Isang masigabong palakpakan ang ibinigay ng mga empleyado at staff ng kompanyang Reinheart Industries nang humina nang bahagya ang musika sa loob ng malaki at magarang hall. Naghanda ang mga media at ilang mga reporter, inayos nila ang kanilang mga camera maging ang kanilang mga damit at nagsimulang umupo sa unahan.
"Wow, what a lovely evening that we have, James. As well as to our lovely guests, from the media and from the people who are enjoying the night," wika ng isang babaeng host. Suot niya ang isang magarang pink dress at sa kanyang kaliwa naman ay ang ka-partner niyang host.
"Yes indeed Erika. Let's not also forget the president of the company is here to join us straight from New York. Please welcome once again, the Chief of Executive and the owner of Reinheart Industries, Engineer Howard Stein!" pagpapakilala ng lalaki. Tumayo naman ang may kaedaran nang lalaki at kumaway sa kanyang likuran. Pumalakpak naman ang mga bisita, tinutukan siya ng camera ng mga taga-media hanggang sa siya'y makaupo.
"Thank you so much for that warm welcome! Now let me ask you James, what are we up to this night?" sambit ng babaeng host haban nakangiti.
"Tonight is one big night as Reinheart Robotics and Prototypes reveal its very first artificial intelligent and independent database, with its own form and body. Her name is D.I.A.N.A. of course, or Database Intelligence Artificial Network Ally. She is a base project and invented by Engineer Eric Frost, one of the Senior Tech Analyst in Reinheart Inustries," pagpapatuloy ng lalaking host.
"That is right, James. Let's not prolong this night as we can hear everything from the own inventor of Diana, as he explains every feature of this magnificent innovation. We can also interact with her....imagine that?" tuwang-tuwang sambit ng babaeng host.
"Indeed Erika! We can meet her tonight! Up close and personal as our invited media guest can ask questions of her own programmed personality and intelligence. And now please let us give a round of applause for Senior Tech Analyst, Engineer and inventor of Diana, Mr. Eric Frost!" pagpapakilala ng lalaking host.
Agad namang nagtayuan ang mga tao nang lumakas ng musika sa paligid. Umilaw rin nang malakas ang Hologram Screen sa kanilang likuran at ipinakita ang isang maikling patalastas kung saan ipinapakita doon si Diana. Tila nakaupo lamang siya sa isang putng background at humarap sa screen habang nakangiti. Makikita pa ang ilang parte ng bakal at tila asul na LED light sa loob ng parte ng loob ng bawat kanto ng kanyang katawan maging ang mga hiwa sa kanyang synthetic na balat. Nagpatuloy ang pagtugtog ng mabagal na techno sa loob ng hallway. Lumabas naman sa kanang bahagi ng backstage si Eric at tila tinakpan pa ang kanyang mga mata dahi lsa spotlight na sumusunod sa kanya.
"May ganito pa talaga," bulong niya habang naglalakad patungo sa harapan.
Nang makarating sa gitna ay kinuha niya sa kanyang bulsa ang isang comminicator. Sinuot niya iyon sa kanyang kaliwang tenga at mayroon in itong mikroponong maliit sa gilid.
"Uhmm. Wow. What a crowd," paunang sambit ni Eric. Napangiti naman ang ilan. Ang iba ay naghiyawan at pumalakpak. Nagsimulang humina ang musika at tanging paghinga lamang at tahimik na usapan ang maririnig.
"Well, I know you're all excited of what we are going to show you tonight. But please let me begin by thanking my immediate supervisor then for believing in me. Our Senior Secretary, Mr. Edwin McCoy!" wika niya. Naghiyawan naman muli ang mga tao at pumalakpak. Tumayo ang may katabaang lalaki na mayroong balbas at bigote, suot ang isang magarang itim na coat at kumaway sa mga taga-media.
YOU ARE READING
D.I.A.N.A. (Database Intelligence Artificial Network Ally)
Science FictionMatapos mamatay ang asawa ni Eric Frost, isang Senior Tech Analyst sa Reinheart Robotics and Prototypes ay tila naging manhid na sya sa araw-araw na kalungkutan. Mas pinili niyang mag-isa sa bahay nilang mag-asawa at pinilit na gawing normal ang kan...