Chapter 9: Plan B!

215 13 10
                                    


"8 AM sharp. Ang lahat ay kailangang nasa pwesto na. Wala akong paki kung mapaaga tayo. Mas maaga, mas maigi. Makakapaghanda tayo sa kung ano ang mga puwedeng mangyari. Ida-drop si Aira sa kampo sa Pampanga upang pick-upin ang isa sa mga van ng SWAT. Disguised, ready to go...ready sa kung ano ang dapat na mangyari," wika ni Rush. Tila bumabalik ang lahat ng mga sinabi ng binata noong nasa gitna sila ng mesa sa loob ng safe house. Ginamit naman ni Rush ang isang piyon ng board game na Monopoly na hugis kotse upang ituro kung saan dapat naroon si Aira. Sinulatan naman ni Rush ang mapang iyon gamit ang pentel pen: Aira - SWAT - 7:30 AM.


Iyon nga ang ginawa ni Aira. Nakasuot na siya noon ng isang uniporme ng SWAT, nakatanggal ang helmet at maskara sa bibig. Tinap ang ID sa computer at doon lumabas ang kanyang pekeng pagkakakilanlan.


"Anna Riego? PNP, SWAT...galing pa sa Maynila?" tanong ng nagbabantay.


"Yes sir...pasensya na po. Nauna na kasi ang team namin. Medyo nahuli lang ako ng dating," wika ni Aira.


"Sa totoo lang kadarating lang din nila," wika ng nagbabantay bago isauli sa kanya ang ID. Napatingin naman si Aira sa lugar kung saan nakatingin ang kausap. Naroon ang ilang mga pulis at SWAT na nakapila. Isang lalaki naman na nakasuot ng mahabang trench coat ang agad niyang napansin. Pamilyar ang mukhang iyon ngunit hindi niya na inisip kung sino siya. Dali-dali siyang nagtungo sa loob at sinimulan na ang kanyang trabaho.


"Inspector Ronald Karingal?" tanong ng isang lalaki na may matipunong pangangatawan. Maganda ang kanyang uniporme at sa pagkalapit pa lamang niya sa lalaking nakasuot ng mahabang trench coat ay agad na silang sumaludo.


"General Alarcon, Sir!" sambit ng inspektor nang siya ay sumaludo rin. Sinenyasan naman siya ng heneral na puwede na nilang ibaba ang kanilang mga kamay.


"I trust you on this. This assignment is close to critical na kinailangan pa naming tumawag sa PNP at CIDG. Hindi ito kailangang malaman ng media at ng mga tao. Kahit na mahigpit ang seguridad, hindi tayo puwedeng mag-ingay tungkol dito," wika ng heneral.


"Naiintindihan ko po sir. Hindi puwedeng gumawa ng ingay ang dyamanteng iyon dito sa Pilipinas bago pa ang exhibit," sagot ng inspektor.


"Any plans?" tanong ng heneral.


"Ang dyamante ay dadalhin pansamantala sa Camp Crame upang mabantayan bago ang exhibit. Isang araw lang naman ang itatagal noon dahil kinabukasan ay ang mismong exhibit na. Ibababa ang dyamante, dadalhin sa convoy, ibabyahe papunta sa Crame. Mayroon tayong diversions na magagamit para siguraduhing ligtas at maayos na maihahatid ang dyamante," seryosong sagot ng inspektor. Napangiti naman ang heneral.


"Maigi nang sigurado tayo," sambit ng heneral. Tinapik niya ang balikat ni Inspektor Ronald Karingal bago maglakad palayo.


__________________________________


"Ang lahat ng magpapanggap na empleyado ng Clark ay kailangang mauna na sa point upang isurvey ang mga pangyayari. Miss Amanda? Isa ka sa mga magpapanggap na turista at mag-aabang sa pagdating ng target kung sakali man na makihalubilo sila sa mga tao," wika ni Rush. Inilagay ni Rush ang piyon na hugis pusa. Inilagay niya iyon mismo sa departure area ng airport at nagsulat din sa mapa: Amanda - Departure - Surveillance - Diversion - 8 AM.

The HeistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon