Chapter 3: The Creation

269 23 4
                                    

"H-hello...testing..." wika ni Eric sa harap ng kanyang laptop.


Kinukuhanan niya ng video ang kanyang ginagawa habang sa likuran naman niya ay nakalutang ang ilang mga hologram screen kung saan makikita ang isang modelo ng artipisyal na katawan na umiikot at isang artipisyal na utak.


"Uhmm...I'm recording this for documentary purposes. Ngayon ko sisimulan i-program ang artificial intelligence ni Diana. We are on phase one...para sa AI, ahmm..." napatigil siya at nagkamot ng ulo bago mapatingin sa kawalan. Matapos ang ilang segundo ay hinaplos niya ang kanyang balbas at napangiti.


"Nakalimutan kong mag-shave, obviously pero...still. Gawin na natin 'to. Sana maging maayos ang takbo ng program niya," wika niya habang nakatingin sa camera at nakangiti. Tumalikod siya at nagsimulang pumindot sa hologram computer sa kanyang likuran.


"Accessing the database for Diana is easy, kailangan lang natin ng stable connection sa cloud syempre. And some innovations from the old tech at files," wika niya.


Binilisan niya ang pagta-type sa kanyang keyboard. Iba't-ibang programa ang lumalabas doon. Maya-maya ay iinom siya ng kape at magta-type muli. Hahagod sa kanyang batok at pagkatapos ay tatayo upang iunat ang kanyang katawan.


"Ang middle stage natin medyo...alanganin. I need a voice for Diana. I need...a personality...for her development na hindi puwedeng makaapekto sa sarili niyang AI. Uhmm..." wika niya. Nakasandal na siya noon sa upuan at tila nag-iisip habang kinukurot ang gitna ng kanyang mga mata.


"Eric..." isang boses ang kanyang narinig sa kanyang isipan. Napadilat siya at napatingin sa kawalan. Tila may naglalaro sa kanyang isipan. Muli siyang dinadalaw ng bangungot ng kanyang nakaraan.


"Eric, magiging maayos din ang lahat," bulong ng babaeng iyon sa kanyang isipan.


"Kristina..." bulong niya. Agad siyang umayos ng upo at muling humarap sa kanyang hologram computer.


"Access Kristina files from cloud," sambit niya.


"Accessing Kristina files..." sagot naman ng lalaking boses ng computer.


"Access granted. File holder, Engineer Eric Frost. Videos collected - 3,041; voicemail collected - 5,103; voice recognition recorded, 8,005," wika ng computer.


Ang lahat ng files na iyon ay inilapat sa kanyang harapan. Nago-auto play naman ang mga videos sa mga maliliit na thumbnail ng kanyang computer. Ang iba ay mga kuha ng CCTV, ang iba naman ay sa kanyang social media account. Pinindot niya pa ang isang video gamit ang kanyang hintuturo nang makita nya ang kanyang sarili sa video na iyon. Silang dalawa ay naglalakad at naglalambingan habang hawak ng kanyang asawa ang isang bungkos ng bulaklak at nag-aabang ng masasakyan. Isang kulay puting kotse naman anng pumara sa kanilang harapan. Binuksan niya ang pinto upang pasakayin ang asawa. Nang makasakay sila ay saka naman tumigil ang video. Muli siyang pumindot ng isa pang thumbnail. Ang kuha naman na makikita ay mula sa dash cam ng kanilang sinasakyan. Patuloy ang lambingan ng dalawa, sa pagkakataong iyon naman ay napakurot muli ng noo si Eric habang pinapanood ang video. Tila hindi niya gustong makita ang mga susunod na eksena.

D.I.A.N.A. (Database Intelligence Artificial Network Ally)Where stories live. Discover now