kung..." wika ng imbestigador.
"Sir, ito na po ang records niya." Isang babae ang lumapit dala ang isang white folder. Agad nya iyong inabot sa imbestigador. Binuksan niya ang white folder at doon nakadikit ang litrato ng biktima.
"Ernesto Dela Tore, 32, businessman. Owner, casinos and resorts...hmm," bulong ng imbestigador habang binabasa ang kanyang hawak.
"Hindi nga puwede 'tong ginagawa niyo! This is a private property. Hindi niyo ito puwedeng gawin sa kliyente ko!"
Isang may katabaan at may edad na lalaki na nakasuot ng itim na coat ang pilit na pumapasok sa kwartong iyon. Sa kanyang tindig ay makikita ang kanyang pagka-propesyonal. Pilit siyang hinaharang ng mga pulis at ng ilang forensic expert.
"Pasensya na po sir. On going ang investigation. Ano po bang maipaglilingkod namin?" wika ng imbestigador matapos senyasan ang mga pulis na siya ay bitawan.
BINABASA MO ANG
The Heist
ActionNagbalik si Rush matapos ang tatlong taong pagkakawala nang mabalitaan ang pagkamatay ng kanyang nakatatandang kapatid na si Ernesto Dela Tore, ang may-ari ng ilang mga casino at resort sa Maynila at Pasay. Alam niyang hindi malinis ang pagkamatay n...