Chapter 10: Memories

196 13 1
                                    

"Hey...hehehe."


Umaalingawngaw ang isang boses ng babae sa isipan ni Eric. Unti-unti ay nakikita niya ang babaeng iyon sa kanyang harapan.


"5 minutes pa," sambit niya habang nakangiti at nakapikit.


"Kailangan mo nang bumangon!" wika ng babae sa kanyang isipan.


"K-Kristina?" tanong niya.


"Handa na ang kape mo sa mesa...baka lumamig," sambit ng babae. Unti-unti ay nagkakaroon ng imahe ang paligid habang dahan-dahang iminumulat ni Eric ang kanyang mga mata.


"Kristina..." bulong niya. Tuluyan niyang iminulat ang kanyang mga mata at laking gulat niya nang nasa harapan niya ang prototype na si Diana.


"Oh shi..." sa gulat ay napabalikwas siya at napaatras, dahilan ng pagkahulog niya sa kama.


"Ayos ka lang ba?!" tanong ni Diana.


"A-aray...anong ginagawa mo?" tanong ni Eric. Umupo siya na tila nakasalampak sa sahig. Dali-dali namang tumakbo si Diana patungo sa kabilang gilid upang siya'y alalayan.


"S-sorry. Nasaktan ka ba? Ayos ka lang ba?" tanong naman ni Diana. Kinapitan niya ang balikat ng lalaki at iniupo sa kama.


"Ahhh. Okay lang. Okay lang ako," sambit ni Eric habang hinihimas ang kanyang kaliwang hita. Napansin naman ni Diana ang mahabang pilat dito na humahaba hanggang sa kanyang mga paa.


"A-anong nangyari diyan?" tanong niya.


"Ahh. Sa aksidente 'to. Napalitan na ng bakal ang mga buto ko diyan, inoperahan," sagot ni Eric. Tila nalukot ang kanyang mukha habang hinihimas ang kanyang hita.


"Ano ba kasing ginagawa mo?" tanong niyang muli.


"P-pasensiya na. Nakuha ko kasi ang records mo. Ang routine mo tuwing umaga kaya ginawa ko na," sagot ni Diana.


"Routine? A-anong ibig mong sabihin? Saan mo nakuha ang daily routine ko?"


"Sa mga CCTV records mo noon. Noong buhay pa ang asawa mo."


"What? Kumuha ka ng files? Noong buhay pa si Kristina?! You don't have to do that! Pribado 'yon! At isa pa hindi mo kailangang gayahin ang asawa ko!" bulyaw ni Eric. Napayuko naman si Diana at inilapat ang magkabilang kamay at tila kinukuskos ito.


"I'm sorry...'di ko sinasadya," wika ni Eric habang kinakalma ang sarili.


"Uhm," usal ni Diana habang tumatango at pilit na ngumingiti.


"H-handa na ang kape mo sa baba. Pati ang almusal. K-kung nagugutom ka bumaba ka na lang," marahan niyang sambit. Agad siyang naglakad palabas ng kwarto at dahan-dahang sinara ang pinto.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 27, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

D.I.A.N.A. (Database Intelligence Artificial Network Ally)Where stories live. Discover now