Chapter 3: Royal Flush

227 24 6
                                    



Isang babaeng may maikling buhok na humahaba lamang hanggang sa kanyang leeg, payat ngunit may magandang hubog na pangangatawan, fit na damit ngunit lalaki kung kumilos ang bumaba mula sa isang magarang kotse. Isang itim na Nissan GTR ang kotseng nakaparada sa tabi lamang ng isang lugawan sa Maynila. Pinagkakaguluhan pa ang kotseng iyon ng mga napapadaan. Ang iba ay nagpo-posing habang kumukuha ng selfie. Tinaas na lamang ng babaeng iyon ang remote ng kotse, pumindot ng boton at agad na tumunog ang alarm. Kapansin-pansin din ang pagpalit ng plaka ng sasakyan sa pamamagitan ng pag-rotate nito.


"Haha...bago yata ah?" bati ng matandang nagtitinda sa lugawan.


"Mang Ace, hindi naman. Tagal na 'yan, bagong gawa lang," sagot ng babae na tila may pagkamatigas.


"Walang kupas talaga haha, ano dating gawi ba, Aira? Goto?"


"Yes manong...padagdag na rin ng tokwa't baboy," sagot ng babae.


"No problem! Wait a minute, kapeng mainit!" wika ng matandang nagtitinda sa pabirong paraan.


Dahan-dahan namang tinanggal ng babae ang itim na pares ng gwantes sa kanyang mga kamay. Inilagay niya ang mga gwantes na iyon sa bulsa ng kanyang maikling jacket kung saan kita pa ang ibabang bahagi ng kanyang likod.


"Eto na!" wika ni Mang Ace habang inaabot sa tray ang goto at tokwa't baboy na inorder.


Napansin naman ng babae ang isang sobre na tila naseselyohan pa ng ginto. Napakunot naman ng noo ang babae.


"Teka, Mang Ace. Ano 'to?" tanong niya.


"Pinapabigay sa'yo eh. Hindi ko kilala, kako baka raket ulit eh...sayang naman," sagot ng matanda.


Itinalikod ng babae ang sulat na iyon at nakita ang wax ng kandila bilang selyo nito kung saan nakatatak ang isang sygil o simbolo ng isang rosas. Binuksan niya ang sulat at nakita ang iilang impormasyon na nakaimprenta pa sa maayos na paraan.


"July 12, 6:00 pm...314, De Louvre Tower," bulong ng babae nang basahin ang sulat. Lumabas pa ang key card ng isang unit ng hotel sa sobre.


"Mang Ace nasaan ang nagbigay sa'yo nito?" tanong bigla ng babae.


"Nasa likod, eh kani-kanina na'ndyan...tingnan mo baka..."


Hindi na pinatapos pa ng babae ang sasabihin ng matanda. Agad siyang tumakbo patungo sa likod ngunit wala na ang taong kanyang tinutukoy. Ang tanging naabutan niya lamang ay ang papaalis na pulang kotse mula sa likod na bakuran. Saglit pa itong tumigil bago tuluyang humarurot sa pagtakbo. Kunot noo namang tiningnan ng babae ang sulat bago muling sinulyapan ang humaharurot na kotse.

___________________________


Namimili ng singsing ang isang may edad nang ginang sa isang jewelry store sa loob ng isang mall, hindi gaanong katandaan at makikita pa rin ang natural at tunay na ganda dahil sa hubog ng katawan, laki ng dibdib at kinis ng kanyang balat at mukha. Agad siyang nilapitan ng mga naga-assist, lalo pa silang naglapitan nang mapansing sikat ang ginang. Postura pa siyang naglalakad habang nakatingin sa mga estante ng mga dyamante sa kanyang harapan. Halata ring mamahalin ang kanyang bag na dala maging ang kanyang kasuotan.

The HeistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon