Chapter 1: Analyzing

1.3K 40 8
                                    



"Huy...gising na," wika niya habang nakangiti. Isang babaeng mahaba ang kulay itim na buhok. Ang kanyang buhok ay humahaba hanggang sa kanyang bewang, mayroon syang maamong mukha na tila isang anghel. May mapupula at manipis na labi na patuloy na gumigising sa kanyang mahimbing na pagkakatulog.


"Gising na. Handa na ang kape mo," sambit nyang muli. Ngumiti naman ang isang lalaki na nakahiga sa kama, yumakap sa kanya at tila hinihila siya sa pagkakahiga.


"Sandali, haha...bumangon ka na kasi dyan," panghihikayat muli ng babae.


"Sandali lang...5 minutes."


Sa kanyang pagkakasagot ay tila naging maalon ang lahat, ang boses ng babae, ang paligid at ang mismong kanyang ulirat. Iminulat niya ang kanyang mga mata at nakita ang liwanag mula sa kanyang bintana. Naririnig naman niya ang pag-alarm ng kanyang relo sa mesa. Tila isang wind chime ang alarm na iyon, malumanay ang tunog ngunit nakakagising. Bumangon siya, ginising ang sarili mula sa isang panaginip. Itinakip ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha at inalala nang mataimtim ang matamis na ngiti ng babaeng iyon sa kanyang panaginip. Saglit na napaluha nang tahimik ngunit agad din itong pinahid gamit ang kanyang mga kamay. Inunat nya na lamang ang kanyang mga paa kung saan mapapansin ang mahabang pilat mula sa kanyang hita patungo sa kanyang talampakan.


Magulo ang ayos ng kanyang kwarto, kung ano-anong bagay ang nakapatong sa kanyang pulang carpet. Mayroon pang isang kahon ng pizza ang nakabukas at naglalaman na lamang ng dalawang hiwa. May bote ng beer sa ibaba ng kanyang ulunan at mga damit na pinaghubaran sa tabi nito.


Kung mapapansin din ang kanyang ayos ay tila napag-iwanan na ng pag-aalaga ang kanyang sarili. Matamlay at tila mapusyaw ang kulay ng kanyang balat. Marumi tingnan ang kanyang mukha dahil sa humahaba nang bigote at balbas. Patuloy naman syang nagmukmok ng ilang segundo, tila ginigising pa rin ang kanyang sarili mula sa isang malungkot na panaginip bago tuluyang patayin ang alarm gamit lamang ang pagkumpas ng kanyang kamay sa hangin. Matapos namang mamatay ang tunog ng alarm ay saka naman niya narinig ang boses ng isang babae mula sa kanyang computer system.


"Good morning Eric. Time check, it's 8:30 in the morning. Today is March 15, 2092. Temperature outside is dropping up to 24 Degrees Celsius. Do you want me to read your emails today?" tanong ng computer.


Ilang segundo ring hindi sumagot si Eric mula sa tanong ng system. Tumayo muna siya upang tingnan ang labas ng kanyang bintana.Umaambon nang bahagya ngunit umaaraw pa rin. Makikita ang aliwalas ng paligid ngunit makapal na usok naman sa malayong banda.


"Carry on..." matamlay nyang sagot. Malalim ang kanyang boses at tila magaspang. Halata sa tinig na iyon ang pangungulila.


"Great! Email from Senior Secretary Edwin McCoy, you have a meeting with Mister McCoy at around 10 am. Email from the Reinheart Robotics and Prototypes, the tech committee is ready for your proposal. Email from Robert Gomez, hang out this night? A photo in a message was included. Would you like me to show it on your screen?" pagpapatuloy ng computer generated audio. Kasalukuyan namang naghihilamos noon sa banyo si Eric katapat ang isang sink at salamin.


"Yes," sagot nya habang nakaharap sa salamin.


D.I.A.N.A. (Database Intelligence Artificial Network Ally)Where stories live. Discover now