Chapter 8 - Unsaid feelings

120 18 11
                                    

Sa mga torpe at manhid diyan sa tabi-tabi, pakinggan niyo yung kantang torpe ni ate patch. Baka sakaling maka-relate yung iba diyan.


Talitha

Tuesday morning!!!!

Haay gusto ko pa matulog kaso baka ma-late ako so wag nalang.

Nakakatuwa yung reaction ni Rui kahapon. LT . (laughtrip)

Gulat na gulat talaga siya. Inosenteng inosente yung mukha niya. Tapos pagkatapos niyang hipan yung candle, he's eyes met Lia's. He's eyes sparkle like a star when he saw Lia looking at him too. So sweet.

I'm sure Lia got a crush on Rui,  and I think it's mutual. Kahit sino mang makakakita kung paano sila magtinginan, masasabi agad nila na gusto nila ang isa't-isa.

***

Fifteen minutes before Rev and Drake will arrive with Rui

"Guys, is everything settled?" nagpapanic na tanong ni Lia sa lahat.

"Hindi pa lahat, yung cake hindi pa dumadating." sagot ni Jacob kaya lalong nagpanic si Lia.

"Puntahan mo na daliiii!" si Lia

"Yung box na may sulat, hindi ko pa naiibigay sa front desk." walang ganang sagot ni Tristan na naglalakad na palabas lara iabot sa front desk yung box na black and white.

"Kausapin mo nang maayos, Kuya Tristan ha." paalala ni Lia, tumango naman ng walang expression si Tristan. Hmm? Hindi naman ganito ang mama niya, in fact her mom is the silliest, so how come he's most of the time dull?

"Tita yung spaghetti po ba luto na?" tanong ni Lia kay tita April

"Okay na yung sauce kaso yung spaghetti hindi pa masyado luto, anak"

"Tita aabot po ba yan?"

"Siguro naman, anak.... Ayy ito oh. Ayus na, titiktikin nalang"

"Okay po. Miguel, Louis, ayos na ba yung chicken?"

"Meron pang hindi naluluto!" sabay na sigaw nila. Ang cute talaga nilang dalawa, mukha silang magkapatid.

"Bilisan niyo ha!" sigaw pabalik ni Lia "Yung cartolina natin?"

"Ikakabit nalang, Ang hirap idikit eh, mabigat" sagot ko habang inaayos namin ni Mariah yung cartolina na may happy birthday Rui. Hand writing ko 'to no

Mabigat kasi yung mga nakalagay na design. May mga nakasabit sabit pa kasi.

Tinulungan agad kami ni Lia kaya naikabit naman namin ng maayos.

Hindi parin mapakali si Lia hangga't hindi pa dumadating si Jacob na may dala nung cake. Limang minuto na ang nakakalipas hindi parin siya bumabalik. Paikot ikot na sa buong pad ni Rui si Lia. Aligagang-aligaga

After 2 minutes dumating na si Jacob  at yung cake. Pero hindi parin tumitigil sa pagpapanic si Lia. Kaya nag-isip ako ng paraan para magtagal si Rui sa pag-akyat. Tinawagan ko si Tristan na nasa front desk.

First Love Never Dies (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon