Chapter 11: The High Roller - Part 2

238 20 8
                                    

Sa isang malaking pabilog na mesa ay nagtipon-tipon ang mga kalalakihan at ilang kababaihan. Madilim ang kwartong iyon at naiilawan lamang ang mesa kung saan sila nagpupulong. Sarado ang mga bintana gawa ng mga kurtinang kulay maroon. Pawang mga nakabihis ng pormal ang mga ito. Ang mga kalalakihan ay nakasuot ng corporate attire na coat at tie. Ang mga babae naman ay naka coat din at blouse. Seryoso ang guhit sa kanilang mukha habang nag-uusap. Makikita naman sa kanilang paligid ang ilan ding mga lalaki at babaeng bodyguard na pawang nakasuot ang earphone sa kanilang mga tenga.


"It was our duty right? To protect our circle...kaya nga tayo na'ndito ngayon. We practice this every now and then. Dito tayo nanggaling, dito tayo tumayo at umunlad..." wika ng isang lalaki na halata na ang edad dahil sa kaunting kulubot na balat, may kapayatang katawan ngunit matikas pa rin ang tindig at nagkukulay abong buhok. Siya ang nagsilbing pinuno ng grupong iyon. Isang mafia kung matatawag sa isang corporate na mundo. And dating senador na si Franco Fernandez. Ang tumatayong owner at CEO ng Okada Manila.


"Alam ko rin naman kung bakit kami na'ndito. Binuksan ulit ng CIDG ang kaso kay Ernesto. Hindi maganda 'to sa negosyo natin," paliwanag naman ng isang lalaking may kalakihan ang katawan at nakasuot ng salamin. May peklat na pahaba ang kanyag kaliwang labi pababa na animo'y hiniwa ito ng kutsilyo. Siya si Bill Reynante, isang mayamang negosyante na nagmamay-ari ng ilang mga bar sa Makati at Quezon City at isang share holder sa Solaire Resort & Casino.


"This is very alarming. Ginawa naman natin ang lahat 'di ba? Bakit hindi pa rin nananahimik ang kasong 'yan?" bulyaw naman ng isang lalaki na may kaputian ang kutis, payat ngunit matangkad, napatitig siya sa mga mata ng dating senador habang nagtatanong. Siya si Martin Socover. Isa sa mga share holder ng Resorts World Manila at ang tumatayong chairman ng PAGCOR. Nakaupo sa kanyang tabi ang kanyang asawa at tila nag-aalala rin.


"All of this scandal. All of this problem...mawalang galang na po senator pero, hindi mabubuksan ito dahil rin naman sa kapabayaan nyo! Dahil sa nawawalang budget sa Department of Foreign Affairs! Paano na kapag nalaman ng publiko ang organisasyon natin? Edi lahat tayo iisa-isahin ng mga pulis!" sagot naman ng isa pang lalaki na may kaliitan ang pangangatawan habang nanlilisik ang mata at nakatingin sa dating senador. Siya si Rene Gutierez, ang tumatayong may-ari ng Resorts World Manila.


Tahimik lang ang dating senador habang nakatingin sa kanya. Nakalapat lamang ang dalawa niyang bisig sa kanyang bibig habang nakikinig sa kanilang sentimyento.


"Mga pulis? Nakalimutan mo na yatang narito pa rin ako. Mr. Gutierez," sambit naman ng isang ginang matapos ang ilang diskusyunan. Siya si Director Linda Arano ng PDEA operations and plans service. Ang nagmamay-ari ng Arano Residences, tatlong kilometro ang layo mula sa Casa dela Tore kung saan natagpuang patay si Ernesto dela Tore dahil sa tama ng bala ng sniper.


"Mawalang galang na rin Mrs. Arano. Pero nasa PDEA po kayo. Ang kasalukuyang may hawak ng kaso ni Ernesto ay nasa CIDG. Ang mismong attorney na rin naman ni Ernesto ang nagsabing ipasara na ang kasong 'yon. Biglaan pero mas okay na rin siguro para sa ikatatahimik atin," sambit naman ng isang lalaki na may makisig na katawan at may mahabang buhok na naka-pony tail. Siya si Sammy Finch. Isang club owner, drug dealer at may malaking network sa buong bansa dahil sa droga.


"He's right. Ang may hawak ng kaso ngayon ni Ernesto ay ang CIDG. It was closed a month ago, then ito na naman. And a certain Senior Investigator named as Ronald Karingal ang nagbukas nito. Hindi ko alam kung anong gustong patunayan ng batang 'yon. Kung nagyayabang lang ba siya, para magkaroon siya ng mas mataas na ranggo o dahil na rin sa eskandalong nangyari sa DFA," wika ng dating senador na si Franco Fernandez.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The HeistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon