"Diana? Diana? Can you hear me?" tanong ni Eric.
Hindi pa rin mapatigil si Diana sa pagkamangha sa tinataglay na katawan. Hindi man perpekto dahil bawat detalye ng kanyang katawan ay nagkakaroon ng guhit o hati gawa ng mga rubber sheets at synthetic na balat ay hinahaplos niya pa rin ito. Maging ang kanyang mukha ay hinaplos niya rin.
"Diana? Please respond," wika ni Eric.
Saka lamang ibinigay ni Diana ang kanyang atensyon sa kwartong tila makapal na salamin ang pagitan.
"Y-yes," sago niya.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Eric. Pumaligid naman sa prototype ang ilang mga mechanical arm na tila scanner.
"A-ayos lang. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Dapat bang may maramdaman ako sa bawat haplos?" tanong ni Diana. Napangiti naman si Eric at ang iba pa.
"All systems stable," wika ni Abby.
"Initializing touch sensitivity," sambit naman ni Leonard.
"Set touch sensitivity to 67%," sagot naman ni Eric.
"Copy that, Sir," sagot ni Leonard. Muli siyang pumindot sa computer at pinalitan ang mga datos.
Hinahawakan pa rin ni Diana ang kanyang balat at tila mas lalo niyang naramdaman ang bawat haplos dito. Napangiti siya at hinaplos ang kanyang bewang.
"Setting neural control of balance to 30%," wika naman ni Alvin.
"Sige Diana. Subukan mong maglakad," utos ni Eric.
Ang lahat ay naghihintay ng gagawin ni Diana. Sabik-na sabik ang iba, ang iba naman ay nanlalaki ang mga mata at namamangha sa bawat detalye niya.
"Para siyang totoong tao," sambit ng isa habang nakatitig sa kanya.
Nakakabit pa rin ang isang kable sa batok ni Diana, iyon ang nagbibigay ng mga panibagong datos sa kanya. Sinubukan niyang maglakad ngunit napapatagilid siya at nadapa. Sumalampak siya sa puting sahig at napasigaw naman ang iilan dahil sa pag-aalala.
"It's okay. Walang dapat ipag-alala," anunsyo naman ni Eric.
"Set it to 70%," utos ni Eric.
"Understood," sagot naman ni Alvin.
"Sige Diana, subukan mo ulit," utos ni Eric.
Muling tumayo si Diana at sinubukang maglakad. Naibabalanse niya na ang kanyang sarili. Umkot pa siya at pinanood ang kanyang mga paa. Ngumiti siyang muli at animo'y nilaro ang kanyang mga paa.
"Good response," wika ni Eric.
"Wow. Truly amazing!" sambit naman ni Senior Secretary Edwin McCoy.
YOU ARE READING
D.I.A.N.A. (Database Intelligence Artificial Network Ally)
Ciencia FicciónMatapos mamatay ang asawa ni Eric Frost, isang Senior Tech Analyst sa Reinheart Robotics and Prototypes ay tila naging manhid na sya sa araw-araw na kalungkutan. Mas pinili niyang mag-isa sa bahay nilang mag-asawa at pinilit na gawing normal ang kan...