"Sabihin niyo...may kailangan ba akong malaman?" tanong ni Rush. Nagtaka naman ang iba pa, napatingin sila kina Leivah at Miss Amanda.
"'Yang bruhang 'yan ang sumira ng mga business ko eh. Yes! I will admit! Ilegal ang ilan sa mga 'yon pero ang taniman niya ng kung ano-anong droga ang mga opisina ng kompanya ko at akusahan ako as drug dealer, maling-mali. Nadawit ang pangalan ko sa mga issue, nagsara ang mga business ko dahil sa kanya," paliwanag ni Miss Amanda.
"Any additional?" tanong ni Rush. Umiling na lamang si Miss Amanda at inis na idinutdot ang hinihithit na yosi sa ash tray.
"Puwede bang itigil mo 'yang paghithit buga mo? May bata tayong kasama. Bulag ka ba?!" sabat naman ni Harry.
"Who cares?!" sambit naman ni Miss Amanda bago ilabas ang isang breath freshener na ini-spray niya din sa paligid upang mamatay ang amoy ng yosi.
"And you...Miss Leivah? May kailangan ba kaming malaman?" tanong muli ni Rush.
"Sa pagkakaalam ko ay hindi pa ako umo-oo sa offer mo. Hindi ko pa alam kung ano ang magiging trabaho ko dito at hangga't hindi ako nagsasabi na pasok ako sa grupo, wala akong kailangang sabihin," matigas niyang sagot. Napatingin naman sa kanya si Aira at tila napahanga sa kanyang ugali.
"Hmm...sige sabi mo eh. Ipagpapatuloy ko," wika ni Rush.
Muli siyang pumindot sa remote at lumabas ang napakaraming profile ng iba't-ibang tao at ang kanilang mga litrato. Napakabilis lumabas ng mga impormasyon na iyon na animo'y ibinabato lamang sa screen. Maya-maya pa ay automatic itong naayos sa pamamagitan ng paneling.
Nanlaki naman ang mga mata ni Harry at Aira. Tila naging matulis naman ang tingin ni Bishop sa TV screen na iyon.
"P-paanong..." sambit ni Harry. Hindi niya itinuloy ang kanyang sinabi.
"Imposible 'to..." bulong naman ni Aira.
"Alam kong may mga nakikilala kayong mga tao dyan," wika ni Rush habang nakangiti. Natahimik naman ang lahat na patuloy pa ring nakatingin sa screen.
"Will someone break the ice?"
"Martin Socover..." sambit ni Harry. Napatayo siya habang nakaturo sa screen. Agad namang pinalaki ni Rush ang imahe upang makita nilang lahat.
"Tell me," wika ni Rush.
"Siya ang isa sa may-ari ng Resorts World Manila bago ako makulong. Malaki ang atraso sa akin ng taong 'yan. Dahil sa kanya kaya nasira ang buhay ko! Kaya't wala na akong mabalikang pamilya ngayon!" matigas niyang sambit.
"Okay....good. Martin Socover, one of the share holders of the company. In-assign ng kapatid ko ang taong iyan para pangalagaan ang Resorts World Manila, para itago ang identity ng kapatid ko. Pero dahil sa ganid, siya ang naglabas ng identity ng kuya ko at ibinigay sa Philippine Amusement and Gambling Corporation o PAGCOR. Sinilip ang mga assets and liabilities, ginawan ng issue mula sa itaas. Nagkaroon ng mga hearing, natalo...turns out that Mr. Martin Socover was one of the culprit...and he is one on our list. Ang malala pa doon, he is now the Chairman of PAGCOR," paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
The Heist
ActionNagbalik si Rush matapos ang tatlong taong pagkakawala nang mabalitaan ang pagkamatay ng kanyang nakatatandang kapatid na si Ernesto Dela Tore, ang may-ari ng ilang mga casino at resort sa Maynila at Pasay. Alam niyang hindi malinis ang pagkamatay n...