Iminulat ni Eric ang kanyang mga mata at dahan-dahang umupo sa kama na kanyang hinihigaan. Humikab nang kaunti at saka tumingin sa bintana. May kakaibang sigla na nababanaag sa kanyang mukha. Tiningnan niya pa ang oras mula sa hologram clock na nakatayo sa maliit na mesa na napapatungan din ng lampara. Tila mas nauna pa siyang gumising kaysa sa alarm notification niya.
Tumayo siya matapos ang ilang segundong pag-uunat. Itinaas niya ang kanyang kamay habang nakatitig sa isang maliit na kahon sa gilid ng kanyang kisame. Ibinuka niya ang kanyang mga daliri at bumukas naman sa malaking pader ang isang hologram TV.
"It is really a good day partner dahil balitang-balita na ang Reinheart Industries ay bumubuo ngayon ng isang artificial intelligence na makakatulong sa industrial works and corporate businesses. Nakalap natin ang balitang iyan kagabi lamang ano at mainit na mainit," wika ng isang lalaking reporter sa isang morning show. Kasalukuyan namang nililinis ni Eric ang salamin sa kanyang arapan gamit ang kanyang kamay.
"Tama ka diyan partner. Nakakatuwang malaman na ang imbensyong ito ay ililipat sa isang synthetic body upang maging isang prototype. Malaking bagay ito sa mga gawaing bahay at maging sa pag-go-grocery!" sagot naman ng kanyang babaeng co-host.
Patuloy ang ingay na iyon ng telebisyon, si Eric naman ay tila naaasiwa sa itsura niya sa salamin. Hinahaplos niya ang humahaba na niyang bigote at iiling. Kinuha niya ang electric shave na tila natuyo na dahil sa katagalan na hindi nagamit. Kinuha niya rin ang shaving cream at ipinahid sa kanyang balbas at bigote. Matapos ang ilang segundong pag-aahit ay saka naman tumunog ang tila wind chime na alarm sa buong kwarto maging sa banyo.
"Good morning Eric. Time check, it's 8:30 in the morning. Today is March 28, 2092. Temperature outside is increasing to 25 Degrees Celsius. Do you want me to read your emails today?" tanong ng babaeng boses na isang computer generated audio.
"Hmm. Yes please, ah...shit!" sambit naman ni Eric. Tila may sumabit na buhok sa electric shave na iyon kaya't bahagya siyang nasaktan.
"Would you like me to search for the definition of 'shit'?" tanong ng computer.
"A-ano? Ka-bobo mo naman..." bulong ni Eric.
"Sorry, but I didn't catch that," sagot muli ng computer.
"Nevermind. Can you just read my emails please?" utos naman ni Eric.
"Great! Email from Senior Secretary Edwin McCoy. You materials are in the lab, mechanical team is ready and waiting on your command. Email from Tech Analyst Alvin Rocaforte. All is set. Going to the office now. Email from Richmond TV Network station. Greetings Mr. Eric Frost. We would like to invite you to have a dinner interview with us regarding the invention of your AI, D.I.A.N.A., together with Mr. Edwin McCoy. We would like to know more about your current project and how it would help us and how it would contribute to humanity."
Napatigil si Eric sa pagshe-shave nang marinig niya iyon. Sa pagkakataong iyon ay tapos na rin naman siya. Naghilamos na lamang siya at muling pinakinggan ang mga susunod pang mga mensahe.
"Greetings from Aeon TV Network Station. Mr. Eric Frost. We would like to conduct a one on one interview with you regarding the invention of..."
YOU ARE READING
D.I.A.N.A. (Database Intelligence Artificial Network Ally)
Science FictionMatapos mamatay ang asawa ni Eric Frost, isang Senior Tech Analyst sa Reinheart Robotics and Prototypes ay tila naging manhid na sya sa araw-araw na kalungkutan. Mas pinili niyang mag-isa sa bahay nilang mag-asawa at pinilit na gawing normal ang kan...