"Eric! My goodness! You made it! How was it?!" wika ng isang may katabaang lalaki na tila iba ang lahi, ang sekretarya ng buong kompanya na si Edwin McCoy.
Kasalukuyan silang nasa hallway. Ang lahat ay tila nagmamadali pagkalabas ng kanilang mga opisina. Alam na kaagad nila ang balitang nakaratin sa buong kompanya.
"It was great! Yeah...it was...amazing. I-I can't..." hindi pinatapos ni Senior Secretary Edwin McCoy ang sasabihin ni Eric.
"Haven't you slept yet?! You look tired...but still full of energy."
"You know what they say boss. Sleep is for the weak. So...here we are. I told you we can do this!" sagot naman ni Eric habang sila ay naglalakad.
Halata na sa damit ni Eric ang kakualngan sa kaayusan. Tila hindi pa siya nagpapalit ng puting longsleeve na tila naging dumihin na, gusot-gusot pa. Ang kanyang buhok naman ay magulo rin. Hindi naman iyon pinansin ng ibang mga kasama na naglalakad sa kanilang likuran.
"Eric! My gosh! This is it!" bati naman ng isa sa kanyang mga ka-team. Lumabas silang apat sa isang kwartong kanilang nakasalubong. Tila nagmamadali rin sila at aligaga. Napatameme na lamang sila nang makita ang senior secretary ng kompanya.
"My gosh congrats! Kinailangan mo ba ng moral support no'n?" tanong naman ng babaeng kasamahan na si Abby. Tila bumubulong siya dahil sa hiya.
"Hindi naman. Sanay naman ako. Ito naman talaga ang trabaho ko. Mahabang puyata lang talaga ang kailangan," sagot naman ni Eric. Lahat sila ay sumusunod sa kanya sa paglalakad patungo sa tech lab.
"Halata nga sa'yo. Eh mukhang dalawang araw kang hindi umuuwi ah!" sambit naman ni Alvin.
"Grabeng dedication sir!" tuwang-tuwang sabat naman ng isa nilang kasama na si Leonard.
"Ang lalakas niyong mambola...haha. Basta. If there's a will, there's a way," sagot na lamang ni Eric.
_____________________________
Bumukas ang bakal na pinto sa tech lab ng Reinheart Robotics and Prototypes. Automatic na bumukas ang mga ilaw at nakita ang lawak ng lab na iyon na mayroon pang 2nd level. Dali-daling naglakad si Eric sa mga hologram computer sa bandang dulo ng malaking kwarto. Kitang-kita ang kanyang pagkaaligaga na tila hindi man lang siya napagod ngunit mababakas rin sa kanyang mukha ang pamumutla at ang pangingitim ng kanyang mga mata.
"Uhmm. Mr. McCoy, to the whole committee, to my team and the whole staff that is here. I really want to thank you all for giving me this opportunity. For believing in me. Even when in times of doubts...and...sorrow," madamdaming sambit ni Eric. Nakatayo siya sa harapan nilang lahat. Unti-unti namang napangiti ang mga staff maging ang kanilang senior secretary na nauna namang pumalakpak. Sumunod naman ang iba pa sa pagpalakapak.
"Okay. Right now. I want to show you, the brain of Diana," sambit ni Eric. Umilaw naman ang malaking glass cylinder sa gitna ng lab.
Kanina pa tila tumitibok ang ilaw sa loob ng glass cylinder na iyon. Hindi nila iyon pinapansin pero nang buksan na ni Eric ang ilaw sa loob ay nakita nila ang isang artificial brain na gawa sa synthetics, bakal at ilang mga kable. Namangha sila sa pag-ilaw ng bawat led lights nito sa paligid. Senyales na buhay ang AI ng utak na iyon.
YOU ARE READING
D.I.A.N.A. (Database Intelligence Artificial Network Ally)
Science FictionMatapos mamatay ang asawa ni Eric Frost, isang Senior Tech Analyst sa Reinheart Robotics and Prototypes ay tila naging manhid na sya sa araw-araw na kalungkutan. Mas pinili niyang mag-isa sa bahay nilang mag-asawa at pinilit na gawing normal ang kan...