"So here we go. I've run her schematics, yung old plan natin. May mga nirevise lang ako sa codes. May mga nakita kasi akong mali dito. Pasensya na kung binago ko," wika ni Eric.
Ibinaba niya ang isang hologram tablet na gawa sa salamin at tiningnan naman ito ng kanyang tatlong kamiyembro. Nasa pabilog na salaming mesa sila. Tanging si Eric lamang ang nakatayo habang nakalitaw sa kanyang likuran ang mga hologram image ng isang katawan ng babae na tila robot at ang hiwa-hiwalay na parte nito.
"Sino ba ang nag-code niyan?" tanong niya.
"E-eh...ako ho sir," pag-amin naman ni Leonard. Suot niya ang isang makapal na jacket at naka-beanie pa sa kanyang ulo.
"Ano bang na-correct dito?" tanong naman ni Abby. Nakasalamin siya, isang babae na tila laging dark ang tema ng suot. Humihigop pa siya ng shake mula sa isang cup.
"Binago ko ang emotions niya. Masyadong nakabase sa normal behavior ng mga dating models. We don't need that. Ang kailangan natin ay parang tao makipag-interact," sagot naman ni Eric. Napatango naman si Abby.
"Kaya ba ganoon ang reaction niya noong dumating tayo sa lab kahapon? Sinabi mo na binabaan mo ang emotion level niya para hindi matakot 'di ba?" tanong naman ni Alvin. Isang lalaki na nakasuot rin ng salamin at nakaputing long sleeve.
"I've tried her 100%, didn't work. Marami siyang kinakatakot, hindi naman nagcrash ang system dahil hiniwalay ko ang brain niya sa buong system ng kompanya. Kamuntikan niya na kasing pasukin ang iba pang server. Kapag nagkataon baka nasa lock down ang buong kompanya," sagot ni Eric.
"What happened? When you used the 100% of her emotions?" tanong ni Abby.
"Ayun. Marami siyang kinakatakot. Mga bagay na dapat niyang matutunan eh natatakot siya. Parang isang batang musmos. Then I tried her 75%."
"Gumana ba?" tanong ni Alvin.
"Nope. Still. Let's just say na new born baby pa siya. Marami siyang dapat maintindihan. Mahirap nga naman kung natatakot kang subukan ang isang bagay na dapat mong matutunan. Hindi mo pa nga napag-aaralan eh natatakot ka na."
"Pero kung ganoon eh bakit mo binago ang code?" tanong muli ni Alvn.
"Response based ang mga dating code natin sa mga naunang modelo. How would you even say na successful ang ganoong klaseng AI kung nagrerespond lang siya sa kung ano ang gagawin mo o sasabihin mo sa kanya?" tila matigas na tono ni Eric. Nagulat naman si Abby at napalunok pa si Leonard.
"Para ka lang nagtanong sa internet ng sagot at ibibigay lang niya ang sagot na kailangan mo. Yung kailangan mo lang. What if there's something beyond the context? That is a computer! We are building a human like AI!" dagdag pa niya.
"Hey...'di ako galit Eric. Nililinaw ko lang. Akala ko kasi team tayong gagawa sa kanya eh. Totoo lang. Medyo nainsulto ako eh...but still, it's a good work you've done kasi kahit papa'no sinunod mo yung mga codes natin. May mga pinalitan ka nga lang which is...I don't know. Magiging effective ba?"
YOU ARE READING
D.I.A.N.A. (Database Intelligence Artificial Network Ally)
Science FictionMatapos mamatay ang asawa ni Eric Frost, isang Senior Tech Analyst sa Reinheart Robotics and Prototypes ay tila naging manhid na sya sa araw-araw na kalungkutan. Mas pinili niyang mag-isa sa bahay nilang mag-asawa at pinilit na gawing normal ang kan...