Chapter 2: E-Motion Blur

294 24 2
                                    

"Hey...hahaha..."


Pagtawa ang naririnig ni Eric habang sumisilay siya sa isang babaeng sumasayaw sa buhangin sa paglubog ng araw sa dalampasigang iyon. Nakaupo lamang siya sa buhangin habang umiinom ng isang malamig na beer.


"Tara na, sayaw tayo dali...hahaha..."


Ang kanyang boses ay tila alingawngaw lamang sa kawalan at ang kanyang mukha ay tila nagliliwanag dahil sa ilaw ng papalubog na araw.


"Teka...teka tatapusin ko lang 'to," wika ni Eric. Hinila naman siya agad ng babaeng iyon.. Nalaglag ang beer sa buhangin, pinilit siyang sumayaw ng babae kasabay ang hampas ng alon na tugtugin sa paligid.


"Haha...sandali...matutumba ako," sambit ni Eric.


"Okay lang 'yan...haha."


Sa kanilang mga ngiti ay kitang-kita ang walang-hanggang kasiyahan. Natumba ang dalawa sa buhangin, nagpagulong-gulong hanggang sa tumigil sa pwesto kung saan nasa ibabaw niya ang babaeng nakangiti.


"Mahal kita...mahal na mahal," sambit ng babaeng iyon.


Seryoso ang kanyang mukha. Nakangiti ngunit alam niya sa sarili na totoo ang kanyang sinabi. Ngumiti lamang si Eric, pumikit at hinintay ang pagdampi ng kanyang labi sa mga labi ng kanyang mahal.


Isang halik, isang halik ang gumising sa kanya ngunit mula sa isang panaginip. Iminulat niyang muli ang kanyang mga mata, umupo sa sofa habang nakatitig sa kanyang kanang kamay kung saan naroon ang kanyang neck tie.


"Kristina..." bulong niya. Hinagod niya ang kanyang batok, ang kanyang mata maging ang kanyang mga braso. Tila sinisiguro kung gising na nga ba sya.


Maya-maya pa ay tumunog ang kanyang cellphone, tila isang hiwa lamang ng salamin ngunit lumalabas doon ang ilang mga detalye.


"Hello?"


"Eric! For God's sake, where are you? You're not answering my emails or my calls," wika ng lalaki sa kabilang linya.


"Mr. McCoy...I'm sorry, I just woke up," sagot naman ni Eric.


"You just woke up? It''s already 9:14! What are you doing?"


"What?! Shit!"


Tiningnan muna ni Eric ang oras sa kanyang phone bago muling kausapin ang kanyang boss. Napakamot naman siya ng noo.


"The board members are looking for you, you need to hurry, NOW!"


"What? I thought they dumped my project?" sagot naman ni Eric. Sa pagkakataong iyon ay tumayo na siya. Sinipa niya ang nakaharang na sapatos at tila napakunot ang noo nang makita ang sira-sira nang CPU sa kanyang sahig.

D.I.A.N.A. (Database Intelligence Artificial Network Ally)Where stories live. Discover now