Chapter 95

505 11 0
                                    

Shana Pov. 

Yakap yakap parin ako ni Dylan ng magsalita ito

"Hindi ko na pinabukas ang pagpunta dito dahil alam kong kailangan mo ng isang kaibigan"
Sabi nito na mas lalong nagpaiyak sakin. 

Bigla naman nitong tinanggal ang pagkakayakap sakin at tumayo nilahad nya ang mga palad nya para patayuin din ako

Habang naglalakad ang nag mumunimuni  ako nabigla ako dahil biglang syang nagsalita

"Alam mo shana nakakabigla ang lahat na nangyari. Yung napaka kulit at bibong bata ay kinuha na nya..Bakit sobrang aga naman"

Nagulat ako dahil umiiyak si Dylan yung lalaking matigas din ang ulo at yung lalaking minsan mo lang  makitang malungkot umiiyak ngayon sa harapan ko

"Alam mo nung nalaman ko na wala na si Tj iyak ako ng iyak kahit nakakabaklang tignan pero wala akong magagawa eh sobrang importanti sakin nang bata"

"Alam mo Dylan  yung mga panahon ' na inaaway kami ni Brena  lagi mo kaming pinoprotektahan sakanya  and I'm thankful kasi meron kaming Dylan na kagaya mo, isa kang mabuting tao kasi hanggang ngayon nandito kapa din para pagaanin yung loob ko..dylan salamat talaga sa lahat"
sabi ko dito ng umiiyak

Mabilis naman ako nitong niyakap

"Hindi kita kayang iwan shana dahil isa kang mabuting tao at napamahal ka nadin sakin" sabi naman nito


------------------------------


Pagkatapos namin magdramahan ni Dylan pumasok na kami sa loob nandon parin sila mom sa kabaong ni Tj kaya pinakilala ko kila mom si Dylan 

Pagkatapos nang pagpakilala ko kay dylan umupo na kami sa upuan..Hindi ko alam kong nasan na si Tristan baka kasama si brena

Napakagwapo nya talaga sabi nalang agad ni Dylan at nakatingin to sa anak ko 

Syempre kanino paba magmamana yan edi sa mommy sabi ko dito ng natatawa na


Mabuti nalang talaga dumating si Dylan kahit papaano kasi nababawasan yung bigat na nararamdaman ko 


I Fell In Love With My BestFriendWhere stories live. Discover now